"Crush! I dare you na kapag natalo kita sa mathematics at ako ang highest, jojowain mo ako", hamon ko kay Jenzen, crush ko.
Nandito ako ngayon sa canteen at nakaupo sa harap niya habang kumakain siya.
Tinaasan niya ako ng kilay bago tumingin sa akin.
"Kaya mo?",tanong niya. Siya kasi ang "Mathematician" sa amin at wala pang nakakatalo.
Tumawa ako. "Masyado ka namang negative. Buti nalang positive ako. Opposite charges do attract diba?"
Napailing lang siya.
"Goodluck na lang sa'yo", sabi nito bago ako iniwan.
Araw ng exam, sobrang kabado ako kahit hanggang madaling araw akong nagrereview.
"Let's start! Pass the test questions to your back. Strictly no cheating", panimula ng teacher namin.
Napatingin ako kay Jenzen, nakangisi ito sa akin. Sinimangutan ko siya.
"Number 50, answer letter D", panapos ng teacher namin sa pagchecheck.
Nagkatinginan kami ulit ni Jenzen. Tinaasan ko siya ng kilay. Yabang!
"Morales, Christine",tawag sa pangalan ko.
"50", sagot ko. Napasinghap silang lahat.
"Salcedo, Jenzen"
Tumingin ako sa kanya.
"49", sagot niya. Napatayo ako.
"What? Anong mali mo?", tanong ko.
"Number 50." Sagot naman niya.
"'Yung pinakamadali? Ano bang sagot mo?"
Sinulyapan niya ako.
"Letter E. E-kaw kasi ang pinili ko"