"Saan ka pupunta?"
Sinamaan ko ng tingin si Jisung dahil ginulat niya ako. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay siya agad yung bubungad sa akin?
Scary. Nakasandal pa siya sa mismong harap na pader ng kwarto ko.
"Bakit? Ano bang pake mo?" Tanong ko habang tinaasan siya ng kilay. Tinignan niya muna ako from head to toe kaya na conscious ako.
"Hoy yung tingin mo naman! Minamanyak mo ba ako?!" Hindi ko napigilan na sigaw.
"Kapal ko naman! Kamayak manyak ka ba?" Taas kilay na tanong niya naman kaya hinubad ko ang sapatos ko saka binato sa kaniya.
"Gago ka! Bastos ka talaga punyeta!" Malakas na bulyaw ko. Hindi naman kasi nakakatuwa pinagsasabi niya!
Hindi na siya sumagot kaya tuluyan na akong lumabas nga kwarto. Kukunin ko sana ang sapatos kong nasa harap niya pero bago pa ako makayuko, hinigit niya ako at hinarap sa kaniya.
"Jisung pwede ba? Late na ako, wala akong panahon sa jokes mo ngayon." Pagmamadali ko pero tinignan niya lang ako sa mata.
Lumapit naman siya sa akin kaya kusa akong napahakbang patalikod, bali nakapasok ulit ako sa kwarto ko.
Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya natigil ako. "Ang ikli ng damit mo, kaya saan punta mo?" Bulong niya naman.
Tinulak ko siya papalayo saka tinignan ang suot ko. Ang showy ba talaga? Nakadress lang naman ako, may problema ba don?
Mas nagulat ako nang bigla niyang haplusin ang mukha ko. "Uy ano ba!" Inis na sigaw ko agad. "Wala ka bang magawa?!"
"Nakamake-up ka?" Kunot noong tanong niya naman kaya napayuko ako.
"P-pake mo ba?" Taboy ko at lalabas na sana pero hinarangan niya ulit ako.
"Ang pagkakaalam ko magpaplanning lang kayo ni Hyunjin at hindi pa magbivideo. Para kang makikipagdate." Iling niya.
"Ano ba kasing pake mo? Tatay ba kita ha?" Irap ko pa sa kaniya. Pakielamero.
"Buti nga concern pa ako sayo, baka mamaya pagtatawanan ka pa niya sa suot mo."
"Hindi naman ganon si Hyunji---"
"Ako ngang kasabay mo maligo nung baby ka pinag-iisipan mong minamanyak ka. Pano nalang yung ibang lalake?" Mabilis na katwiran niya na hindi niya pa ako pinatapos sa sasabihin ko.
"Wala sa damit yon, Jisu---" Sagot ko naman.
"Kahit na, magpalit ka." Putol nanaman niya sa akin at agad na sinarado ang pinto.
Tinary ko namang buksan yon pero nakahawak siya sa kabilang dulo kaya hindi ko mabuksan.
"Ano ba Han jisung palabasin mo ako! Malalate na kaya ako!" Bulyaw ko sa kaniya.
"Magpalit ka nga kasi. Magjeans ka nalang, mahangin ngayon. Alam ko may bagyo." Hindi ko naman siya sinunod at pilit na binubuksan pa rin ang pinto.
"Wag na mapilit bub, magpalit ka na. Hindi ka makakapunta sa meeting place niyo, bahala ka." Pagpupumilit niya pa rin.
Napabuntong hininga nalang ako dahil knowing Jisung, hindi niya talaga ako papalabasin.
"Bitawan mo yung doorknob, ilolock ko yung pinto." I said at sakto bibitawan niya nga ito.
"Argh! I hate you, Han Jisung!" Sigaw ko at agad na hinubad ang bag na suot ko.
"Sweet mo naman bub, I love you too." Rinig ko pang asar niya. Bago ko pa siya makalbo, pinakalma ko na ang sarili ko.
Saglit lang akong nagbihis at agad na bumaba. Nag jeans and loose shirt nalang tuloy ako saka chained bag.
"Aalis na ako." Paalam ko kay Jisung nang madaanan ang kitchen kung saan nandoon siya.
"Wag ka nang umalis." Natigil ako sa pagbukas ng pinto dahil sa sinabi niya.
"Huh?" Kunot noong tanong ko pagharap sa kaniya.
Pinakita niya sa akin yung phone niya saka winagayway iyon. Dahil malayo siya sa akin, hindi ko naman kita kung ano ang nandoon.
"Tayo na daw magkapartner. Kanina pa pinalitan ng prof, tingin ka rin kasi sa messages mo, hindi puro si Hyunjin nasa isip."
Ilang segundo rin ata akong napatulala sa sinabi niya. Mabilis kong kinuha ang phone ko and saw may professor's text na sinend exactly 3 hours ago.
Pinagpalit niya na talaga yung partners namin with the reason of late kasi si Hyunjin non and si Jisung naman daw talaga ang kapartner ko.
Biglang sumagi sa isip ko na kanina niya pa alam na hindi ko na pala kagrupo si Hyunjin pero pinagpalit niya pa rin ako ng damit.
"Ano? Naniniwala ka na?" Tawa niya pa kaya mas nainis ako.
"Puta ka talaga Han Jisung!" Inis na sigaw ko sakaniya saka binato ang chained bag ko papunta kung asan siya.
"Bahala ka nga sa buhay mo!" Sigaw ko pa at padabog na umakyat ulit sa kwarto ko.
Narinig ko siyang sumunod sa akin kaya agad kong nilock ang pinto ko bago pa siya makapasok.
Kinatok niya tuloy ako. "Sorry na, ayoko lang kasing lumabas ka ng ganon suot lalo na at ako kasama mo."
"Sinong may sabi sayong sasama ako sayo?" Irap ko naman kahit hindi niya makikita.
"Sige naman na o. Aalis ka naman na, planning nalang tayo sa Han River." Katok niya pa rin.
"Bwisit ka, wag mo akong kakausapin." Sagot ko at humiga na sa bed ko. Bahala na siya sa buhay niya.
"Birthday ko na next week, pagbigyan mo naman ako." Ramdam ko pa yung paawa effect niya.
Gosh, he pulled that card. Kadiri!
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Hinampas ko pa siya sa mukha dahil nakapuppy eyes pa siya. Akala niya ata cute siya.
"Pupunta lang ako kasi punyeta ka pinagbihis mo pa ako. At tigilan mo nga kakapout." Sagot ko at dinaanan siya.
"Kiss nga kita eh." Sunod niya sa akin.
Natigilan ako, naalala ko yung sa kanila ni Ara. Pero alam kong di right time na natungin yon ngayon kaya I kept my mouth shut.
Lalo na at masasaktan lang si Avery pag nalaman niyang nagmake out ang crush niya at ang girlfriend ng boy bestfriend niya.
"Lah di na nagsalita! Gusto mo talaga ng kiss?!" Gulat na tanong ni Jisung.
Hinarap ko siya at unti unting lumapit. Nakita ko pa ang paglunok niya kaya di ko mapigilang matawa.
"Asa!" Asar ko at inunahan na talaga siyang bumaba.
To be honest, namiss ko asaran namin. The effect of Han Jisung nga naman sa akin.

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...