Special Chapter

353 11 14
                                    

Happy 50K plus reads, Stay | Han Jisung
Merry Christmas babes, iloveyou!

---

"Riley!" Nilingon ko si Avery na tumatakbo papalapit sa amin. "Hanap ka ng jowa mo!"

Kumunot ang noo ko. "Bakit daw?"

"Aba malay ko, pinatawag ka lang sa akin." Tinulak niya ako sa pwetan at kinuha ang hawak kong pamaypay. "Ako na rito, layas na."

Wala na akong choice kung hindi iabot sa kaniya ang mga iniihaw ko. Tag team kami ng mga lalaki rito para may iba naman silang magawa at hindi puro kami lang ang nagsasaya dahil nakatutok sila sa mga kakainin namin.

Nasa may Busan ang buong barkada, sa may pinuntahan namin dati na resthouse nung mga Seo, para magcelebrate ng Christmas.

It's not exactly Christmas yet, Christmas Eve palang, 11:35 pm. Kaya nagtaka talaga ako bakit pa niya ako tinatawag dahil sasalubungin na namin yung pasko kasama yung barkada.

At saka magkikita pa kami ng ganitong oras eh lagi naman kami nagkikita, sayang naman yung oras na makakasama namin yung mga kaibigan namin.

Paano ba kasi, busy na kaming lahat sa kaniya-kaniya naming mga trabaho at buhay. Madalang nalang kami magsama-sama ng kumpleto. Madalas nga eh sa mga special holidays nalang, alanganin pa minsan.

"Omi! Omi!" Sigaw ko nang makita siyang tumatakbo pabalik sa pwesto namin, hawak ang ilang mga pinamili. "Ano yan?" Turo ko sa dala niya.

"Ah, si Kuya chan pinabili niya. Pang final touches niya lang daw." Sagot niya naman.

"Eh si Jisung? Nakita mo ba?" Tanong ko naman nang hindi siya makita sa paligid ng resthouse.

"Nasa may gazebo, hinahanap ka nga eh." Nagthank you nalang ako at tumakbo na papunta sa gazebo habang mahinang minumura si Jisung.

Ang epal kasi! Ang layo kaya ng gazebo sa resthouse! Papatakbuhin niya pa ako eh alam niya namang sasalubungin namin yung pasko kasama yung barkada.

"Hoy ikaw!" Napatalon sa gulat si Jisung dahil sa sigaw ko. "Balik na ron oy, mamaya ka na magtagu-taguan!"

"Saglit lang to promise." Sinalubong niya ako ng yakap pero umiwas ako at pinagcross ang kamay ko sa dibdib saka siya tinignan ng masama.

"Saglit lang pero sa gazebo gusto makipag-usap?" Inis na sambit ko. "Pwede naman ipagpalipas, bub. Anong oras na oh!" Tinignan ko pa ang wrist watch ko at nakitang 11:40 pm na.

Umubo muna siya saglit at tinignan ako ng seryoso. Nakaramdam ako ng malamig na hangin kasabay ang malakas na alon mula sa dagat na katabi namin.

Umayos ako ng tayo nang masense na mukhang seryoso ang pag-uusapan namin. Knowing Jisung, di naman yan magtatawag bigla lalo na at alam niyang special yung araw na sasalubungin namin.

"Is it serious?" Mabagal na pagsabi ko, nag-iingat. "Can we talk about it after Christmas na? They are waiting for us."

Umiling siya kaya naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Did I do something wrong?" Mabagal na sabi ko pa rin. Lumunok muna ako bago magpatuloy. "Is it that bad?"

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon