Dalawang linggo, dalawang linggo at kalahati na ang nakalipas.
Bumalik naman sa dati, yung tipong parang walang nangyari. The day after nung incident, nakarating agad si Tita. Sila, kasama ang mga magulang ng kaibigan namin, kasama sila Kuya Chan ang nangunguna para sa kaso. Hinahanap tuloy ngayon ang MX ng mga tao. Kaya panatag muna ang loob namin ngayon dahil wanted sila at nagtatago pa. Kung sakaling kumilos man sila, sana ay handa kami.
Hindi rin ako natutulog sa bahay muna. Kumuha lang ako ng mga gamit ko doon at dumeretsyo na sa ospital. Madalas kasing wala si Tita dahil nag-aasikaso sila kaya wala akong kasama sa bahay. Malaki naman yung sofa na pinagtutulugan ko kaya okay lang sa akin.
Dumadalaw rin ang iba dito. Parang naging daan na nga namin ito pagkagaling sa school kasi tambay sila palagi. Yung iba nga, hindi na rin umuuwi. Pinagsama na rin ang kwarto ni Hyunjin at Jisung. Kaso, nung isang araw pa nakauwi si Hyunjin kaya nagpumilit na rin umuwi itong isa.
Meron pa talaga dapat siyang dalawang araw to check everything. Eh kasi gusto na talagang lumabas ni Jisung ng ospital kaya chineck na siya nitong magkasunod na dalawang araw. Okay naman na siya at pinayagan na ring umuwi.
Halos wala na rin ang mga sugat namin at yung iba naman ay parang marks or konting galos nalang. Kaya eto ako ngayon, inaayos mga gamit namin para ready na kami umuwi. Si Tita wala rin dito kasi nagbubukas pa rin ang flower shop niya kahit maraming ginagawa at inaasikaso yon.
"Riley." Nilingon ko si Jisung. Kakagising lang.
"Kain ka na bago tayo umalis. Check ka nalang daw isang beses tapos last linis sa opera mo then tagal yang nasa kamay mo. After non, we're ready to go."
Kumunot ang noo ko nang bigla siyang tumawa. "Lah, parang timang to! Sigurado ka bang lalabas ka na ng ospital? Parang wag nalang muna."
"Tinawag lang kasi kita ang dami mo nang sinabi." Tuloy niya pa nga tawa niya kaya umirap ako. Tumigil tuloy siya saka tumikhim. "Opo Ma." Hagikgik niya pa.
Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya ayon, umakto pa na ziniper yung bibig niya. Kinuha ko ang tray ng ospital food sa may lamesa at inayos ang patungan sa may bed ni Jisung.
Umupo ako sa tapat ng bed niya pagkatapos ko ihanda iyon. "Kain na." Nguso ko pa sa pagkain niya.
"Di ko kayang kumain mag-isa."
Napataas ang kilay ko. "Pauso ka. Magaling ka na kaya. At saka hindi ka naman nabalian ng buto para di maiangat yan, nakakain ka nga kagabi eh."
Nag-iwas siya ng tingin. "Sinong may sabing kumain ako kagabi?"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at pinilit na hinarap ang mukha niya sa akin. "Di ka kumain? Bat sabi mo sa akin tapos ka na kumain?"
Nagpilit siya ng ngiti. "Kakatusok lang ng ilang beses sa kamay ko kagabi. Pinalitan to diba." Tinaas niya pa ang kanang kamay niya para ipakita ang nakadugtong doon.
Bumuntong hininga ako. "Bwisit ka, sabi hindi ka raw pwedeng magpalipas ng gutom! Akala ko ba gusto mo na umuwi ha?"
"Oo nga. Isang beses lang naman yon. At saka ayoko rin ng pagkain kagabi." Palusot niya pa.
"Oh, anong gusto mong gawin ko?"
Ngumiti siya ng nagkakaloko at saka ngumanga. "Masakit kamay ko, so baka naman."
Hindi na ako nakipagtalo at kinuha na ang kutsara niya para subuan siya. Ang arte talaga nito kahit kailangan.
Tahimik ko lang siyang sinusubuan. Minsan naman nagrereklamo siya kasi ang konti daw o kaya naman sobrang dami.
"Paglabas ko dito mamaya, bibigay lang natin gamit natin kay Mama tapos alis tayo ha."
Natigil kamay kong may hawak ng kutsara sa tapat ng bibig niya dahil sa sinabi niya. Napasimangot tuloy siya at nilalapit ang ulo niya para pilit na abutin yon.
"Bub!" Reklamo niya nang ilayo ko lalo ang kutsara.
"Ayoko." Sagot ko at ako ang sumubo sa laman nung kutsara.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Diba ako yung kailangan kumain!"
"Ikaw lang ba hindi pa kumakain?" Banat ko naman.
Kumunot ang noo niya bigla. "Hindi ka pa kumakain?"
Umiling ako. Nagulat ako nang bigla niyang kinuha yung kutsara sa kamay ko na pasubo ko na sana at siya ang nagsubo sa akin.
"Ako na kakain mag-isa. Kumain ka na." Sabi niya pa at kinuha na nang tuluyan ang kutsara sa akin para pakainin ang sarili niya.
Napanganga ako. "Kaya mo naman pala talaga kumain mag-isa eh!"
"Hoy hindi ah! Masakit talaga kamay ko kanina!" Katwiran niya pa pero bumungisngis naman.
"Papansin ka!" I hissed pa at galit na kumagat sa tinapay ko.
Ngumiti lang siya at himrap sa akin. "Okay lang at least indirect kiss tayo sa kutsara ko!"
"O ano naman? Kahit kaninong pagkain naman ata g ka lang. Edi dami mo nang naindirect kiss non." Sagot ko naman sa pantasya niya.
"O ano naman? Selos ka?" Gaya niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Matapos yung nangyari sa bahay non, nagbago si Jisung. Nagbago pakikitungo sa akin. Mas naging vocal at touchy na rin siya sa panglalandi. In short, grabe na yung pang-aasar niya sa akin. Naiissue tuloy kami.
Hinayaan ko siya. Sige, diyan siya masaya. Nawili siyang asarin ako hanggang matapos kaming kumain.
Nagligpit ako ng pinagkainann namin at sakto dumating ang nurse na maglilinis nung opera ni Jisung. Pinagpatuloy ko na rin ang pag-aayos sa gamit namin at hinihintay si Tita na dumating.
"Bub." Lumingon ako. "Yiiieee lumingon."
Inirapan ko lang siya. "Ang ligalig mo ngayong araw ha."
"Syempre may alis tayo mamaya." Ngiting sabi niya pa.
"Ayoko nga Jisung. Ang kulit mo."
Nagpout siya bigla kaya nabigla ako. "Nagpromise ka sa akin tapos di mo tutuparin."
Umupo na ulit ako sa upuan malapit sa bed niya at hinampas ang nguso niya. "Hindi ko naman sinabing pagkalabas mo agad ng ospital. Magpahinga ka muna."
"Ayoko nga, gusto ko paglabas ko agad. Tagal ko nang naghihintay no." Pagmamaktol niya pa.
"Parang kang bata. Ayoko nga Ji, magpahinga ka muna."
"Edi wag nalang." Nagcross arms pa siya tapos umiwas ng tingin sa akin. Hindi rin nakaligtas ang mahinang pagtawa ng nurse sa amin. Chismosa naman si ate, charot.
Bumuntong hininga ako at lumipat kung saan nakatingin si Jisung. Inalis niya naman agad ang tingin niya pagpunta ko don.
"Parang tanga naman." Irap ko. Hindi pa rin siya sumagot.
"O sige na nga." Napaharap siya agad sa akin at ngumiti ng malaki. "Pero hindi ngayon." Nawala ang ngiti niya bigla.
"Sa weekend kasi. Dalawang araw na yon, pambawi ng pagtanggi ko sayo ngayon." Dugtong ko.
Lumiwanag ulit ang mukha niya pagharap sa akin kaya natawa ako. "Miss, narinig niyo yon ha. Pag tinaggi ulit nitong babaeng to lakad namin ikaw pupuntahan ko para ipaalala sa kaniya." Kausap pa ni Jisung dun sa nurse kaya napailing ako.
Nakisakay naman tong nurse. "Opo sir, mukha di ka rin naman matiis ng girlfriend mo."
O tignan mo, naissue pa kami ni ate. Tatanggi palang ako, inunahan na ako ni Jisung. "Bub ha, wala ka nang takas."
"Oo, ang kulit mo rin eh no. At saka sino bang may sabing gusto kong tumakas?"
Nagshrug siya. "Wala, baka lang maisipan mo."
Don't worry, gusto ko na kayang magsabado at linggo dahil sayo.

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...