075

475 24 3
                                    

Start na ng midterms bukas kaya sobrang aligaga na naming lahat. Ni halos wala ngang gala at puro kamustahan lang ang nangyayari sa squad. Kung magkikita man kami puro libro o review naman nasa bibig namin.

Wala pa akong tulog simula kahapon. Hinatid pa kasi namin si Tita sa airport kasi pupuntahan niya daw si Tito sa Malaysia. May business trip ata sila o may meeting na pwedeng magsama, basta ang alam ko ay ayon lang dahil hindi ko naman natanong masyado.

Hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko simula kahapon pagbalik namin ng hating gabi pagkahatid kay tita.

Di naman ako kinakatok ni Jisung. Siguro ay busy rin kakareview. Napepressure ata siya since kasama ako kung pababagsak ba siya o hindi. May tiwala naman ako sa kaniya kaya alam kong kaya naming makapasa parehas.

"Ughhh!!!" I groan nang magstretch ako. Ang sakit na ng likod, batok, mata at ulo ko kaya napagpasyahan kong tama na ang review. Need ko rin ng rest para handa ako bukas at hindi antok.

Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya bumaba na ako para sana maghanap ng instant food nalang. Pagod na ako masyado para magluto.

Napabuntong hininga nalang ako nang makitang wala laman ang pantry pati ang ref. Sinabi nga pala sa amin ni Tita na wala nang stock ng pagkain pero di niya maasikaso sa dami ng ginagawa.

"Ugh walang pagkain!" Napasabunot nalang ako sa sarili ko sa inis.

"Gusto mo sumama?" Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita.

"Jisung!?" Gulat na sigaw ko. Tanging ilaw lang kasi ng ref ang ilaw namin ngayon kaya di ko siya gaano makita. "Bakit andiyan ka?"

Nagshrug siya sabay bukas ng ilaw sa kusina. "Baka bahay ko to?"

"Oo alam kong bahay mo to, kailangan parating pinapamukha sa akin?" Inis na sambit ko. "I mean, bakit ka kasi nandiyan. Akala ko kasi nasa kwarto mo ikaw."

"Lumabas lang ako sa garden saglit para magpahangin, sumasakit na kasi ulo ko sa dami ng binabasa ko." Paliwanag niya naman. Napatango lang ako.

"Ikaw, bat andiyan ka?" Tanong niya naman.

"Uhhhh, naghahanap ng pagkain." Walang ganang sagot ko.

"Nakita ko niya. Syempre bat ka andiyan, anong pagkain gusto mo?" Tanong niya ulit.

"Nagugutom kasi ako. Hindi ako nakakain kanina kasi ang dami kong ginagawa. Ikaw, kumain ka na ba?"

"Hindi, hinintay kitang lumabas diyan sa kwarto mo kasi wala akong kasamang kumain kanina. Alam ko namang lalabas at lalabas ka diyan kasi nagugutom ka."

Napaawang ang bibig ko. "Di ka pa kumakain kasi inaantay mo ko?"

Pinitik niya ako sa noo pagkasabi ko non saka siya nagsalita. "Asa ka."

Napairap naman ako. "Leche ka di na ako kakain."

Aalis na dapat ako pero hinila ulit ako ni Jisung pabalik sa harap niya. "Joke lang. Eto di mabiro. Wala nga kasing pagkain kaya inaantay kita."

"Ano naman sa tingin mong gagawin ko? Bibili ng pagkain?" Cross arms ko naman.

"Inaantay kita kasi gusto kitang isama. Walang delivery yung pinagkakainan ko, isasama kita para matikman mo naman don."

"Bat di mo sinabi agad sana di na tayo nagsayang ng laway dito." Umikot pa ang mata ko sa inis.

"Arte mo, mag-ayos ka na. Malamig sa labas."

Napangiti naman ako. Mabilis akong umakyat ulit sa kwarto ko para kunin ang sweater at coat ko. Naglagay na rin ang ng mask kasi malamig sa labas dahil gabi at baka magfreeze ang mukha ko.

Pagbaba ko, tinignan niya lang ako kaya napatingin din ako sa sarili ko. "May problema ba sa suot ko?" Tanong ko nang makitang wala naman mali sa suot ko.

"Anong oras na, mahamog kaya sa labas."

Napabuga nalang ako ng hangin nang maalalang nakalimutan kong kunin yung cap ko. "Kukunin ko la--- ahhhh!"

Patakbo palang ako para umalis ulit pero hinatak niya na ako paharap ulit sa kaniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw ata yung may problema eh!"

Hindi siya nagsalita at sinuot niya na sa akin yung suot niyang cap habang tinaas niya nalang ang hood ng suot niyang hoodie at nagsuot na ng coat.

"Tara na." Sabi niya ulit at nauna nang lumabas ng bahay.

Napangiti ako. Inayos ko muna yung cap sa ulo ko bago sumunod. Tahimik lang yung daan. Hindi naman daw malayo yung kainan kaya napagdesisyunan naming maglalad nalang.

Nagbabatuhan at nagsasagutan lang kami ng questions na nirereview namin habang nasa daan. Nawala na nga sa isip namin na baka may makakita sa aming magkasama sa sobrang busy naming magreview pa rin.

Plus, simula nung nalaman ni Seungmin, lumuwag naman yung rule namin. Sooner or later naman daw kasi masasabi at masasabi rin naming nakatira lang kami sa iisang bahay.

"Good evening po." Bati namin sa matandang may ari nung kainan. Maliit lang siya at mukhang magsasara na kaya walang tayo.

"Jisung, aba buti umabot ka pa." Tawa nung matanda sabay nakipagkamay kay Jisung mukhang suki siya dito.

Napatingin siya sa akin. "Girlfriend mo?" Agad na tanong nito.

Tinaggal ko ang mask ko at ngumiti nalang saka umupo bilang sagot. Wala rin naman akong mapapala kung makipag-away lang ako na hindi. Paulit ulit nalang kasing tanong nila yan sa amin, bahala na silang mag-isip.

Umupo na rin si Jisung at sinabing nag order na daw siya para sa akin. Wala na talaga akong kinontra buong gabi.

After din namin kumain, naglibot muna kami para magpababa ng pagkain at nakapunta rin ng night market for window shopping.

Sinusulit na lang namin since alam naming stress kami the whole week. Pagkatapos ay pumunta muna kaming convenience store bago umuwi.

"Ako na magbabayad nito kasi ikaw na nagbayad nung dinner natin." Ibubuka palang ni Jisung yung bibig niya ay inunahan ko na. "Wag ka na makipag-away, ako na."

Wala naman na siyang nagawa at nagtingin tingin na. "Pili ka na ng gusto mo." Utos ko kasi puro tingin lang siya.

Tumigil siya sa kakatingin sa pagkain saka pumunta sa tabi ko. Taka akong tumingin sa kaniya.

"Bat andito ka? Sabi ko pili ka na ng gusto mo." Sabi ko ulit sa kaniya.

Di naman siya umalis kaya hinarap ko ulit siya. "Ayaw mo bang bumili?"

"Tara na." Sagot niya sabay ngiti.

"Anong tara na? Kakarating lang natin ah? Kung ayaw mong bumili ako nalang." Bago pa ako makaalis, hinawakan niya na wrist ko.

"Sabi mo kunin ko yung gusto ko, kaya tara na. Kunin na kita."

Doon lang nagsink in ang sinabi niya. Tumalon yung puso ko ng slight pero nauna yung hampas ko sa kaniya kasabay ang malakas niyang tawa. Pati nga si kuyang cashier narinig siya at mukha mas kinilig pa sa amin.

"Loko ka!" Bulyaw ko pa saka siya tumakbo sa dulong shelf para maakiwas sa hampas ko.

Loko ka Han Jisung! Pahamak ka sa puso, kupal!

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon