106

443 24 12
                                    

"Kompleto na tayo ah."

Doon lang ako nabalik sa katotohanan nang marinig ang boses ni Kuya Chan. Dali dali akong umupo para makaalis na kami agad, sobrang delay na ang nagawa ko sa trip na to.

Napatingin ako sa kaliwa ko at katabi namin ang tambak na mga gamit. Napatingin naman ako kay Hyunjin na amazed na amazed sa akin.

"Mukhang kasama tayo sa tambak." I joked, ang awkward ko kasi.

"Malas lang tayo bumunot." Tawa niya kaya natawa kami.

"Hoy yung nasa likod, okay na?" Natigil ang tawanan namin nang tawagin kami ni Kuya Woojin.

Ay pota, nakakahiya. Kami lang pala yung maingay. "Ang saya saya, dapat ayan hindi pinagtatabi eh." Asar naman ni Ate Max.

"Ay nagharutan ang aga-aga!" Kunyaring galit na biro naman ni Kuya Minho.

"Magpatulog aba, maaga gising natin kanina!" Sigaw naman ni Chae kaya natawa kaming lahat.

"Bakit ba pinagtatabi yang dalawang bitter, nasa harap pa ah." Sagot naman ni Ate Helena na nakaupo sa harap namin.

"Oo na aandar na, excited masyado. Magsitulog kayo para may energy kayo mamaya. Yung mga may pagkain ilabas niyo na, mamayang 8 or 9 pa tayo titigil para mag-almusal." Bilin ni Kuya Chan.

May mic pa nga siyang hawak galing sa karaoke na nasa harap. Hindi ko yon napansin kanina pero talagang pinaghandaan nila to, given na 6 hours mahigit ang biyahe.

Gumalaw na ang coaster, at bilang mga parang bata, nagsigawan kami. Imagine niyo nalang yung isang buong klase na excited sa field trip, ganon na ganon kami.

Nagkaniya-kaniya na sila ng ayos pagkatapos non. Pinasa ko paharap yung paper bag na may pagkain kay Jisung para mashare niya sa iba. Yung iba naman ay mas piniling matulog kasi maaga ang gising nila.

Tumayo ako saglit para magkalkal ng gamit dito sa tabi ko. "Riley, uy umupo ka. Maalog yung coaster, didiretsyo ka sa harap pag tumigil to." Pagpipigil ni Hyunjin dito sa tabi ko.

Tumingin ako sa harap ko. Bali ganito yung seating arrangement namin sa coaster:

 Bali ganito yung seating arrangement namin sa coaster:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagshrug ako. "Hindi naman hihinto ya--- aaahhh!!!"

"Riley!" Tarantang sigaw ni Hyunjin at hinawakan agad ako para mahila papalapit sa kaniya.

I jinxed myself at tumigil bigla ang coaster.  Kung hindi dahil kay Hyunjin, baka nasa harapan na ako ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko, para akong hinihingal sa sobrang gulat.

Pero mas tumigil ang paghinga ko nang makita ang nasa harapan ko.  He looked at me with a worried face habang parang yakap ako gawa ng pagkahila niya kanina.

"Okay ka lang?" Hyunjin heave heavy sighs. Tumango lang ako, walang lakas ng loob para magsalita.

"Ehem." With Jeongin's voice. Napaayos kami ng upo. "Anong nangyari sa inyo?" Taas kilay na tanong niya habang nakalingon sa amin. Yung tingin niya may halong pang-aasar.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon