"What?!"
Gulat na gulat si Avery sa sinabi ko. Napaawang pa nga ang bibig niya at hindi makapaniwala.
"I think you're the one who got it wrong. Totoo ang sinasabi ko." Avery defended.
Sana nga totoo diba? Kaso hindi eh, lahat tayo umasa sa wala.
"Bago ako umalis, I heard the prof. The whole performance is just an act." Sagot ko.
Naguluhan lang lalo sa Ave. "Baka naman may mali, are you sure you heard it right?"
Tumango ako. "I heard it clearly. Para lang sa entertainment ng buong university. An act, a lie."
Kumunot pa lalo ang noo ni Ave, para siyang nulugi. Hanggang yung frown niya, unti-unting naging ngiti. Ang kaso, yung tingin niya ay wala naman sa akin.
"I knew you got it wrong."
Ako naman ang nagtaka sa sinabi niya. Tumingin ako sa likod ko para tignan din kung ano ba ang tinitignan niya.
Bad move, it's Jisung.
Initiate retreat agad. Pero bago pa ako umiwas ng tingin, our eyes already met.
"Clear this out Ry, mukhang marami kayong pag-uusapan."
Mabilis na umalis si Ave at agad na tumakbo. Sobrang bilis non kaya nagrecover muna ako bago siya naisipan habulin.
Nakakailang hakbang palang ako, may humawak na sa braso ko. Shit, typical. Alam kong mangyayari to kaya napapikit nalang ako ng mariin.
"Bitawan mo ako." I coldly said, kunyari hindi affected.
"Kausapin mo muna ako." He answered back.
Huminga ako ng malalim. Kung hindi ko kayang iwasan to ngayon, edi wala akong choice kung hindi harapin nalang to.
Hinila ko muna ang braso ko sa kaniya bago humarap. Napangiwi pa nga ako sa hapdi kasi para akong napaso pagkahila ko sa kaniya non. Mukha tuloy siyang nag-alala.
"Ry---" Hahakbang sana siya papalapit sa akin pero ako yung humakbang patalikod at saka hinarang ang kamay ko sa kaniya bilang signal na wag na siyang lumapit pa.
"Hindi mo kailangan gawin yon." Nahalata ko ang gulat niya sa sinabi ko. Hindi niya ata inaasahan na iyon ang ibubungad ko sa kaniya.
"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!"
Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo pero wala eh, traydor yung luha ko.
"Kung ito yung way para mapaalis mo ako, stop na please. Hindi na healthy sa akin, hindi na okay sa puso ko."
"Riley, makini---"
"Hanggang kailan mo ba ako paglalaruan? Hanggang maubos na ako kakaasa sayo? After you triggered my emotions kakalapit mo sa akin, maririnig ko na it's a one big act?! Pucha naman, dapat sinabi mo sa akin para ready ako! Hindi yung kung kailan balak ko nang mawala feelings ko sayo, saka ka lalapit para pahulugin ako lalo sa wala!"
Humakbang siya papalapit kaya napaatras ulit ako, tears streaming down continously.
"Riley, hindi kita maintindihan. Kumalma ka." Pagpapahinahon ni
"Stop acting that you like me kung hindi mo naman papanindigan ang nararamdaman ko." I concluded at saka marahang pinunasan ang luha ko.
"Sino namang may sabing ayaw ko sayo?" This time, ako ang nagulat.
"I love you for goodness sake, mahal kita!"
Natigilan ako sa sinabi niya. I blinked, too many times to count. Inaantay ko na sabihin niyang joke lang yon pero wala.
"Ayan, ayan ang sinasabi ko. You blurted out words you don't even mea---"
"Akala ko nilinaw ko na sayo ang nararamdmaan ko. Para sayo ang bawat salita sa kinanta ko kanina. Matagal ko nang gusto iperform yon sayo pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. At kung akala mo joke time yon dahil sa sinabi ng prof, ginawa niya lang yon para tumahimik yung crowd. "
Napaawang ang bibig ko, hindi alam kung ano ang dapat sabihin.
"Kung hindi mo pa maintindihan, hindi ako nagpapanggap na gusto kita kasi matagal na kitang gusto! Sorry kung naguluhan ka sa akin kasi hindi ko kayang panindigan yung mga actions ko sayo." Tumigil siya saglit.
"Pero ngayong alam mo na, maniwala ka namang mahal kita kasi hinding hindi naman ako nagkukunyari tungkol don."
"Jisung---"
"Pero buong akala ko naparamdaman ko sayo, ayon pala wala kang man lang isang naramdaman."
"Akala mo ba wala?" This time siya nanaman ang natigilan.
"Matagal ko nang alam na may gusto ako sayo pero hindi ko matanggap sa sarili ko. Kaya ngayong tinanggap ko na, nilalayo ko ang sarili ko sayo. Kasi alam kong ayaw mo sa akin! Natatakot ako sa outcome kapag umamin ako sayo."
Kumuha muna ako ng hangin bago tumuloy. "Pero hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko sayo kanina? I freaking confessed to you! At kung hindi pa rin malinaw," I paused.
"For fucks sake, I love you too."
Parehas kaming nakatulala sa isa't-isa pagkatapos non. Buti nalang at nasa loob pa ang students ng arena kasi kung may audience kami ngayon, shet instant kdrama ang napanood nila.
"Putangina!" Nabalik lang ako sa katotohanan nang biglang sumigaw si Jisung.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano nanaman?"
"Nagdadrama pa tayo rito parehas naman nating gusto isa't-isa! Pucha saglit lang, hahanap na kong simbahan." Napatawa ako ng malakas. He really knows how to ease the mood, real quick.
Napangiti siya nang marinig ang tawa ko. Kasabay non ang paghigit niya sa akin para bigyan ako ng isang malaking yakap.
Binaon pa ni Jisung ang mukha niya sa leeg ko. "Seryosong tanong. Bub, pwede bang manligaw?"
Kusang umangat ang ngiti sa labi ko. "Seryoso ka ba? Ang tagal na nating nag-aantay papatagalin pa ba natin?"
Napaharap siya sa akin, not breaking up the hug. "You mean...?"
Tumango ako. "The answer is yes."

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...