Pagkarinig ko ng bell, tumayo agad ako dahil kanina pa naman ako nakaligpit ng gamit. Wala pa namang ginagawa ngayon at puro orientations lang sa mga class so sobrang boring talaga. Idagdag mo pa na wala pala akong kaclose sa last subject ko today.
Kanina pa nagtext sa akin si Avery na 4 pm ang last class niya kaya hindi kami sabay. Hindi ko pa naman ganon kaclose yung iba kaya hindi ko sila matanong.
Palabas na sana ako ng university nang makatanggap ako ng text.
---
From: Kupal na anak ni Tita
Nandito na ako sa car park. Mukhang nakalimutan mo date natin ah? Iiwan mo ba ako dito?
---
I turn around para tignan kung nasaan si Jisung. Shoot, I almost forgot na may alis nga pala kami. Alis lang, assumero lang si Jisung na date yon.
I walk, lowkey run, papuntang car park. Malapit lang naman ito sa back gate kung saan dapat ako lalabas.
I saw Jisung na nakasandal sa isang kotse. Tumaas ang kilay ko dahil hindi naman sa kaniya yon. Makasandal akala mo naman sa kaniya.
"Nandito na ako." Sabi ko kahit na halata naman.
"Alam ko." Sarcastic na sabi niya kaya napairap ako.
"Tara na. Baka may makakita pa sa ating magkasama." Mabilis na sabi ko kahit na hindi pa man ako nakakalapit sa kaniya.
"Saan ka pupunta? Sakay na tanga." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Humarap ulit ako to him with a confused face.
"Sa'yo yan?" Turo ko sa kotse na sinasandalan niya kanina.
"Hindi. Napulot ko lang yung susi sa lapag kaya gagamitin natin." Pilosopong sabi niya.
"Eh kung iwan talaga kita dito?" Inis na sambit ko. Tinawanan niya lang naman ako.
"Uy joke lang! Baka iwan mo ko dito ako pa pagalitan ni Mama." Hinawakan niya pa ako sa wrist dahil may balak akong umalis. Mabilis ko namang hinawi iyon at taas kilay siyang hinarap.
"Hindi ako sasakay diyan hanggang hindi mo sinasabi kung kanino yan. Akala ko ba 6:30 pa uwi mo? Paano mo yan nakuha ha? Second day of class palang nagcucutting ka na?" Sunod sunod na sabi ko.
Tinaas niya naman ang dalawang kamay niya nilang surrender. "Syempre hindi talaga 6:30 uwi ko. Pag sinabi ko kasing 2 pm talaga uwi ko hindi ka papayag."
Tumango ako habang kunot ang noo bilang senyas na ituloy niya. "Kaya habang hinihintay ko uwi mo, kinuha ko na yung kotse ko. Pinagawa ko lang to kaya nagbubus ako papasok."
Mula sa kunot noong mukha ko, bigla akong napangiti. "Wow naman, parang dati lang puro laruang kotse lang meron siya." Asar ko pa.
"Bilib ka nanaman sa akin?" Tumaas baba pa yung kilay niya para mang-asar.
Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa kotse at umupo sa passenger seat. Kung magtatagal yung usap namin, baka may makakita pa sa amin.
Naghintay pa si Jisung ng three minutes bago pumasok. Para kung may makakita man sa amin, hindi kami sabay pumasok.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Wala naman kasi kaming pag-uusapan dahil wala naman kaming pake sa isa't-isa.
Kahit magkatabi lang kami, di namin ramdam ang presensya ng bawat isa. Nakatingin lang ako buong ride sa bintana hanggang sa tumigil.
Napatingin ako kay Jisung pero nginitian niya lang ako. "Baba na, susunod ako. Upo ka nalang sa dati."
Kahit naguguluhan, bumaba pa rin ako. Siguro ay ipapark pa ni Jisung ang kotse kaya ganon.
Napansin kong nasa Han River na pala kami. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Hindi pa naman ako nakadala ng coat man lang.
Naglakad ako papunta kung saan ang dating pwesto namin. Madalas kaming dalhin ng parents namin dito para magbonding ang pamilya namin at nasa iisang pwesto lang kami lagi.
Napangiti ako pagkadating ko doon. Medyo malapit kami sa mismong river at nandoon pa rin ang magkaharap na bench kung saan kami lagi umuupo. Sobrang laki na rin ng puno na katabi ng bench.
Umupo ako sa isang bench. Huminga ako ng malalim and smiled. In fairness, namiss ko tong lugar na to.
Napatalon ako sa gulat nang biglang may malaming na bagay na dumapo sa pisngi ko.
Napatingin ako doon at handa ng manakit pero sumalubong sa akin ang isang tub ng ice cream.
"Cheesecake flavor yan." Sambit ni Jisung at inabot na sa akin ang plastic spoon. Syempre, kung kaming dalaw anag pinagsama ay always cheesecake.
Tinggap ko naman yon habang siya naman ay umupo sa harap na bench na inuupuan ko. Tinanggal niya ang jacket na suot niya at ibinigay sa akin. Tinggap ko rin naman yon dahil malamig naman talaga.
"Akala ko ba ililibot mo ako?" Taas kilay kong tanong.
"Sabi mo naman nalibot mo na kaya dito nalang tayo." Sagot niya naman kaya tumango nalang ako.
Tahimik lang ulit kami. Parehas kami nakatingin sa river at dinadama iyon. Hindi parang nung sa kotse, hindi siya awkward silence. Ang welcoming nung katahimikan, masarap sa pakiramdam.
"Naalala mo nung six years old tayo," panimula ko ng conversation. Napatingin si Jisung sa akin and so do I.
I smiled. "Nung nagvacation tayo sa beach. Nagboat tayo don para magpicture sa kabilang isla. Tapos nahulog ako sa boat."
I heard him laugh. Madilim na rin kasi at tanging street lights ang bumubuhay ng liwanag.
"Tapos tumalon din ako kasi narinig kitang humingi ng tulong. " dugtong niya naman.
"Syempre bobo ka eh. Hindi ka naman marunong lumangoy non kaya parehas tayong muntik malunod. Nung naligtas naman tayo tinanong ka kung bakit ka tumalon din tapos sabi mo natatakot ka kasi baka ikaw pagalitan kaya ngtry kang iligtas ako." Sabay kaming napatawa remembering that memory.
Nabring up ko lang kasi ang ganda sa paningin nung river. Nagshishine yung buwan.
"Uy seryoso, namiss kita." Wala sa sarili kong sabi.
Kunot noo naman akong tinignan ni Jisung. "Weh, parang dati halos ayaw mo na pumasok sa bahay namin."
"Weh, wag ka muna kiligin. Namiss ko lang katangahan mo." Sabat ko agad kaya nagmake face nalang siya.
"Ang ganda na sana eh, binawi pa." Kunyaring parinig ni Jisung kaya ako naman ang nagmake face.
"Naalala mo naman nung una tayong iniwan sa playground." Panimula niya naman.
Napairap ako pero tumawa pa rin. "Oo naman. Grabe yung sigaw mo sa akin non."
"Kasi ikaw naman!" Sisi niya naman.
"Hoy hindi ah! Inagaw talaga nung babae yung laruan ko non! Tapos umarte lang siyang inaway ko siya kaya inaway din ako nung mga kuya niya. Ikaw pa inaway rin ako non kunyari ka pa, takot ka lang rin dun sa mga kuya nung babae!" Mahabang paliwang ko.
Tinawanan niya lang ako. "Hindi ko kasalanan yon! Syempre kakampihan ko sila kasi inaaway mo rin ako!" Pagtatanggol niya naman.
"Hala naman akala mo babae ka? Lampa lampa mo lang talaga non." Sagot ko naman.
"Oo na sige na talo nanaman ako." Pag give up niya nalang.
Nagkaroon nanaman ng silence. Ilang minuto rin yon. Nawalan na ata kami ng mga naisip na katangahan nung mga bata pa kami. Kahit naman ayaw namin, magkababata pa rin kami.
"Pero I liked that girl ever since." Biglang sabi ni Jisung kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sinong girl? Yung babaeng umaway sa akin?" Tanong ko.
Nginitian niya lang ko. "Gusto ko siyang iligtas sa lahat ng kapahamakan sa mundo."
"Porket inaaway ako siya na gusto. Yung girl na yon diba?" Paglilinaw ko naman.
Mas lumawak ang ngiti niya. "Yeah, that girl."
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...