056

504 25 15
                                    

"Uwi na tayo."

Three words. Three words lang yon pero sobrang lakas ng impact sa akin. Para akong nalunod sa mga salitang 'yon.

Magsasalita palang sana ako nang biglang may nauna na sa akin.

"Anong ibig niyong sabihin?"

Parehas kaming natigilan ni Jisung. As in parang naalerto kaming dalawa. Kahit gulat na gulat kami, umayos kami ng posture at hinarap ang nagsalita.

Si Kuya Minho, Seungmin at Jeongin pala na may dalang pagkain. Nasa likod din nila si Naomi na siyang nagsalita.

"Ah, ang ibig kong sabihin na umuwi na kami. Bagot na ako." Palusot ni Jisung pero mukhang hindi naman sila convince.

"Nagpapauwi na ako." Sagot ko naman.

"Ay may pagyakap? Kita ko yon kanina, nauna ako sa kanila." Taas kilay na sabi ni Kuya Minho.

Nagkatinginan kami ni Jisung. Ang tanga naman kasi ng lalakeng to. Punyemas ano nang gagawin ko?

"Babe, I can explain." Pajoke na sabi ni Jisung. Tinaas lang ni Kuya Minho yung isa niya pang kilay.

I gulped. "Nilalamig ako. He offered body warmth kasi wala siyang dalang jacket." I lied pa.

"Hay nako. Meron ako sa loob, kukunin ko lang." Iling ni Omi at pumasok na ng kwarto ni Hyunjin.

"Mabigat yung mga pagkain, pasok ko lang rin." Sagot naman ni Seungmin at kinuha ang mga dala nilang pagkain.

"Noona..." dismayado at inaantok na sambit ni Jeongin.

"Hala baby ko." I spread my arms para yakapin siya pero sinimangutan niya lang ako.

"Bakit si hyung alam bahay mo tapos ako hindi?" Malungkot na tuloy pa niya kaya natawa ako. Cute talaga ni Jeongin pag-inaantok, lumalabas yung pagkababy.

"Hindi niya alam, hahatid niya lang ako sa bus stop." Sagot ko naman.

Mukhang di naman siya naniwala kaya tinignan ko si Jisung at Kuya Minho. Para silang nag-uusap sa mata.

"Pasok ko lang si Jeongin..." natigil ang titigan nila at napatingin sila sa akin.

Kunyaring umubo si Kuya Minho at saka tumango. "Labas ka ulit, kailangan mo na rin umuwi."

Hindi na ako sumagot at inakay si Jeongin papasok. Napatingin si Felix sa amin at tinulungan ako sa inaantok na Jeongin.

Pagkahiga kay Jeongin sa sofa, napatingin ako kay Seungmin at Naomi na mukhang nag-uusap. Nakatalikod kasi sila sa amin habang nag-aayos ng mga pagkain.

Umubo naman si Felix kaya nasira yung moment. "Lalabas lang ako saglit, kayo na bahala dito." Paalam niya.

Kunyaring walang nangyari naman yung dalawa. I took my chance na magpaalam na rin. "Uuwi na rin sana ako para magpalit, baka bumalik na ako pag gising na si Hyunjin."

Ngumiti si Omi then inabot sa akin yung jacket. "Ingat ka. Babalitaan ka nalang namin."

Kahit ayoko pang lumabas ng room dahil baka kung ano lang sabihin ni Kuya Minho, sabay kaming umalis ni Felix.

Naabutan namin si Kuya Minho at Jisung na nag-uusap medyo malayo na sa pinto ng kwarto ni Hyunjin. Mukhang sobrang seryoso nila kaya pumunta agad kami ni Felix.

"Alis lang ako saglit." Putol pa ni Felix dun sa dalawa. Tinanguan lang siya ni Kuya Minho.

"Balik ka agad, parating na sila Chan hyung." Tumango lang si Felix at umalis na, naiwan tuloy ulit kaming tatlo dito.

"Tapatin niyo nga akong dalawa," simula ni Kuya Minho kaya hindi ko maiwasang mapalunok sa takot. Buking na ba kami?

"Kayo na ba?"

Halos masamid ako sa tinanong ni Kuya Minho. Si Jisung naman mukhang gumaan ang loob dahil iba ang tinanong sa iniisip namin.

Tinitigan lang kami ni Kuya Minho at mukhang seryoso naman siya sa tinanong niya kaya tinignan ko tong katabi ko na nakatingin na rin pala sa akin.

Unti-unting inabot ni Jisung ang kamay niya sa akin saka ininterwine yon.

Tumigil ang mundo ko. At literal yon. Parang napigil ko ang pahinga ko at hindi alam ang gagawin. My mind went blank.

"Kami na nga, pero sekreto na namin yon na ngayon ay alam mo na." Seryosong sagot naman ni Jisung kaya nataranta ako.

Natawa si Kuya Minho sa akin dahil akala niya siguro ay natataranta ako dahil alam niya na. Like duh! Nagsespread ng fake news si Jisung baka kung ano nang isipin ni Kuya Minho sa amin!

"Wag kayong mag-alala, matagal ko naman nang nahahalata. Mapagkakatiwalaan niyo ako." Assured pa talaga ni Kuya Minho kaya napaface palm ako.

Mabilis kong tinanggal ang kamay kong nakay Jisung at umiling. "He's joking! Hindi kami! Ihahatid niya lang talaga ako sa bus stop!"

Pinat lang ni Kuya Minho ang ulo ko kaya napanganga ako. Don't tell me pinaniwalaan niya si Jisung?!

"Hindi naman ako magagalit kasi di niyo sinasabi. Kayo naman bahala kung kailan niyo sasabihin sa kanila officially." Ngiting sabi pa nito.

Inis kong hinarap si Jisung na nagpipigil ng tawa. Tangina Han Jisung! Mali ang inisip kong tumino ka na!

Magtatanong pa sana si Kuya Minho nang biglang may nagsalita sa likod namin. "Bakit di mo pa hinahatid si Riley, Jisung? Binilin ko na siya sayo ah?"

Si Kuya Chan at Kuya Woojin pala ang dumating. "See! Ihahatid niya lang talaga ako." Depensa ko pa rin kay Kuya Minho.

"Oo na nga." Pigil na ngiti lang nito sa akin. I shouted in frustration.

Naguguluhang tumingin naman sa akin ang mga bagong dating kaya hinawakan na ako ni Jisung sa wrist at handang hilain.

"Hatid ko na to, inaantok na eh." Paalam na ni Jisung at hinila na ako.

Pagdating namin sa elevator. Hinila ko na ang wrist kong hawak niya saka siya sinamaan ng tingin.

"Ano nanaman bang trip mo?!" Agad na bulyaw ko.

Nagkabit balikat lang siya. "Bawal nilang malaman na nasa iisang bahay tayo kaya ayon nalang sinabi ko. Ayaw mo non? Di nila nalaman na nakatira ka sa amin?"

Hinampas ko lang siya ng malakas dahil sa kalokohan niya. "Ewan ko sayo!"

I heard him chuckled kaya mas nainis ako. "Paano ba yan, bub? Ang alam ni Minho hyung na may tayo?"

Uminit lang ang dugo ko sa inaasar niya. Kaya bago ko pa siya mabugbog, nagbukas na elevator at nasa car park na kami. Inunahan ko na siyang lumabas.

"Bub mo mukha mo, gago!"

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon