082

457 24 6
                                    

"Simulan niyo na."

From Wonho's cue, 5 guys na malapit sa pinto ang umabante. They met halfway at sinalubong agad ni Jisung ng suntok ang naunang lumapit sa kaniya.

Sigurado akong sobrang lakas non dahil narinig namin ang pagcrack ng ngipin nung sinuntok niya. Tumulo pa ang dugo sa bibig nung lalaki as he staggered backwards at bumagsak.

The second guy tried to kick him naman pero nahuli ni Jisung ang paa nito. Inikot niya siya and roughly threw him sa pangatlong lalaki. Bumagsak sila parehas sa maliit na mesang malapit kaya bumagsak din sa kanila ang vase na nakalagay sa tuktok non.

Hinabol ni Jisung ang hininga niya. Nanlaki ang mata ko nang maglabas ng kahoy ang pang-apat na lalaki. I gulped when I saw there's a nail at the end.

Babalaan ko palang si Jisung, napalo na siya ng dalawang beses nung kahoy kaya napaluhod siya sa sakit. The fifth guy then threw double punches on this stomach and face.

Jisung collapsed, groaning. Nagdudugo na rin siya dahil sa nail na tumama sa kaniya. Lumakas ang iyak ko kaya napatingin siya sa akin, he smiled.

Punyeta ka Jisung! How can you smile when you're in pain! Stupid!

Lumapit na sa kaniya ang grupo ni Wonho. Seven sila, at mukhang sila ang leaders. "Ano ka ngayon? Ganda ba ng regalo ko?" Wonho stated.

Sinubukang tumayo ni Jisung pero takatanggap lang siya ng malakas na sipa kay Wonho. The other guys laughed at the scene.

Napansin ko rin si Hyunjin sa labas mula sa sliding door sa dinning room. Nasa backyard na siya pero ang dami pa ring umaatake. Sa kaniya, it's like a dozen versus one.

Pero ako, wala akong magawa para tulungan sila parehas. Ako pa ang naglagay sa kanila sa ganitong sitwasyon.

"Pakawalan niyo si Riley! Kami kailangan niyo!" Hirap na sigaw ni Jisung.

"Knight in shining armor? Bulok!" Tawa naman ni Kihyun.

"Punta niyo yung babae dito. Kawawa naman paghihirap nito." Walang emotion na utos ni Wonho sa dalawang lalaking malapit sa akin.

They untied me at nagpumiglas agad ako pero no use. Hinawakan nila ang dalawang kamay ko patalikod habang yung isa ay nasa harap ko.

Nanghihina ako, hindi ako makatayo nang maayos pero nagawa ko pa ring ngumiti nang mapatingin ulit si Jisung sa akin.

Mas dumilim tuloy ang mukha ni Jisung dahil nakita niya ako ng medyo malapitan. Napansin niya na siguro ang ilang sugat ko pa sa mukha.

Sinubukan niyang tumayo at nagawa niya naman. Pero wala pa siyang dalawang segundong nakatayo ay sumalubong agad ang ilang malalakas na palo ni Wonho gamit ang kahoy na may pako.

Napaluhod siya at di na nagawang lumaban. He's too drained. Narinig na rin namin ang malakas na sigaw ni Hyunjin sa labas kasabay ang malakas na bagsak. It looks like pati siya natalo.

Nagsitawanan ang grupo ni Wonho dito. Tawang panalo. Naubos na rin ata ang luha ko. Halos magpabuhat na nga lang rin ako sa lalaking nakahawak sa akin dahil wala nang balak lumaban pa.

Hanggang sa we heard stretching sound from the outside. Halatang motorcycle. Napatingin silang lahat sa may pinto at hinihintay kung sino ang dumating.

Nanlaki ang mata ko nang pumasok si Kuya Minho, Kuya Chan at Kuya Woojin. Nakita ko pa ang iba na dumeretsyo sa likod para siguro tulungan si Hyunjin.

"Welcome Strays!" Ngising sabi ni Shownu.

"Putangina, kumpleto MX." Hindi naman makapaniwalang sabi ni Kuya Minho.

"Hayup ka talaga, Wonho." Madiin at galit na sabi ni Kuya Chan.

"Salamat sa welcome, ang saya." Mapang asar na sagot naman ni Wonho.

"Meron pa, parating na mga pulis. Kaya kung ayaw niyo madampot, itigil niyo na to." Halos monotone na sabi ni Kuya Woojin, halatang nagpipigil ng galit.

Hindi naman mukhang natakot si Wonho. "Tignan natin kung sinong mauuna, mauubos kayo? O darating sila?"

I saw Kuya Chan gritted his teeth at agad na nilapitan si Wonho para ambahan ng suntok. Pilit pa ngang pinigilan ni Kuya Woojin si Kuya Chan dahil ang impulsive nung move niya pero parang walang narinig yung isa.

Before I knew it, everybody where throwing punches at each other. Wala na akong maintindihan. Hanggang sa nakita ko si Jisung, I know I have to do something to help him dahil hindi ko hahayaang nakahilata lang siya don!

Wala na rin halos ang atensyon ng dalawang bantay ko. It's my time to act. Sinipa ko sa balls ang lalaki sa harap ko at headbutted the guy at my back. Tatlo kaming napasigaw sa sakit.

Bago pa sila makatayo ulit, inunahan ko na sila at tumakbo papalapit kay Jisung. Pinilit ko siyang itinayo pero hanggang luhod lang talaga ang kaya namin parehas.

Hindi siya nagsayang ng oras and hugged me tightly. "Sorry..." halos hangin na sabi niya.

Yung akala kong wala nang tubig ang mga mata ko, akala ko lang pala yon. Ngayong nakita ko siyang malapitan, he looked vulnerable at sirang sira na.

Hinarap ni Jisung ang mukha niya sa akin without breaking the hug. Sinubukan niyang hawakan ang mukha ko pero napaiwas ako sa sakit mula sa mga sampal sa akin.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya dahil doon. Kaya hinampas ko siya sa dibdib. "Stupid! Nagawa mo pang mag-alala sa akin, look at you!" Hindi ko napigilan na sabihin.

He smiled pero agad ding napawi yon kaya nagtaka ako. Hanggang sa inikot niya ako para magpalit kami ng pwesto.

Malakas na sumigaw siya at nakita ko ang nakasaksak na kutsilyo sa tagiliran niya. Nabitawan niya ako at napahiga sa lapag. Napahawak ako sa bibig ko at hindi alam ang gagawin.

It was Wonho, taking advantage sa pag-uusap namin kanina. Lalapit pa dapat siya pero narinig na ang malakas na siren ng police sa labas ng bahay namin.

Naalarma sila at nagsi-alisan na yung iba. "Wonho! Gago kakalabas mo lang ng kulungan tara na!" Aya ni Shownu dahil hindi pa rin siya umaalis sa harap namin.

"Babalik pa ako, di pa kami tapos." Ang huling linya nito bago tumakbo at sumunod sa kanila.

Ang daming nangyari pagkatapos non, wala nang nagpoprocess. Kinakausap na nila Kuya Chan ang isang police habang yung iba ay dinadampot ang mga iniwan nila Wonho. Yung iba naman ay hinabol ang mga nakaalis.

Pero isa lang ang nasa atensyon ko ngayon. Nilapitan ko si Jisung na papikit na at halos naghahabol ng hininga. Tinary ko pa ngang pigilan ang tulo ng dugo mula sa saksak niya.

I cried. Ayon nalang ang magagawa ko. I saw Kuya Woojin called the ambulance at nakapasok na rin ang iba papunta sa amin. Nanlaki pa nga ang mata ni Jeongin sa sitwasyon ni Jisung ngayon.

Si Hyunjin naman, pasan nalang nila dahil bagsak na rin. Sa dami ba naman kasi ng kinalaban nilang dalawa ni Jisung, sila talaga ang kapos na sa hininga.

Jisung held my hand na pinipigilan ang agos ng dugo niya sa tagiliran. "Ano ba! Mauubusan ka na ng dugo, Jisung! Please stay put, pull yourself together! Don't give up!" Naiinis na sabi ko. Sobrang nag-aalala talaga ako. Pati luha ko hindi na mapigil.

"Hindi ko pa nasasabi, dapat lalabas tayo ngayon eh. May gala ka naman." Jisung smiled.

"Don't talk please. Mamaya na yan."

Pero parang wala siyang narinig sa akin at nagpatuloy pa. "Napasa ko lahat ng midterms natin, Ry. Thank you sayo."

Sasagot palang sana ako, his eyes closed down.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon