Halos magdasal ako pagkapasok sa classroom. Sobrang tense ko na miski mga classmates ko sa subject na to ay nakakahalata.
"Uy sure naman ako mataas ka. Umayos ka nga." Pagpapakalma ng katabi ko kaya nginitian ko siya.
"Di naman ako sa grade ko kinakabahan." Paliwanag ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.
Lumingon ako sa likod ko nang makarinig ng mga nagbubulungan. Nakapraying position lang si Jisung habang pinagtatawanan naman siya nung tatlo.
"Hayup to parang tanga. Umayos ka nga!" Iling ni Seungmin pero parang walang naririnig yung kaibigan nila.
"Wala na yan, kita niyo na ngang kinakabahan." Suway naman ni Felix.
"Bat ba kinakabahan to eh alam niya namang babagsak siya." Takang tanong naman ni Hyunjin.
Hinampas siya ni Jisung kaya gumanti si Hyunjin hanggang sa naghampasan nalang silang dalawa.
"Gago kumatok ka nga!" Inis na sabi ni Jisung nung napakalma na sila nung dalawa.
"Ano bang problema nito?" Gulat na tanong tuloy ni Hyunjin.
Humarap siya sa akin. Nagslow mo bigla nung paharap siya sa akin. Imbis na sumagot ay bigla akong tumalikod sa kanila at humarap na ulit sa harapan.
"Ang weird niyong dalawa." Komento tuloy ni Hyunjin sa amin.
"Ahhhhh mukhang kinakabahan nga." Asar naman ng katabi ko sa akin kaya siniko ko siya.
"Shhhhh, magdasal ka na nga lang rin."
Matagal pa before magstart yung class. Wala talaga akong kinakausap since yung apat na lalaking kaibigan ko lang naman ang close na classmates ko. Iniwan na nga ako ng seatmate ko kasi di niya daw ako makausap ng maayos.
Eh kasi naman, pag hindi nakapasa si Jisung, ako ang lagot at hindi naman siya. Siguro naman alam ni Jisung ang hirap na ginawa ko para lang sa kaniya sana naman napasa niya yon diba?
At saka takot ako, yung prof namin ang kilala bilang sa pinakamahirap na magbigay ng quiz. Yung tipong parang finals na kaya sobrang hirap talaga pumasa.
"Good day class!" Ngiting pasok ni Prof Yumi sa room namin. Umayos na ang lahat pagkababa niya ng papers namin. Napatingin ulit ako kay Jisung at saka niya ako tinanguan na have faith on me ganon.
Legit na kinakabahan ako. Una, Jisung's gonna fail this class at baka ito ang humatak sa kaniya para hindi makapasa ng first sem. Second, sayang hardwork niya for nothing plus ako pa mapapagalitan.
"Riley Jung, Kim Seungmin." Napatayo kaming dalawa ni Seungmin.
"Congratulations for being the highest, you're both exempted for this class' project." Nagkatinginan kaming dalawa ni Seung at agad na nag-apir at agad ding umupo.
"Lastly, Han Jisung..." hindi na tumayo si Jisung. Napatingin ako sa kaniya. Binigyan niya lang ako ng sad eyes na parang bang sinasabing sorry.
Inilingan ko siya, "Kaya mo yan." I mouthed.
Kasabay non ang paglapit ni prof at binigay ang papel niya. "Congratulations on passing and achieving the third highest score. You're also exempted for our class project. Keep up the good work."
Napaawang lang ang bibig ni Jisung at hindi makapaniwala. Ako ang nagsimula ng cheer at palakpak na siyang sinabayan ng malalakas na hiyawan ng tatlong lalaking kaibigan namin.
Napatingin sa akin si Jisung at nginitian ko siya ng malaki. "Sabi ko sayo kaya mo eh." I said softly.
"Riley, come in front. And class, you're dismissed early, you earn it." Nagsitayuan na sila at isa-isang umalis.
"Good job Riley, alam kong kaya mo yon. If you both passed the midterms, hindi niyo na kailangang magfinals at uno na kayo sa class ko." Dugtong pa ng prof kaya nagbow ako bilang thank you saka siya umalis.
Pagtalikod ko, sinalubong agad ako ng isang malaking yakap. Hindi ako agad nakareact at nakita ko si Felix, Seungmin at Hyunjin na umiiling habang tumatawa sabay thumbs up kaya alam kong si Jisung to.
"Thank you!!!!" Malakas na hiyaw niya pa na akala mo nanalo sa lotto.
Pabiro ko siyang hinampas para lumayo na siya sa akin. "OA mo, alam ko namang kaya mo." Sagot ko naman.
"Magaling lang talaga tutor kamo." Kontra naman ni Seungmin kaya inirapan siya ni Jisung.
"Inggit ka lang ulol." Agad na sagot ni Jisung.
"Ulol kaya kong pumasa na walang tulong." Bumelat pa si Seungmin.
"Edi ikaw na." Parang bitter na sabi ni Felix kaya tinawanan namin siya.
"Ako rin patutor, pwede?" Napaatras ako nang ilapit ni Hyunjin ang mukha niya sa akin.
Parang tumigil ang paligid ko at tanging kaming dalawa lang laman ng room. Yung ngiti niya nakakalunod lalo na pag tumingin ka sa mata niya.
"Hoy!" Sigaw ni Jisung. Natauhan tuloy ako. "Starring contest. Sali ako!" Sabi niya at pumagitna pa sa aming dalawa.
"Arte mo akala mo naman aagawin ko tutor mo. Wag na, malala ka na baka umulit ka pang sem pag kinuha ko si Riley." Asar ni Hyunjin kay Jisung kaya ayon pikon naghabulan sila sa room.
"Asa naman siyang makakapagturo ka sa kaniya ng maayos." Asar naman sa akin ni Seungmin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Mukha di naman narinig ni Hyunjin dahil si Felix lang ang humagikgik habang napa, "Ano?" Nalang yung dalawa.
"Wala, magsilayas na tayo may klase pa tayo mga tanga." Sagot ni Seungmin at nauna nang lumabas ng room.
Nagpumilit naman yung dalawa kung ano yung sinabi niya at sumunod sa kaniya. Nagkatinginan tuloy kami ni Felix sabay tawa saka lang sumunod.
Mukhang nagsisitakbo na silang tatlo kasi di na namin sila naabutan sa labas. "RILEY!" napatingin kami sa tumawag.
Si Naomi kasama si Avery. Kakaway palang sana ako nang may tumangay na sa ice cream na hawak niya.
"Hyunjin sa kabilang street pa namin binili yan! Balik mo!" Iyak ni Avery sa kumuha ng pagkain niya.
"Oh." Napatingin ako sa katabi ko. Si Jisung na at wala na si Felix.
Nandoon na siya kay Naomi at tinatangay na ang ice cream nito. Binatukan tuloy silang lahat ni Seungmin kasi ang gulo daw nila kaya nag-away tuloy silang lahat.
Kinuha ko ang inabot na ice cream ni Jisung. "San mo nakuha to?"
"Ako talaga nagpabili diyan sa dalawa, break time kasi nila." Napatango ako sa sagot niya. Mabagal ang lakad naming dalawa since malayo naman talaga yung lima. Nagsisitakbo lang kasi.
"Libre mo sa akin pag nakapasa ka sa midterms para wala na tayong finals. So kargo pa rin kita ha? Galingan mo!" Sabi ko sa katabi ko habang sa daan lang nakatingin. Naramdaman kong tumingin siya sa akin kaya nagstop ako at tumingin din sa kaniya.
"Ayoko ng libre." Shrug niya.
"Eh anong gusto mo?" Kunot noong tanong ko.
"Pagnakapasa ako sa midterms at wala na tayong finals sa subject ni Prof Yumi, pupunta ka sa first week concert sa second sem."
Mas lalong kumot ang noo ko. "Para saan?"
"Basta oo o hindi ka lang, hindi ako sasagot." Nag-act pa siya na parang zinip yung bibig niya.
"Pupunta naman talaga ako?" Wala sa sariling sagot ko.
"Sure ka ha? Wala na bawian?" Pagceclear niya pa.
"Oo naman, pupunta naman talaga ako." Tango ko pa.
Nagsilent yes siya with gesture pa kaya mas lalong gumulo ang utak ko. Bago pa ako magtanong tumakbo na siya papalapit don sa lima.
"Avery hingi!" Sigaw pa ni Jisung papalapit doon kahit na may ice cream na siya.
Ako? Tulala, ang weird ng sinabi niya. Ano bang meron next sem?
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...