How to escape from cruel reality? Create your own world.
Daydreaming.
I'm Nesa. I was 13 when I learned about daydreaming. Kakatapos ko lang noon magbasa ng libro at wala na akong ibang gagawin pa kaya natulala ako. I barely remember how is it started but I just found myself imagining every scene that I just read a while ago. Iniisip kong ako 'yung bida at may gusto sa akin 'yung bidang lalaki. Dumating din sa puntong kunwari raw ay hahalikan niya ako kaya ngumuso ako. Nahuli ako ni mama at tinanong kung ano raw ang ginagawa ko.
Doon, nagsimula ang lahat.
I had a crush on one of my classmate, si Luigi. Hindi siya gwapo tulad ng karaniwang prince charming ng iba pero palabiro kasi at siya 'yung tipo ng lalaki na go with the flow lang ang motto sa buhay. Kaya lang, hindi nga lang ako ang gusto niya. Umamin kasi ito sa amin na may gusto raw siya sa bestfriend niya. Wala naman problema iyon pero nakita ko na lang ang sarili ko na iniisip siya pagkauwi. I imagined him having a crush on me and courting me. Kilig na kilig pa ako noon na hindi ko namalayang muntik na pala akong mabangga sa isang poste. Hindi pa nagpadala, itinuloy ko pa iyon hanggang sa muntik na naman akong mabangga ng isang sasakyan.
Napansin ko rin ang madalas na pagiimagine ko tuwing gabi. Madalas kong iginagaya ang buhay ko sa mga nababasa ko sa libro. Kunwari ay gusto raw ako ng gusto ko, may biglang susulpot pa na isa at pag-aagawan nila ako. Naalala ko pang enjoy na enjoy ako habang iniisip ang mga iyon kaya hindi ko na namamalayang umaga na pala at hindi na ako nakatulog.
Isa pa riyan nang may makaaway ako. Hindi ko magawang manlaban sa kanila, bukod kasi sa matataba sila, mas marami rin sila kumpara sa aming magkakaibigan. Dahil sa panggigil ko noon, naisip kong gantihan siya kahit sa imagination lang. Naiisip kong kunwari raw ay pinagsasampal ko sila at sinabunutan. Naisip ko ring patayin sila. Sakto naman kasing tungkol sa pagpatay ang istoryang binabasa ko noon. Iniisip kong pinagtataga ko sila, pinagpuputol-putol ang katawan nila at inalisan sila ng puso.
Hindi rin naalis sa akin ang pagkainggit sa mga kaklase kong mayaman. Tanda ko pa kung paano sila magkuwentuhan tungkol sa mga mamahaling gamit na binili nila, mga bansang napuntahan nila at magagarang sasakyan. Syempre, hindi ako nagpatalo. Ayon sa daydream ko, pumunta raw ako sa iba't ibang bansa, may mga magagarang sasakyan sa garahe at higit sa lahat, mala-mansyon na bahay. Hindi nawala riyan ang malaking swimming pool sa likod ng bahay namin. Tumalon daw ako roon at nakita ko na lang ang sarili na nakalublob na ang ulo sa isang timba sa banyo.
Maladaptive daydreaming is not a joke. Dahil uso, para nakakasunod sa trend, ang daming nang nagsasabi na mayroon daw sila ng ganitong sakit. Hindi nila alam, this disease can ruin your life.
Nesa was already dead. This disease made her kill her own family and kill herself. That time, when she imagined herself having a revenge with her enemy, walang awa niyang pinagpapatay ang mga magulang niya at kapatid. Ilang beses niyang pinagtataga sa ulo ang mga magulang at pinagpuputol ang katawan naman ng kaniyang mga kapatid. She also removed their hearts from their body.
She was arrested that time but then released because of her condition, she has a maladaptive daydreaming, a mental illness that causes intense daydreaming that distracts a person from their real life.
Dinala siya rito sa mental hospital pagkatapos. Ako ang nakaassign na nurse para bantayan siya. Malimit ko siyang nakikitang tulala noon na minsan ay ngumingiti pa mag-isa o kaya ay nagsasalita na para bang may kausap. Napansin ko ring na isinusulat niya sa isang notebook ang mga pangyayaring naiimagine niya.
I found this letter after she died. Hindi pa niya natatapos ang sulat na ito kaya itinuloy ko na lang.
Mukhang inulit na naman niya ang pag-iisip tungkol sa pagkakaroon ng swimming pool but she didn't survive this time. Nakita ko na lang na nakalubog na ang ulo nito sa timba, wala ng buhay.
I've searched about this mental illness and I found out that this is still not curable. Wala pang gamot.
This is not a joke.
Prevent yourself from daydreaming before it will kill you.