THAT THING CALLED GREATEST LOVE

391 8 0
                                    

Anong gagawin mo kapag nagkita kayo ulit no'ng ex mong nagcheat sa'yo?

We were childhood sweethearts. Elementarya pa lang, gusto na namin ang isa't isa. Sabay na pumunta sa canteen, magkatabi ng upuan at inihahatid niya ako pauwi. Idagdag mo pang malapit din ang mga magulang namin noon at madalas na magkuwentuhan sa tuwing may meeting sa paaralan.

#PaTian

Patricia and Christian. 'Yan ang pangalan ng loveteam namin. Pambato sa mga contest at pangrampa sa mga lakad-agham.

Naging magkaklase kami hanggang noong mag-high school na.

"Truth or dare?"

Naging tampulan din kami ng tukso lalo na sa larong truth or dare. Lagi kasing dare ang pinipili niya dahil alam na rin naman ang ipapagawa. Kung hindi ako yayakapin, makikipagtitigan o kaya naman ay maghahawak-kamay.

Our relationship became official when we entered 9th grade.

Aaminin ko, marami rin kasing nagkakagusto sa kan'ya kaya natakot ako. May mga nagbibigay pa rin ng mga love letter sa kan'ya kahit pa na sinabi na niyang kami na. May mga pasimple pa ring nilalandi siya kahit umiiwas na.

One year. Two years. Three years. Hanggang sa makatapos kami ng high school, masasabi kong matatag pa rin ang relasyon namin.

Sa kolehiyo, nag-iba ang landas na tinahak namin. Hindi kami pareho ng kursong kinuha kaya hindi kami naging magkaklase. Hindi naman naging problema 'yon dahil sabay pa rin kaming umuwi. Maswerte rin na sa parehong schedule kami napunta kaya magkasama pa rin kami sa tuwing break time.

"Hindi ako makakapunta. May gagawin kami ng mga kaklase ko."

Akala ko noong una, ayos pa 'yon. Hanggang sa mapansin kong 'yon na lang lagi ang idinadahilan niya sa akin sa tuwing magkikipagkita ako. Samantalang, lagi ko namang nakakasalubong si Boyet sa daan at wala namang ginagawa kahit na magkaklase sila.

"May problema ba tayo?"

Sinubukan kong makipag-usap sa kan'ya pero lagi raw siyang busy. Sumisipot naman kapag anniversary namin pero pagkatapos noon ay wala na. Kahit text o chat lang, hindi na siya nagpaparamdam.

Hanggang sa umamin siya sa akin. May relasyon na pala sila noong kaklase niya. Isa't kalahating taon. Isa't kalahating taon na pala niya akong niloloko. Makakaya ko pa sana 'yon pero ang mas malala pa, nabuntis niya 'yung kaklase niya.

'Yung akala ko, maayos pa kami noon pero ako na lang pala 'yung nag-iisip ng ganoon. Masakit isipin na nahulog pa rin siya sa iba kahit ginawa ko na ang lahat para makuntento siya.

Graduation ng college, hindi na kami nagpansinan. Nakakahiya naman kasi sa kan'ya at kasama pa niya 'yung 'girlfriend' niya.

Naging nurse ako matapos ang isang taon. Wala na akong naging balita sa kan'ya kung naging abogado ba siya. Lumipat kasi sila ng tirahan matapos ang graduation.

Kinalaunan, nakapag-asawa ako ng doktor, si Gab. Magkatrabaho kaming dalawa kaya hindi na rin nakapagtatakang nahulog kami sa isa't isa. Ako rin ang nurse na naka-assign sa kan'ya kaya lagi rin kaming magkasama.

"Pat, may reunion daw tayo ng high school. Pupunta ka? Nandoon si Christian."

Nabalitaan ko ring nakabalik na pala rito sina Christian kasama ng asawa niya at anak. Nagtatrabaho pala ito sa gobyerno bilang abogado ng mga mahihirap katulad ng pinangarap niya noon.

Anong gagawin mo kapag nagkita kayo ulit no'ng ex mong nagcheat sa'yo?

High school reunion, nagkita kami ulit. Iba rin kasi ang mga kaklase namin noon at pinagtabi pa talaga kami ng upuan.

"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig."

Pasimple pagkanta pa ng iba kaya napapatawa na lang ako. Napatingin ako sa kan'ya.

Seeing him now, wala na akong bitterness na naramdaman. Knowing that we both achieve our dreams kahit na hindi kasama ang isa't isa, it makes me happy. Siguro, dahil pareho na kaming masaya. We're both happy with our own lives now, without each other.

Plano ko noong una, hindi ko siya papansinin. Pero noong nakita ko siya, hindi ko napigilang yakapin siya. He did the same too. We hugged each other as we both apologized with our mistakes.

Sabi ni mama, sa buhay daw natin mayroon tayong isang lalaki na mamahalin pero hindi natin makakatuluyan. 'Yung kahit sa paglipas ng panahon ay magmamahal tayo ng iba, may espesyal na pwesto pa rin siya sa puso natin. 'Yun daw ang tinatawag na greatest love.

Christian is my greatest love.

We became friends after that. Pwede pala 'yon? Sabi nila, past lovers cannot be friends. Kasi kung ganoon daw ang mangyayari, it's either they still in love or they were never been in love with each other. I don't think so. Because for me, that's how maturity works.

'Yung kahit na nasaktan namin ang isa't isa, we still forgave each other. Maswerte pa rin ako. Hindi lahat ng tao, nagkaroon ng tsansang makaranas ng greatest love. I'm still grateful for what we had.

Maybe, we may never ended with each other,

but atleast we met.

Bella ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon