Ang daming nangyayari. Pigil hininga ako hanggang makarating kami sa ospital. Tinakbo agad si Hyunjin at Jisung sa emergency room.
Si Hyunjin, nakapunta agad sa room niya habang si Jisung naman ay dineretsyo sa operating room dahil sa saksak niya. Habang ako, praying. Ano pa bang ibang magagawa ko diba?
Ni hindi ko nga mapuntahan si Hyunjin sa room niya kasi hindi nila ako matayo sa operating room kung nasan si Jisung.
Nakatungkod yung siko ko sa may hita ko habang nakasalo sa kamay ko ang mukha ko. I was just crying.
Natawagan na rin nila si Tita at napauwi ito agad ng maaga. Nakita ko na nga ring dumating ang mga magulang ni Hyunjin pero kahit isang bati ay di ko nagawa sa kanila.
Even the girls are here, napatakbo agad sila nang malaman ang nangyari. Imbis na nagpapahinga sila dahil nakainom kami kanina, gising sila lahat ngayon at iniinda ang sakit sa ulo.
"What the fuck? Nilagyan nila ng pampahilo yung inumin namin kanina?!" Napaangat ako ng ulo, nakita ko si Chae na kausap ang kapatid niya.
"Oo, para mahilo kayo agad." sagot ni Kuya Changbin. Then I was cut off guard nang tawagin niya ako, "Riley."
I know I look a mess. Gulo-gulo ang buhok ko, pulang-pula ang mata at ilong ko at gasgas ang boses ko. Pati nga yung pamamaga ng pisngi ko at ang sugat ko sa labi ay di ko na napansin. Yung kaninang galit na mukha tuloy ni Chae, nag soften nung makita ako.
"Riley..." yakap niya pa sa akin.
Nginitian ko siya. "I'm okay. Kuya Changbin, ano nga ulit yon?"
Nilahad ni Kuya ang kamay niya sa harap ko. "Nakahack pa rin phone mo sa kanila. Aayusin namin tapos lalagyan narin namin ng safe lock para di ka agad mahack."
Hindi na ako nagdalawang isip at binigay ang phone ko. "Lowbat nga pala yan." Nahihiyang sabi ko pa.
Tinanguan naman ako ni Kuya, "Ako na bahala.", at umalis na.
Naiwan si Chae sa akin. Tahimik lang kami parehas habang nakayakap siya sa tagiliran ko to comfort me. Silence lang ang kailangan kong comfort ngayon and thankful ako kasi binigay ni Chaebin sa akin yon.
Yung mga lalaki, hindi na muna pinagamot ang ilang sugat at pasa nila. Sigurado akong masakit iyon, dahil may mga open wounds din sila tapos nahahanginan pa, at iniinda lang nila. Nagsialisan na kasi sila para gawin ang kaniya-kaniya nilang gawain. Parang planado na nga nila eh, may mga nakatokang task na sila na para bang sanay na sila sa mga pangyayaring ganito.
Si Kuya Chan, siya yung naiwan sa police station para makipag-usap sa police. Si Kuya Minho, Ate Max, Ate Helena, and Jeongin, naiwan sa bahay nila Jisung para maglinis at ayusin ang pwede pang maayos. Si Kuya Woojin, in-excuse na sila Jisung na hindi makakapasok ng isa o dalawang linggo. Si Seungmin na ang nagpresintang bumili ng pagkain dahil hindi niya maiwang mag-isa ulit sa labas ang mga babae.
Mga kasama ko naman dito sa ospital, si Felix at Kuya Changbin, nakaupo sa hallway kung saan malakas ang wifi para mahack ang cctv na ayaw ibigay ng ibang streets. Pati na rin maghanap ng mga bagay na pwede namin ilagay sa grupo nila Wonho. Si Naomi, hinihintay ang iba sa entrance at nag-ayos din ng rooms and such para kay Jisung at Hyunjin kanina. Si Ate Cali nga rin andito dahil nagpumilit na pumunta kasi mas mag-aalala daw siya pag hindi kami nakita. Nasa room siya ni Hyunjin ngayon, pinagpapahinga. Si Avery, nagpapaliwanag sa magulang ni Hyunjin kung anong nangyari. Hindi na rin ako nagulat na parang may alam na rin sa nangyayari ang mga magulang ng mga kaibigan ko.
Wala pa atang 30 minutes si Jisung sa loob ng operating room pero hindi na ako mapakali. Bakit ang tagal, sobrang lala ba? Hindi ba pwedeng okay na siya?
Gusto ko na siyang mayakap at hindi ako mapakali hanggat hindi ko siya nakikita.
"Riley!" Hindi ko pa nalilingon ang nagsalita ay may yumakap na sa akin. Tumulo nanaman ang mga lecheng luha ko pagkakilala kung sino iyon.
"Avery, natatakot ako." Halos hangin na sabi ko.
Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. "He will survive. Sus, konting sugat lang yan kay Jisung. Believe me, lalabas yan ng okay."
Matagal din kami sa ganonng posisyon hanggang sa napagod nanaman ang mata ko. Nagpaalam ako mag-aabang na lang rin ako sa entrance. Hindi ko na kaya pang maghintay doon sa labas ng operating room, para pinapatay ako.
Hindi rin ako dumaan sa kwarto ni Hyunjin. Nahihiya ako sa magulang niya. Parang last time kakalabas lang ng anak nila sa ospital tapos ngayon nandito nanaman siya.
Naabutan ko si Kuya Chan pagbukas ng elevator. Nakabalik na pala siya. Nakita niya ako at kusang siyang bumuntong hininga. Hindi siya lumabas ng elevator at hinigit ako papasok doon.
"Papahangin ka sa labas?" Tanong nito kahit na hindi nakatingin sa akin.
"Ayaw nila ako payagan." Walang buhay na sabi ko.
"Tara, samahan kita." This time, tumingin siya sa akin at ngumiti. Kahit hindi ko siya lingunin, napansin ko yung paggaan ng loob ko dahil sa mga ngiting iyon.
Napadpad kami sa garden ng ospital. Bumili muna ng dalawang coffee in can si Kuya Chan sa vending machine bago kami umupo sa mga benches doon.
Walang nagsalita. Nilasap lang namin yung malamig na hangin. Hindi ko na nga nararamdaman ang lamig kahit na nakapajamas lang ako. Halos lahat naman kami, ready to tulog na o kaya naman ready na humilata and magwalwal after ng hell week. Pero tignan mo nga naman, aligaga kaming lahat at nasa ospital.
"Wala kang tanong sa akin?"
Napaisip ako sa tanong ni Kuya Chan sa akin. Wala nga ba? Syempre meron. Hindi ko lang maconstruct yung mga tanong ko sa sobrang dami.
Bakit? Ano? Saan? Kailan? Kanino? Lahat ng tanong meron ako pero ni isa wala silang narinig sa akin. Parang mababaliw na ako sa mga tanong na hinahanapan ko ng sagot pero hindi ko naman malabas.
Kasi nung iniwan ko ang Seoul, walang ganito. Hindi ganito si Jisung. Walang dahilan para may mangyaring ganito. Hindi naman kasi siya makapit sa gulo.
Pero baka nga naman kasi. Baka nung umalis ako, nagbago.
"Wala." Sagot ko sa tanong ni Kuya Chan sa akin.
He heaved a loud sigh kaya napatingin ako sa kaniya. Mukha nadismaya siya sa sagot ko.
Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin. "Gusto mo magkwento ako?"

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...