129

476 27 15
                                    

NP: I.L.Y ( Rainy version )
- The Rose

a/n: I highkey recommend listening to the song to add up the feels of this chapter. Promise madadama niyo talaga yung emotions lalo, it won't disappoint!

---

Second semester started and Thursday na ngayon. It's been stressful kahit na wala pang halos isang linggo nagsimula ulit ang klase. Idagdag mo pa na puro majors ang classes ko this sem and 7 am pa ang start ng class ko everyday.

Plus, it's been raining since monday. Parang pinaparamdam lalo sa amin na makulimlim ang sem na 'to. Pinanghahawakan nalang talaga namin na may first week concert bukas at pwede kaming magpahinga o magsaya.

All I need to do is sleep. I tried closing my eyes para makatulog ng maaga, since tatlong araw na akong walang sapat na tulog.

Clue word: I tried.

Kahit na umuulan since the start of the week, halos ambon o mahinang ulan lang. Pero yung ulan ngayong gabi, parang nilalabas lahat ng sama ng loob niya.

To add it up pa, grabe yung kulog at kidlat na pumapasok pa sa bintana ang kidlat. Bad news, I have a bad phobia sa thunder and lightning.

I curled myself up sa gilid ng bed ko, malayo sa bintana, while covered with blanket. I ended up crying kasi nagbreakdown na ako knowing na hindi ko naman mapapatigil ang ulan.

I never really overcome this fear. More like I never really have the courage to do so. Hindi ko na nga maalala kung saan nagsimula pero rain weather is always my enemy. Napaparanoid ako everytime it pours down, kasi alam kong may lagi itong kasama.

Until I heard a knock, "Riley, open the door."

Hindi ako sumagot. Natatakot akong tumayo at wala na rin naman akong lakas ng loob gumalaw. Tanging hikbi lang ang kaya kong gawin. Siguro sa iba ang babaw oo, pero ayoko talaga sa kidlat at kulog. Hindi ko naman mapipilit ang sarili ko na basta nalang gustuhin iyon. I will never like it.

Kahit na hindi ako sumagot, walang alinlangang bumukas ang pinto. Napatingin ako sa pumasok at mas lalong naiyak nang malaman kung sino 'yon.

"Jisung..." I sobbed. My heart felt at ease kahit papaano, at least may kasama na ako.

Mabilis siyang pumunta sa tabi ko at agad akong niyakap. Wala na akong pake, I needed comfort so I hugged him back, hinigpitan ko iyon.

"I-I'm s-scared." I mumbled, my words came out shaking.

"Alam ko. Let me hug you until you feel better." Jisung shushed.

Hindi ako pumalag. Ilang minuto kaming ganon, my body feeling the warmth he offers. I calmed down.

"You're better? Want me to end the hug?" Tanong niya nang mapansin na tumigil na ako sa pag-iyak.

Kahit na gusto pa ng puso ko, nahihiya naman na ako sa kaniya no. Kaya I denied. "Ayoko na, masikip."

Tumawa nalang siya. Tumabi na siya sa akin. Agad na hinanap ng ulo ko ang balikat niya at sumandal doon habang yung likod namin ay nakasandal sa pader.

"It's raining cats and dogs, matutuloy kaya ang first week concert bukas?" I started a conversation kasi ang tahimik.

Naramdaman ko siyang tumango. "Itutuloy yon, sa arena naman ng university ang venue. Indoor naman kaya hindi tayo mababasa kung umuulan man bukas."

"Sayang booths, basa ang grounds. Puro grass pa naman kaya siguradong maputik."

"Ang daming nating rooms, wag kang mag-alala itutuloy yon."

"I haven't done any school works kaya kabado ako." I confess kaya natawa siya.

"Sigurado naman akong lahat ng students walang ginawa kaya hindi ka nag-iisa."

Another laugh just escaped from my mouth kasi wala na akong maisip na isusunod na sasabihin.

It became quiet again. Naririnig ko lang ulan kaya hindi ko matiis na magsalita ulit.

"Sing for me." I mumbled, pertaining to Jisung.

Napatawa siya. "Naalala mo nung bata tayo. Lagi tayong bati pag-umuulan kasi tinatakot tayo na pag nag-aaway daw yung mga bata, matatamaan ng kidlat."

I also laughed at the memory. "Tapos sinabi rin sa atin na if we sing, titila ang ulan. Kaya todo kanta tayo kasi hindi na natin kaya magbatibatian."

Natawa nalang kami parehas. Natapos agad iyon nang kumidlat nanaman kaya nagtago na ako sa kumot sabay takip ng tenga para magready sa kulog.

Madiin kong sinara ang mga mata ko dahil narinig ko pa rin naman ang malakas na kulog. I felt Jisung's hand hold mine. Kinuha niya ang kamay na nakatakip sa isang tenga ko and intertwined it with his.

Bumilis lang lalo ang tibok ng puso ko, not because of the thunder and lightning, but because of Jisung's actions towards me.

"Sing for me." Pag-uulit ko, hindi pa rin inaalis ang ang nakatalukbong na kumot sa akin.

Narinig kong tumikhim si Jisung pero agad ding kumanta.

~ At the start of the day
I'm full of you ~

His warm voice enveloped the room, pinikit ko na ang mata ko.

~ When I was alone,
I would uselessly become restless ~

Inayos ko ang higa ko sa balikat ni Jisung pati na ang kumot ko. Nilagay ko iyon sa aming dalawa.

~ My mind feels a little hazy
When I hear your warm voice
Baby, I'm falling for you ~

Tumingala ako ng konti para tignan si Jisung. Nakapikit din ang mga mata niya at dinadama ang kanta.

~ I love you, our love is true ~

Nagulat ako nang dumilat siya at tumingin sa akin. Napapikit agad ako at nagkunyaring tulog na. Narinig ko tuloy yung hagikgik niya.

~ Hug me
As time goes by ~

Napahikab na ako. Dinadala na rin ako ng antok, idagdag pa ang boses ni Jisung.

~ I love you, our love is true ~

Wala ni isa sa amin ang bumitaw sa hawak ng isa't-isa. Sa totoo nga lang, wala naman talaga akong balak na bitawan ang kamay niya.

~ Hug me
Don't let go of me ~

Ayon nalang ang huling narinig ko. Nakalimutan ko na nga ang kulog at kidlat. Basta ang alam ko, tuluyan na akong dinala ng tulog.

- Third person's

"Riley, yung promise mong pupunta ka ng first week concert bukas ha."

Nag-intay ng sagot si Jisung pero wala siyang natanggap. "Bub." Tawag niya pero wala pa rin.

Tinignan niya tuloy si Riley at napangiti nang makitang tulog na nga ito.

"Sige na, matulog ka lang. Baka hindi kompleto energy mo sa surprise ko bukas."

Pinagmasdan niya pa ng ilang minuto ang dalaga saka ngumiti nanaman ng matamis, tila hindi ito mapigilan.

"Goodnight Bub." Bati nila at dahan-dahang nilapit ang labi niya sa noo ni Riley.

Kasunod non ang paglapit ng mukha ni Jisung sa natutulog na Riley hanggang sa maglapat ang labi nila.

Saglit lang iyon, pero sapat na ang maikling halik para maramdaman nila ang damdamin ng isa't-isa.

Kasabay ng mga katagang tila panaginip nanaman sa isip ni Riley.

"I love you."

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon