011

543 22 0
                                    

- flashback 002

Busan, South Korea

"Ma?" Tawag ni Riley sa nanay niya. Busy kasi ito sa pag-aasikaso ng bagong bahay nila sa Busan.

"Bakit anak?" Tanong ng nanay niya sa kaniya.

Nagdalawang isip naman si Riley kung magtatanong ba talaga siya pero kahit na hindi siya sure kung masisiyahan ba siya sa sagot, tinanong niya pa rin.

"Sa Busan na ba talaga tayo titira?" Nakayukong tanong nito.

Nalungkot naman ang nanay niya sa itsura ng anak. Huminga ito ng malalim at pinantayan si Riley.

"Anak..." tinaas nito ang mukha ng anak niya saka ngumiti. "Alam kong mahirap mag-adjust pero kapit ka lang para kila Mama at Papa ha?"

Hindi sumagot si Riley kaya tinuloy niya ang sinasabi niya. " Alam mo namang walang mag-aalaga ng mga lupa nila Lola mo kaya dito na tayo titira para mapakinabangan natin. Mas papalaguin din natin ang buhay natin dahil sa mga ito. Tutulungan natin si Papa mo na nasa Malaysia para mas gumanda pa ang buhay ng munting prinsesa namin. Dadalaw-dalaw nalang tayo sa Seoul okay?"

Tumingin si Riley sa Mama niya saka tumango. Ngumiti pa ito para magcheer up sa nanay niya. "Alam ko naman po eh. Mamimiss ko lang po talaga yung Seoul pero nandito po ako para sa inyo."





- first day of middle school

Napabuntong hininga nalang si Riley nang makitang sama-sama ang mag students na magkakaibigan na. Nakatayo ito sa gitna ng canteen at hindi alam kung anong gagawin.

"Hi!" Nagulat siya nang biglang may kumalabit sa kaniya. Tumingin siya dito at nakita niya ang isang babae na ngiting ngiti sa kaniya.

"Mag-isa ka lang?" Tanong pa nito. Nagtatakang tumango si Riley. Nagulat siya ng hilain siya ng babae papunta sa isang table.

"Sabay tayo kumain!" Sabi pa nito. Wala namang choice si Riley at gusto niya rin ng kasama kaya pumayag siya.

"Ano palang pangalan mo?" Tanong nito habang kumakain sila.

"Riley, Jung Riley. Ikaw?"

"Ako si Avery! Park Avery! And bestfriends na tayo ha?" Madaldal na sabi ni Avery kaya natawa ang kasama niya.

"Oo naman! Bestfriends na tayo!" Sagot ni Riley kaya napasigaw sa tuwa ang bagong bestfriend niya.

Akala pa naman niya mahihirapan siyang makahanap ng kaibigan, buti nalang mababait ang tao dito.

"Ang ingay mo naman, abot hanggang labas yung boses mo." May tumabi sa kanilang isang lalake.

"Bakit ka andito?!" Maktol ni Avery sa lalakeng dumating.

Nagtaka si Riley dahil iba ang ID nito sa kanila kaya ibig sabihin ay mas bata ito.

"Kapatid mo?" Tanong nito sa dalawa.

"Hindi ah!" Sabay na sambit nila. Natawa tuloy siya.

"Epal lang to sa buhay." Irap pa ni Avery.

"Jeongin nga pala. Cute ko no?" Sabi ng lalakeng nagngangalang Jeongin. Napatango nalang si Riley.

"At bestfriends na rin tayo!" Dugtong pa nito.






- end of school year

"Ang daya mo!"

Tinawanan lang ni Jeongin ang umiiyak na si Riley. Nakayakap ito kay Avery at patuloy pa rin ang pag-iyak.

"Isang taon palang tayong magkaibigan iiwan mo na ako?" Patuloy ng babaeng umiiyak.

Hindi na nakapagpigil si Jeongin at niyakap ito. Nagpatuloy lang sa pag-iyak si Riley habang kinocomfort siya ng dalawa niyang kaibigan.

"Sabi ko naman kasi sayo na nakapasa ako sa JYP sa Seoul diba? At dapat sumunod kayo." Paliwanag ni Jeongin.

"Hindi mo man lang tinapos yung middle school dito. Sino na yung magtatanggol sa amin niyan?" Patuloy sa pag-iyak nito.

"Nandito naman ako! Lampa lampa niyang si Jeongin eh. Di kita iiwan." Assure ni Avery sa kaibigan.

Tumigil na sa pag-iyak ang babae at pinunasan ang mga luha nito. "Dadalaw ka ha?"

Tumango si Jeongin sa tanong nito. "At dadalaw rin dapat kayo! Susunod rin kayo Noona ha?"






- end of school year, last year of middle school

"Ang daya mo!"

Inis na sambit ni Riley kay Avery. Tinawanan lang siya ng dalaga kaya mas nainis si Riley.

"Akala ko ba hindi mo ako iiwan?!" Patuloy pa nito.

"Sabi mo sa akin susunod ka rin?" Tanong ni Avery.

"Sabi ko sa college ako babalik. Hindi mo man lang pinatapos yung high school!" Iyak pa ni Riley sa bestfriend niya.

"Dadalaw naman ako eh. Sasama ko si Jeongin kahit na ang sarap niyang itapon." Pagpapagaan ni Avery sa kaibigan.

"Decline mo na kasi muna JYP, Ave. Sabay na tayo!" Pagpipilit pa rin ni Riley.

"Gaga ka ba? JYP na yon!" Sagot naman ni Avery.

Mas yumakap lang ng mahigpit ang bestfriend niya sa kaniya. "Syempre joke lang, balita sa inyo ha?"

Pinunasan na ni Riley ang luha niya at ganon din si Avery. "Malalate ka na, baka pigilan kita diyan eh." Sabi ni Riley pagkatunong ng plane na tinatawag na ang mga sasakay.

Sosyal eh, plane ang napiling transportation.

Kumaway pa sila ng isang beses. "Sunod ka ha?"







- present time, before chapter 1

"MA NATANGGAP KO NA YUNG MAIL!"

Tili ni Riley sa kausap niya sa telepono. Umalis kasi saglit ang nanay niya kaya sa phone niya na lang nasabi.

Tapos hindi pa sumasagot kaya sa voice mail dumeretsyo ang tawag niya. Pero syempre sasabihin niya pa rin dahil masyado siyang naexcite.

"BABALIK NA AKO NG SEOUL!"

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon