029

514 26 0
                                    

"Good morning!"

Saktong tumunog ang bell. Lahat kami umayos ng upo nang biglang dumating ang prof namin and which is siya na rin ang adviser ng block 1.

Kasunod niya si Seungmin kaya yung mga babae dito, todo kilig naman. Nung magkasama kami niyan kanina, halos patayin na nga ako sa titig ng mga fangirls nila.

"Psst!" Napatingin kaming dalawang babae kay Avery dahil bigla siyang mahinang sumitsit.

"Anong gagawin mo diyan." Nguso niya pa kay Naomi tapos kay Seungmin kaya kumunot ang noo ko.

Napapansin ko rin namang may something sa kanila, hindi lang ako nagsasalita kasi mamaya magawan ko pa sila ng issue. Pero ngayon nag-open na ng topic si Avery, siguro pwede na magtanong.

"Oo nga, anong meron sa inyo?" Dugtong ko pa.

"Wala." Sagot niya.

"Wala ka diyan? Gusto mo itanong ko sa mga lalake?" Taas kilay na sabi naman ni Ave.

"Wala nga kasi. Para sa iba, wala." Mahinang sagot ni Naomi at umiwas na ng tingin. 

Nagkatinginan pa kami ni Avery sabay shrug. Sana lang at hindi kami narinig ng dalawang lalake na nasa harap namin. At mukhang mahaba habang usapan ang mangyayari mamayang break.

Pagharap namin, tapos na pala ang sinasabi ni Seungmin at nagchecheck na ng attendance yung adviser namin.

Nakaupo na rin si Seungmin sa harap ni Jisung habang lumipat naman si Felix sa tabi nito. Meaning, wala ng tabi si Jisung. Para daw kasi yon sa kaibigan nilang hindi pa dumadating. Grabe, first day na first day late agad.

Hindi ko namalayang natapos na rin yung attendance. Get to know nalang at starting to sa harap. Ano ba yan, college na kami pero nagpapakilala pa rin kami sa harap. Para na rin naman daw to sa future purposes dahil buong college kaming magkakasama.

"Good morning!"

Lahat kami napatingin sa back door ng biglang malakas na nagbukas iyon. Parang nag slow mo ang paligid ko pagkatingin ko doon.

May lalaking ngiting ngiti habang pawis na pawis pa na nakahawak sa may door frame habang hinihingal.

What a sight! Bes ang gwapo!

Mas lumawak pa ang ngiti niya kaya feeling ko natutunaw ako sa mga iyon. Ugh! Ano bang nangyayari sa akin?!

"Ehem, Hwang Hyunjin?"

Natauhan ako nang biglang nagsalita ang prof namin. Napatingin kaming lahat dahil doon. Hawak ng prof ang attendance at mukhang may sinusulat doon.

Hala wag niyo naman sana i-mark na absent. Sayang yung sight pag ganon.

"Alam mo naman siguro na first day ngayon?" Taas kilay na tanong ng prof.

Napatingin ulit ako sa lalake sa likod, na Hwang Hyunjin ata ang pangalan, at saktong tumango siya sa tanong ng prof.

Hinihingal pa nga siya pero naayos niya na ang posture niya kesa yung kanina na halos sumabit nalang siya sa may door frame dahil sa pagod. Tumakbo siguro to dahil alam niyang late na siya. Ang laki laki pa naman ng University.

"I'm sorry po." Pasensya nito at pinupunasan ang pawis na tumutulo.

"Sit down before I change my mind at markhan kang absent sa first day."

Lumawak pa lalo ang ngiti niya at nawala na ang mga mata niya dahil doon. Cute.

Eto namang prof namin, nginitian lang pinapasok agad. Alam kong pogi siya pero pati kasi yung prof namin nakatitig din doon sa guy. Well, hindi ko naman siya masisisi

Napigil ko naman ang hinga ko nang bigla siya naglakad papalapit sa akin. Kanina pa ba siya nakapasok ng room? Bakit hindi ko alam?! Omg! Pero hala bakit siya lumalapit?!

Okay Riley, act normal.

Umayos ako ng upo ko at humarap na ulit sa harap. Hindi ko naman pinahalatang nagpapanic na ako dito habang di pinapahalatang sinusundan ko pa rin siya ng tingin.

Nagulat ako nang bigla siyang dumaan sa amin at inapiran si Avery. Ngitinian niya pa si Naomi saka umupo sa tabi ni Jisung, which is nasa harap ko, saka nakipag brofist dito.

Shems ang bago niya! Mama, pwede na ata ako mamatay?!

Magtatanong palang sana ako kay Avery kung sino siya at bakit mukhang close na close sila pero kinalabit niya na ito.

"Sabi ko wag kang malate kahit ngayong araw lang diba?" Mahinang sermon ni Avery. Close nga kaya sila?

"Hay nako hindi na nagbagong buhay." Dugtong pa ni Naomi. Mukha rin naman silang close.

So ako lang hindi ganon? Ay charot.

"Hindi ako nagising sa alarm ko eh." Kamot batok na sagot naman ni Hyunjin, kung tama ang pagkakarinig kong pangalan niya kanina.

"Sabi ko kasi sayo ispeaker mo na sa buong HQ." Sagot naman ni Jisung. Binatukan naman siya ni Avery kaya mas lalong nanlaki mata ko sa gulat.

Ngayon lang nag sink in sa akin ang nangyayari. Siya yung sinasabi nilang isa pa nilang katropa! Yung hindi ko pa nakikita dahil kahit na nakakasama ko ang tropa nila sa flower shop ni Tita, wala siya doon. Busy daw kasi dahil maraming kumukuha sa kaniyang model at puro photoshoot ang schedule niya. Ayon ang kwento nila sa akin.

"Pinatulog niyo kasi sa HQ! Hinahanap kaya siya ni Tita sa akin!" Patuloy na sermon ni Ave.

"Sorry na ha. Nag-aya kasi sila Minho hyung kagabi. Nakatulog lang kaming lahat sa HQ." Paliwanag pa rin ni Hyunjin.

"Tapos sila nagising, ikaw hindi?" Tawa ni Naomi.

"Muntik na nga daw akong buhusan ng tubig ni Jeongin, pinigilan lang daw nila Chan hyung. Mabait daw kasi sila, punyeta." Iling naman ni Hyunjin.

"Mababait nga. Kaya nalate ka tuloy." Tawa rin ni Jisung. Aish, magkaibigan nga sila.

"Pagsabihan mo nga yang bestfriend mo Avery." Ngisi pa ni Naomi sa akin. Napapansin niya ata na sobrang gustong gusto ko na makilala at malaman kung anong meron don sa dalawa.

So si Hyunjin ang bestfriend ni Avery?! Omg Ave palit na tayong life! Syempre di ko sinigaw yan. Kahiya kaya, baka marinig pa nung mga lalake. Mamaya nalang pag kami kaming mga babae nalang.

"Aish bahala nga kayo diyan." Inis na sabi ng bestfriend ko doon sa dalawa saka bumaling sa akin.

Gulat na gulat pa rin ako sa mga nalaman ko kaya narinig ko ang mahinang hagikgik ni ni Ave at Omi. Pabiro ko tuloy sila kinurot sa tagiliran.

"Sarado bibig Ry, napaghahalataan ka eh." Bulong ni Ave sa akin kaya napaayos ako ng sarili ko. Ano ba yan Riley, masyado kang na carried away.

"Magkekwento kayo sa akin mamaya ha." Bulog ko naman pabalik kaya tumango sila.

"At marami rin kaming ipapakilala sayo." Bilin pa ni Naomi.

Pag-angat ko naman ng tingin nakaharap na pala sa amin si Hyunjin kaya ngumiti ako. Ang awkward kasi.

Ngumiti naman siya pabalik saka kinawayan ako. Para pa ngang nag slow mo sa paningin ko at nagpaulit ulit ang mga ngiti niya isip ko.

"Hello!" Bati niya pa sa akin.

Help, puso ko sasabog na.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon