'Hi I'm September. September na nga, Augusto pa din kita'
I posted a status.
Kinaumagahan, pagpasok ko, kantiyaw ng mga kaklase ko ang sumalubong sa akin.
"Wala ka ng pag-asa don!"
"Oo nga Jobelle, may girlfriend na daw yon e!"
"Naunahan ka sayang!"
Ilan lamang yan sa mga pambubully nila na ikinatawa ko. Wala, truth hurts kasi.
Napatingin naman ako sa mga kaibigan kong weird makatingin sa akin.
"Bakit?", tanong ko.
Tumayo naman si Jema at nilapitan ako.
"Himala. Ang aga mong pumasok. Anong nakain mo?"
"Magic Flakes", natatawang sagot ko. Kaagad naman nilang sinakyan ang pakulo ko.
"So paano ka nakasakay?", si Mia.
"So nagma-magic flakes ako then may dumaang hottie--"
Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin ko nang biglang dumaan si Joshua, yung crush ko.
Kaagad naman akong pasimpleng siniko ng mga kaibigan ko. Nagulat kami nang bigla na lang itong pumasok ng room namin na siyang ikinatigil din ng mga kaklase ko sa pambubully sa akin.
"Jobelle, yung panyo mo naiwan mo sa kotse", tawag nito sa akin.
"Ah sorry nagmamadali kasi ako kanina", sagot ko naman.
"Okay lang. Hintayin kita sa parking mamaya", sagot nito bago ako hinalikan sa noo at umalis.
Napatanga naman ang mga kaklase ko.
"Sayang may girlfriend na nga si crush.", sabi ko bago pasimpleng inamoy ang panyo ko na ibinigay sa akin. Amoy Joshua tengene!