Nagbell na kaya nagpaparty na lumabas ang mga kasama ko sa room. Midterms are done! Kaya hindi ako nagtataka bakit nagwawala ang students sa hallway.
Bad side, di ko makita mga kaibigan ko. Para tuloy akong nawawalang tuta sa kakahanap sa kanila.
Nagulat ako nang may kumalabit sa akin kaya napatalikod ako para tignan kung sino yon. Wala naman akong kilala na kakalabit sa akin kaya nagtaka ako.
Maglalakad na sana ulit ako nang may tumakip sa mata ko kasabay non ang halik sa pisngi ko. Natigilan ako at hinawakan ang kamay na nasa mata ko.
"Jeongin! Avery!" Inis na sambit ko kaya natawa sila.
Tinanggal ni Jeongin ang kamay niya sa mata ko habang pinunasan ko ang halik ni Ave sa pisngi ko.
"Dugyot ka! May laway pa!" Pinunas ko pa ang basa sa kamay ko sa kaniya.
"Arte mo, pagmamahal ko yan." Irap naman ni Avery.
"Ulol, nagmamahal ka ba." Sabat naman ni Jeongin. Tapos nasa gitna pa nila ako niyan ha, nakakasawa.
"Oo naman! Ikaw lang naman di ko mahal." Bumelat pa si Avery.
"Pake ko sa pagmamahal mo. Sayo na yan." Nagmake face pa si Jeongin.
"Alam niyo kung kayo nagkatuluyan..." di pa ako tapos sa sasabihin ko ay nabatukan na nila ako parehas. "Aray!"
"Asa ka namang magkakagusto ako diyan eh yung crush niya nga di siya gusto." Asar ni Avery.
Sa inis nung isa, kinuha tuloy ni Jeongin yung walang laman na water bottle niya at saka binasbas kay Avery ang katiting na laman. Napaatras agad ako nang medyo marami pa pala ang tubig non kaya kay Avery lahat napunta. Nabasa ng konti yung mukha niya kahit na patak patak ang tama ng tubig.
Bago pa mahuli ni Avery si Jeongin, tumakbo na ito. "Yang Jeongin wag ka papahuli sa akin punyeta ka!" Inis na sigaw pa nito saka hinabol na yung isa.
Nababangga pa nila yung ibang students, since crowded ang hallways, kaya natawa ako. Naiwan tuloy nila ako.
"May gala ka mamaya?" I flinched nang biglang may umakbay sa akin.
Tinignan ko ang umakbay saka inalis yung kamay niya sa akin. "Yuck Han Jisung di tayo close." Diring sabi ko pa.
"Kaya nga aakbay para close eh, tanga nito." Umakbay ulit siya sa akin kaya siniko ko na siya sa tagiliran.
Napangiwi siya sa sakit, napalakas kasi. Natawa tuloy ako kaya pinitik niya noo ko.
"Aray! Papansin ka talaga eh no?!" Imbis na mairita siya, ginaya niya pa ako para mang-asar.
"Bahala ka na sa buhay mo." Nauna na akong naglakad. Hindi ko nga alam san galing yan eh.
"Tinatanong ko kung may gala ka mamaya, di mo naman sinagot." Tinignan ko si Jisung na nasa tabi ko na agad at kasabay ko na maglakad.
"Pake mo ba?" Kunot noong tanong ko at tumingin na ulit sa dinadaanan.
"Edi wag, di ko nalang sasabihin kung nakapasa ako o hindi." Prenteng sagot nito.
Natigilan ako kaya tumigil din siya. Ngiting tagumpay pa ang gago. "Nakapasa ka sa lahat?!" Gulat na tanong ko.
"Secret!" Tumawa itong malakas para asarin ako. Wala na ata siyang ginawa kung hindi ay asarin ako.
Napairap na ako at inunahan na ulit siyang maglakad. Wala naman akong napapala dito.
"Tinatanong ko kasi kung may ga---"
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...