122

471 28 13
                                    

"Nagseselos ka sa kanila, hindi ba?"

Natigilan ako. Selos? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang tinanggap nito ang salitang iyon habang nakatingin kay Jisung at Avery na nag-eenjoy na tumitingin sa view na excited akong ipakita kay Jisung.

Pero ang tanong? Bakit ko nga ba sinama si Jisung sa plano kong mag sightseeing sa lugar na pinakahinihintay ko? Hindi naman siya importante sa akin. Alam ko sa sarili kong hindi siya importante sa akin.

"Edi nagseselos ka nga." Nabalik ako sa katotohanan nang magsalita ulit si Seungmin.

"Hindi ako nagseselos. Pinagsasasabi mo riyan?" Sagot ko.

"Sa tagal mong nakatulala sa kanilang dalawa habang 'yang mga mata mo nanlulumo, hindi nga."

Napairap ako. "Utot mo. Mema ka eh ang hangin kaya, sumasakit lang mga mata ko."

"Eyes don't lie, hindi sa hangin yan." He spatted.

"My feelings and eyes aren't connected, Seung. Kaya stop blabbering kasi wala namang kwenta." I hissed.

"Meron. It could knock some sense to you or to someone."

"Seungmin alam mo, walang patutunguhan 'tong usap natin. I'm going back." I said, about to leave. Bigla kasing uminit ang ulo ko.

Ewan, itong sistema ko kasi sinasabing he has a point at hindi ako papayag na ganon.

Syempre being Seungmin, hindi niya ako pinayagan makaalis at nahablot nanaman ang braso ko.

"Stop running away, Ry. Maawa ka naman sa sarili mo."

I glared at him. "Leave me alone. Wala kang alam sa nararamdam ko."

"Alam kong wala akong alam diyan kasi mismong ikaw hindi mo na alam!" He snapped. "Kasi ayaw mong tanggapin kung ano na ang nararamdaman mo."

"May nararamdaman ako syempre! Alam mong I have a crush on Hyunjin!" Those words just came out of my mouth.

Umiling siya. "Hindi siya yung pinag-uusapan. Kilala mo kung sinong tinutukoy ko."

"Then I don't have any other business here. Wala akong alam sa pinagsasasabi mo."

"You do. Sinasabi ko sayo, ayaw mo lang tanggapin ang nararamdaman mo. Siguro nga hindi lang ngayon yan, tinatago mo lang." He sneered. "Natatakot ka lang sa mangyayari."

Hindi ako sumagot so he continued. "Nakita ko kung paano mo siya tignan kanina sa cable car. Nakita ko kung paano ka nalungkot nung nagbitaw na kayo pagbaba. Nakita ko kung paano ka maexcite nung pababa na tayo ng coaster pagkarating dito. Nakita ko kung paano ka manlumo nang makita mong iba ang kasama niya imbis na ikaw kahit na pinangako mong ikaw ang nasa tabi niya ngayon. Ang dami mo nang nasayang na chances Riley, hindi pa ba sapat yung mga yon?"

"Kung akala mo wala kang karapatan magselos kasi wala lang 'yang nararamdmaan mo ngayon, nagkakamali ka. Lahat naman tayo nakakaramdam ng ganon, kahit yung mga taong hindi mo inaakalang makakaramdam non." He added. "Kaya sinasabi ko sayo na pwede mo namang aminin na nagseselos ka, para naman gumaan 'yang loob mo kahit paano kaysa kinikimkim mo. Mas lalo ka lang masasaktan niyan."

"Seungmin tama na." I felt how my cheeks became wet pero hindi ko iyon pinansin. "Tama na please."

Mukhang nagulat siya sa naging reaksyon ko kaya he quickly pulled me into a hug. Mas naiyak lang ako sa ginawa niya.

"I'm sorry. Shit Riley, I'm sorry. Dapat hindi kita pinilit. Sorry, sorry. I failed being your bestfriend. Mas napasama ko pa ata ang loob mo. Sorry." Sunod-sunod na sabi niya na hindi ko na nga naintindihan yung iba pang kasunod.

Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nalang ako naluha. Siguro ay dahil sa pagod at hindi ko na nakayanan. O kaya nag-aaway kami ni Seungmin, kasi bestfriend fights are the worst.

O dahil tama ang mga sinabi niya pero ako mismo ayaw tanggapin kasi alam kong mas maraming masasaktan pag umoo ako sa mga nararamdaman ko. Kaya tinago ko nalang lahat ng kilig, saya, lungkot even selos na nararamdaman ko para ako nalang ang masaktan.

Bakit kasi kailangan siya pa? Sa kaniya ko pa dapat maramdaman ang mga iyon kahit na hindi ko naman talaga deserve kasi napakagago ko sa kaniya.

Isang minuto lang kaming ganon. Hindi ko na pinatagal kasi baka magtaka na ang mga kaibigan namin pag nakita kami.

Pinunasan ko agad ang mga luha ko at nag-angat ng ulo sabay ngiti. Okay kunyari walang nangyari.

"Hindi gumana ang pagpipilit." Sabi ni Seungmin pagharap ko. "Kaya ikaw na bahala diyan ha. Hahayaan kong maging sigurado ka muna at wag madaliin."

Tumango nalang ako. Nilahad niya ulit ang kamay niya sa harap ko. "Pero ngayon, ako muna kasama mo. Nandito lang ako sa tabi mo kasi baka mamaya umiyak ka nanaman diyan wala nang tatakip sayo."

Natawa ako sa sinabi niya saka umiling. Tinanggap ko naman ang kamay niya na kusang umikot sa kamay ko to be intertwined.

When we are about to move may bumangga sa amin at natumba ito sa lapag. Nagulat ako. "Omi? Omi! Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko at tinulungan siyang tumayo gamit ang libreng kamay ko.

Pagkatayo niya, napatingin siya sa akin tapos sa kamay namin ni Seungmin tapos ay bumalik sa akin.

Doon ko lang naalala ang mga pangyayari at mga sinabi sa akin ni Seungmin noong bon fire kaya hinatak ko agad ang mga kamay ko. Hindi naman iyon nakawala kasi mas hinigpitan lang ni Seungmin ang hawak sa akin. Nasamaan ko tuloy siya ng tingin.

Ngumiti naman si Omi. "Sorry, ang epal kasi ni Chaebin eh."

Awkward akong tumawa. Shet, may mali dito eh. Magsasalita palang sana ako ay naunahan na ako ni Seungmin.

"Tara na Riley, picturan na kita." Aya niya at hinila na ako paalis doon.

Nataranta ako sa hindi malaman na dahilan at pinigil siya sa paghila habang hindi pa kami nakakalayo kay Omi. "Hoy ano ba? Akala ko ba noong ano, diba sabi mo, tapos..." Ang dami kong tanong pero wala akong nabuo.

Basta sigurado ako na, "Baka magselos si Omi!"

"Wala akong girlfriend." Seungmin bluntly said. "Nagbibiro lang ako non kaya wag kang maniwala."

"There's nothing going on between me and Naomi kaya sigurado akong hindi 'yan magseselos." Dugtong niya pa. Hindi pa nga ako nakakasagot ay nahila nanaman ako ni Seungmin palayo roon.

Wala na akong nagawa at nakisakay nalang sa mga trip ni Seungmin. May body was with him pero kanina pa ako lingon ng lingon sa pwesto ni Avery at Jisung.

Unti-unti akong nawawala sa mood kada nakikita ko silang nagbubulungan, nagtitinginan o kaya mismong naghaharutan lang. Wala na akong naiintindihan sa nararamdaman ko, sobrang naguguluhan na ako.

"Seungmin." Hatak ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa akin. "Tama ka."

Kunot noo siyang humarap sa akin. "Hmmm?"

Hindi umalis ang tingin ko kay Jisung at Avery na nakatitig sa isa't-isa. Parang kailan lang ako nakatitig sakaniya ng ganon.

"Nagseselos nga ako kay Jisung at Avery."

---

Okay, obviously si Kim Seungmin ang nanalo sa poll!!!

I will explain kung ano ang pinagkaiba ng pangyayari ng outcome nito o pag si Lee Felix ang nanalo in the later chapters pa.

BUT!!! SINCE KIM SEUNGMIN WON SA POLL! REMEMBER NA CHAPTERS 121 AND 122 CAN ALSO HAVE AN EFFECT IN KIM SEUNGMIN'S STORY.
( Since series to syempre magkakadugtong yan HEHEHEHEHE )

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon