038

472 24 2
                                    

Ten minutes na akong nakatunganga dito sa may bus stop pero wala pa rin akong nakakatanggap ng signal kay Jisung. Tinext niya lang kung paano pumunta doon then no signs of him na.

Don't tell me nakalimutan niya na ako?

I was deep in thought nang biglang tumunog ang phone ko. I felt relieved nang makitang si Jisung yon.

---

From: Kupal na anak ni Tita

Punta na bub. Napakalma ko na sila.

---

Kusang umikot ang mata ko nang mabasa ang text niya. Wow, ngayon niya lang ako naisipang papuntahin? At sinong sila? Don't tell me nandoon ang mga ibang kaibigan namin? Gosh I hope his plan works.

Bago ako tumayo sa inuupuan ko, I shoot him a text back.

---

To: Kupal na anak ni Tita

Weh? Akala ko nakalimutan mo na ako eh. At saka don't call me bub. Kailangan paulit ulit kong sasabihin?

---

Tumayo na ako and started to walk. Sa instructions ni Jisung, mukhang three minutes walk lang naman. So pinaghintay niya lang talaga ako doon sa bus stop.

Natigil ako nang tumunog nanaman ang phone ko.

---

From: Kupal na anak ni Tita

Okay, see you bub :*

---

Umiling nalang ako at naglakad nalang ulit. Ang kulit talaga, ang sarap tirisin. Kinacareer na yung pagtawag sa akin ng bub para lang asarin ako.

Malapit palang ako nakita ko na ang pakay ko. Medyo may kalakihan lang ito at two levels. Mukhang ang first floor ay mini library at nandoon din ang counter. At siguro ay ang mismong dine in ay sa second floor.

Meron itong black and brown motif. Dahan dahan akong pumasok at sumalubong agad sa akin ang napakalaking I Love Dark... coffee sa taas ng counter. Ang witty nga eh.

"Uy Riley!" Nagulat ako nang biglang may tumawag sa akin. Nalita ko agad si Naomi na kumakaway sa akin from the counter kasama ang iba pa nilang workers. I smiled.

"Uy. Shift mo ngayon? Wala kang pasok?" Agad na tanong ko pagkalapit ko sa kaniya.

"Wala akong pasok today. Pero Saturday may pasok ako." Paliwanag naman ni Omi.

"Riley?" Napatingin ako sa likod ko dahil may tumawag sa akin.

Nakita ko naman si Seungmin na may bitbit na ilang tray. "Palagay naman don." Abot niya kay Naomi nung tray.

"H-ha?" Tarantang sagot ni Omi kaya natawa si Seungmin.

"Yung tray, Omi." Seungmin snapped kaya natauhan si Naomi at agad niyang kinuha yung trays.

Umiling nalang si Seungmin at humarap sa akin. "Buti naisipan mong pumunta dito?"

Tumango ako. "May nagsabi kasi sa akin na masasarap daw cheesecakes dito so I came."

Seungmin laughed. "Oo nga. You should try some."

Tumango ulit ako. Bago pa siya umalis nagtanong ako. "Wala ka ring pasok ngayon?"

Inalis niya ang suot niyang apron at nagpagpag bago sumagot. "Meron. Pero dahil nandito naman na ako, naisipan kong tumulong. Wag kang mag-alala, kasama mo ako mamaya."

Napatango nalang ako. Nagkaroon nanaman ng awkward silence. Ewan ko, awkward ako eh.

"Uy Riley!" Sumalubong si Woojin oppa sa akin kaya napakaway agad ako. Sagip mood 101 naman pala.

"Punta ka na sa taas. Nandoon sila Helena." Biglang sabi niya. Nagthank you ako at umakyat na sa second floor.

Sumalubong agad sa akin ang maingay na mga tao na nakaupo malapit sa may hagdan.

"Riley!" Kaway agad ni Ate Max pagkakita sa akin.

Napatingin din sa akin yung mga kasama niya. Katabi niya si Chan oppa at si Ate Cali. Nasa harap naman nila si Ate Helena na kalat ang mga libro at natutulog at katabi nito si Jisung kasama ang isang bakanteng upuan na sure ako ay para kay Woojin oppa.. Nasa may gitna naman si Chae at Changbin oppa.

"Uy Riley!" Biglang bati ni Jisung sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Gago ba to? Hampasin ko kaya para naman malaman niya kung ano ang walang pansinan?

Ngumiti ako ng pilit. Hays, ang bobo talaga ni Jisung.

"Close kayo?" Tanong naman ni Changbin oppa.

Nagulat naman si Jisung pero agad ding nakarecover. "Hindi. Bawal maging friendly? Magkakilala naman kami ah!"

"Sige masuntukan kayo ang aga aga." Awat agad ni Chan oppa dun sa asaran nung dalawa.

"Tara here! You made order na ba?" Tanong naman ni Ate Cali.

"Hindi umiinom ng kape yan." Unknowingly na sagot ni Jisung.

Naikot ko ang mata ko. Nako konti nalang talaga mahahampas ko na to. Umakto naman agad si Chae bago ako magsalita.

"Yung totoo? Close ba talaga kayo?" Echos pa ni Chae.

"Etong dalawang magkapatid na to issue." Sabat naman ni Ate Max.

"Nanghuhula lang naman ako ah. Hindi ko kasi siya nakikitang umiinom ng kape nung nasa dlower shop siya." Agad na paliwanag ni Jisung.

"Wow, tinititigan." Asar ulit ni Changbin oppa at ginatungan pa ng kapatid niya. Hay nako ako nalang na magsasacrifice dito?

"Uy I love coffee kaya! Ayon yung oorderin ko na drink." I said kahit na labag sa loob ko. I hate coffee, sobra. Hindi ko kaya yung lasa.

"Pero ano joke ko lang kasi yo---" pinigil naman na ni Chan oppa yung kaingayan ni Jisung.

"Tahimik na, fake news ka eh." Sambit naman ni Ate Max.

Napatingin naman sa akin yung kupal na anak ni Tita pero inirapan ko lang siya. Alam niyang ayoko ng kape pero bobo siya para isigaw yon sa kanila. Ano nalang aakalain nila diba?

Sa pagkain na nga lang kami nagkakasundo ni Jisung sinira niya pa.

"But she still doesn't have order pa rin. Si Jisung din, kanina pa here but doesn't want to order. Are you waiting for someone ba?" Putol ni Ate Cali sa away.

Nagkatinginan kami ni Jisung pero umiwas siya ng tingin. Etong lalakeng to hindi marunong umakting! Plano niya pero hindi niya magawa.

"I was about to." Sagot ko nalang.

"Ako rin ako rin!" Sigaw naman ni Jisung. Gaya-gaya!

"Ano bang order niyo? Ako na kukuha." Biglang sulpot ni Naomi na may hawak na papel.

"Isang cheesecake sakin!" Sabay na sabi namin ni Jisung.

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko sa inis. Ginagago ba talaga ako ni Jisung o ano? Gusto niya ba talagang malaman nila na nasa iisang bahay kami kaya niya to ginagawa?

Inaasar tuloy kami ng mga kasama namin. Iibahin ko na sana ang order ko nang biglang may dumating.

"Sweet niyo ha?"

Oh noes.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon