123

435 27 9
                                    

Today is our last day in Busan. And isang linggo nalang bago matapos ang sem break namin.

Grabe yung pagod namin kahapon kasi ang dami naming pinuntahan. Worth it naman. Nung umaga we went to explore Nampo-dong and Gwangbokdong para mag-streetfood breakfast mukbang. Malapit lang don ang Lotte Department Store and it is the second larget department store in Busan. Nagshopping kami for own luho and pasalubong. And it was such a view lalo na pag pumunta ka ng Sky Garden nito. Also, the store have the largest indoor musical water fountain in the whole world kaya hindi mo siya pwedeng hindi makita or else you'll regret it talaga.

But the winner of the best view ay sa Busan Tower. It feels like we could poke through the sky and sakto nasa gitna pa siya ng Yongdusan Park. Doon kami nung hapon hanggang gabi kasi sa mga oras na iyon ay ang pinakamagandang view. The night sky and evening lights are breathtaking.

Tapos ngayon, we went to Tongdosa Temple, which is the largest and most important temple in South Korea, kaninang umaga. Nagstay kami roon until lunch saka dumeretsyo sa Shinsegae Centrum City, also known as world's largest department store, para maglibot. Tapos ay syempre hindi namin kinalimutan ang sikat na Aquarium sa Haeundae na dinaanan namin nung pabalik na kami ng resthouse. Nung hapon nagstay in nalang kami sa rest house at inenjoy yung Haeundae Beach since hindi pa naman talaga kami nagswimmming or nakalibot talaga roon simula nung dumating kami rito.

And then night came, we saved the best for last. The Bay 101, a Night Yacht Tour sa Haeundae Beach. It's incredible for night views in the city.

Nasa loob sila ngayon at nag-iinom. Sinusulit talaga nila ang mga pagkain and drinks sa yacht. Ako naman nagpaalam sa kanila at lumabas para makita ang view. Tutal ito naman talaga ang habol ko rito. The view, Busan, which I missed the most.

Nagulat ako nang bigla may tumabi sa akin habang nakatingin ako sa may railings ng yacht. Napatingin ako sa kaniya pero nginitian niya lang ako.

"Alam kong mas maganda ako sa view pero wag mo akong titigan please." He shamelessly tease kaya natawa ako.

"Loko ka, nagulat lang ako sayo." Katwiran ko at binalik nalang ang tingin sa dagat.

We both stayed quiet, it's much more pleasing to be honest. Pinapakiramdaman ko yung sarili ko pag kasama ko siya, kung tama ba talaga ang nararamdaman ko.

Until he broke the silence. "Balita ko naging crush mo raw ako."

I froze, literal. Hindi ako makagalaw o kaya ay makatingin sa kaniya. Hindi ko alam ang gagawin ko, kasi ako mismo naguluhan sa tanong niya.

Nanlambot lang ako nung tumawa siya. "O baka naman crush mo pa rin ako? For research purposes lang."

"Ewan," I started off. "Hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko." Napatingin ako sa kaniya, only to find out na nakatingin na rin pala siya sa akin.

"Hyunjin..." I called out his name kaya napataas siya ng kilay. "Magagalit ka ba pag sinabi kong oo? Na oo gusto pa kita?"

Umiwas siya ng tingin kaya I took that as an answer. Ang tanga, bakit ko ba kasi tinanong. Lagi ko nalang nilalagay ang sarili ko sa alanganin o kaya sa mga awkward situations. Hindi na ako natuto.

"Okay lang kahit di mo sagutin. Alam ko naman n---"

"Hindi." Nagulat ako sa sagot niya. "Bakit ako magagalit kung ayan talaga nararamdmaan mo? Hindi naman napipigil ang puso, tinatamaan yan sa kahit sino. Kaya hindi kita masisising nagkagusto sa akin, I will even appreciate it."

After saying those words, he looked at me. "Ako naman magtatanong?" I only nod as an answer.

"Nagkagusto ka nga ba talaga sa akin?"

For the second time, I stopped. Sasagot ba ako? Kailangan ko bang sumagot? Hindi ko alam kung bakit kailangan kong pag-isipan kung nagkagusto ba ako sa kaniya kasi diba dapat oo ang sagot ko? Kasi ayon naman talaga dapat?

Tumikhim ako. "Paano mo ba masasabi kung gusto mo ang isang tao?"

"Hays ang daya, binatuhan lang din ako ng tanong. Pwede ba yon?" Hyunjin laughed off. "Kung nagustuhan mo ako, ano bang naramdaman mo?"

"Hay nako, ikaw rin naman madaya ah. Bakit tanong rin binato mo?" I scoffed pero natawa lang siya. Bago pa humaba ang usapan ay sinagot ko na, hindi na ako magpapabebe no.

"Nung nakita kita, grabeng tumigil ang mundo ko. Legit na description iyon ha, nagslow mo talaga yung paligid ko at tanging ikaw lang ang nakita ko. Parang sa mga movies, yung pang cliche ganon. Bumilis tibok ng puso ko, I couldn't breathe o kaya nag-sspace out. Ang weird thing lang, my heart never did flutter. Siguro bumibilis lang siya kasi nandiyan ka, kinakabahan ako sa presensya mo pero I never felt butterflies. But, pinanindigan kong crush kita kasi hindi ba ganon talaga ang mga crush? Simpleng feeling lang naman?"

Napaawang ang bibig niya sa explanations ko, miski ako ay nagulat. Walang tigil ang bibig ko eh, punyemas.

"Omg, that's embarrassing. Did I just confess?" I gasped kaya ayon natawa nanaman siya.

"Yes you just did. Grabe hindi ko naman alam na ganon ka kapatay sa akin." Joke niya kaya napirap nalang ako. "But I think hindi mo naman talaga ako nagustuhan."

Kumunot ang noo ko pero I never dared to look at him. "What do you mean?"

"Do you still feel it now?"

"Ha? Hindi mo naman sinagot tanong ko eh!"

"Do you still feel it now?" Pag-uulit niya pa rin.

Bumuntong hininga nalang ako at hindi na nakipagtalo, "Hindi ko alam. Siguro? Kasi sa pagkakaalam ko sa sarili ko, crush kita."

"O sige, ako na bahala diyan."

I couldn't even react sa sinabi niya, kinuha niya na ang wrist ko at hinarap ako sa kaniya.

He slowly leaned forward kaya napahakbang ako ng isang beses patalikod. Tumigil siya na kung saan konting inches nalang ang mukha namin sa isa't-isa. He then guided my hand papunta sa dibdib ko at binitawan iyon. Nagstay ang kamay kong nakahawak doon, pinapakiramdaman ang puso ko.

I gulped. His eyes were sparkling and shinning lalo na at tumatama sa reflection ng mata niya ang buwan.

"May nararamdaman ka ba?"

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon