027

505 19 0
                                    

I crumpled the paper, na crumpled na kanina pa, sa inis. Ugh that Han Jisung is really getting into my nerves.

Maglalakad na ulit sana ako when someone tap my shoulders.

"Riley Jung right?"

I flinch as I heard someone called my name. Hahampasin ko naman na sana kung sino yon pero natigil ako nang makita kung sino siya.

"Uy! Seungmin right?" Awkward pa akong tumawa kaya siya yung natawa.

Tumigil naman kami at nagkaroon ng saglit na dead silence. Buti nalang nasalba niya agad. Di naman kami close so, caw caw caw.

"Uhh... this is really awkward." I laughed at napakamot pa sa batok ko. Ngayon palang naman kami naiwan mag-isa dahil madalas kasama ko ang buong squad nila na tambay sa flower shop.

"I'm sorry nagulat kita." He finally break the silence.

"Muntik mo pa akong hampasin, handa pa naman akong gumanti." Pinatunog niya pa yung mga buto niya sa kamay kaya ako naman ang natawa.

"Loko ka, ano pala kailangan mo?" Kunot noong tanong ko.

"Ako agad may kailangan?" Tinaasan niya pa ako ng kilay. Taray bes, dinaig pa ako.

"Ha? Trip mo lang kalabitin ako ganon?" Taas kilay ko naman tanong. Tong si Seungmin kasi, maldita. Charot!

"Pinapatawag tayo ni Chan hyung sa student Council. Tapos magkablock naman tayo kaya sabay na rin tayong pumuntang room mamaya." Hindi pa man ako nakakasagot, hinila niya na ako sa wrist.

Kapal din ng lalakeng to eh. Utos ang sinabi, hindi man lang nagtanong kung papayag ako.

Nagpahila na ako trying not to mind the stares. Punyeta, kabago bago ko dito pero alam kong sikat si Seungmin. Hindi tuloy maiwasan mapalingon ng ilan sa amin.

Haler, first day na first may issue agad? Ang sarap tuloy dukutin ng mga mata ng iba na umiirap pa talaga.

Bago ko pa mahatak ang wrist ko, na kanina ko pa pinipilit hatakin, ay tumigil na kami sa isang building.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Malamang nasa University. Tara." I was about to complain pero hinatak niya ulit ako.

Ano ba tong chapter na to? Hahatakin nalang ba ako buong magdamag dito?

Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng isang pinto at saka kumatok doon. Eto na ba yung student council?

"Good morning Chan hyung!" Bati ni Seungmin sa tao na nasa loob.

"Good morning." Awkward na nag bow pa ako. Ano ba naman yan, hindi ko naman sila close. Gusto ko lang naman makasama si Avery at Jeongin kaya maaga akong pumasok at hindi para mahatak diba?

"Anong ginawa ni Seungmin sayo? Sinaktan ka ba?" Tawa ni Chan oppa kaya nabatuhan siya ng ballpen ni Seungmin.

"Kapal mo naman hyung! Ano ako, masama?" Irap pa ni Seungmin. Maldita nga kasi, akala niyo lang.

"Actually..." asar ko pa kaya natawa kami ni Chan oppa habang inilingan naman kami nung isa.

"Bakit mo ba kami pinatawag? May inaayos pa sa First day ceremony ha?" Bored na sabi ni Seungmin. Ang stress naman ng lalakeng to. First day tapos may inaasikaso.

"Saglit lang to." Panimula ni Chan oppa.

"Blockmates kayo diba?" Tanong niya pa kaya napatango kaming dalawa.

"Very good. Dahil galing Busan tong si Riley at hindi pa sanay sa JYP, please take care of her for one week. Parang yung ginawa ng president nila Jeongin dati sa kaniya nung unang beses niya pa lang dito." Nagkatinginan kami ni Seungmin at parehas na nanlaki ang mata namin.

"Hyung busy sa SC! May first week concert pa baka hindi ko siya masamahan masyado." Agad na kontra ni Seungmin. Para namang ayaw na ayaw akong kasama nito.

"Since mukhang ayaw naman ako samahan ni Seungmin, ako rin. Feeling ko kasi baka awkward kami at may kaibigan naman ako dito." Sabi ko rin.

"Oy hindi naman sa ayaw ko! Baka lang kasi hindi kita mabantayan at ma-tour dahil busy kami. Kaibigan na rin naman kita kahit ilang beses pa lang tayo nagkikita!" Mabilis na sabi ni Seungmin sa akin kaya natawa ako.

"Joke ko lang naman na ayaw mo, baka nga lang kasi makaistorbo ako sa schedule niyong student council." Paglilinaw ko na.

"Wala na akong pinagkakatiwalaan masyado sa mga kakilala kong blockmates mo. At saka Seungmin, isang linggo lang naman." Punto na ni Chan oppa.

"Okay, sagot mo naman pag nawala ako minsan sa student council." Ngiti nitong kasama ko kaya napatango na rin ako.

"Okay, one week lang naman eh." Sang-ayon ko.

"At dahil hindi rin naman lahat ng subjects ay magkaklase kayo, sa break time niyo lang at kung may kaparehong klase lang kayo magsama. Wala naman halos gagawin sa subjects this week kaya tulungan mo nalang siya maging komportable dito sa JYP. Ugali na rin kasi to ng University na pag may new student, may isang tao na makakasama niya for one week para tulungan siyang mag-adjust. Kaya sana maintindihan mo, Riley." Paliwanag pa ni Chan oppa.

Tumango na kaming dalawa at nag-apir for no reason. Feel lang namin since baka mas hindi maging awkward ganon. Saglit pa kami don at pinalabas din kami agad.

"Looks like stuck ako sayo buong linggo." Tawa agad ni Seungmin paglabas namin.

"Looks like makakatusok nga ako ng mga mata buong linggo." Joke ko pa kaya nagets niya naman ata.

"Wag kang mag-alala, di ka naman sasaktan ng mga yon. Takot lang nila sa amin." Assure pa ni Seungmin kaya nakahinga ako ng maluwag. Kung safe naman daw ako sa mga fan girls nila, then maniniwala na lang ako.

"Tara na!" Smile niya bigla at hinatak nanaman ako. 

Paglabas namin ng mismong building ng Student council, nanlaki ang mata ko nang makakita ng isang pamilyar na student.

"OMG NAOMI!"

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon