067

536 23 3
                                    

September 22, 2019

- NW: Ako Nalang Sana by Mark Carpio

"Wag mo akong iwasan." Natigil ako sa paglalakad.

Hinayaan kong hawakan niya ako sa wrist pero hindi ako papayag na humarap sa kaniya.

Lumabas ako ng bahay nila Seungmin to get some fresh air pero mukhang mas masasakal ako sa hangin na nakapalibot sa akin ngayon.

"Riley, di uusad yung storya kung iiwas ka lang ng iiwas. Tatakbuhan mo nalang ba lahat?"

Humarap na ako sa kaniya at kasabay non ang paghatak ng braso ko sa kaniya. Tumingin muna ako sa paligid. Dahil birthday ni Seungmin, buo ang barkada kaya doble ingat. Baka this time, may makahuli na talaga sa amin.

"Ano bang gusto mong marinig, Jisung?" I said, more like a plead na parang sinasabing ayoko nang pag-usapan yon.

"I'm sorry." Unang kataga niya pa lang pero alam ko na ang buong sasabihin niya.

"I'm sorry kasi lasing ka non at di mo sinasadya? Di ko aakalaing maalala mo yon pero dahil ayan na eh, nag-iiwasan na. Parehas tayong nakainom non kaya kalimutan nalang natin. Kunyari, walang nangyari." Inunahan ko na siya. Iyon naman talaga sasabihin niya diba?

Kahit first at second kiss ko siya, hindi pa rin magbabago na ayoko sa kaniya at hindi ko siya gusto.

Masakit nga na nakita ko sila Hyunjin at Ara non pero sila naman eh, kaya walang malisya. Pero yung dalawang beses na dumikit ang labi ko kay Jisung, mali eh.

Para na akong nagtataksil kay Avery at parehas lang naming niloloko ang sarili namin. Kasi alam ko, kinasusuklaman pa rin namin ang isa't-isa kahit na umayos ang lahat.

"Hindi ayon." Mabagal na sagot ni Jisung kaya nagtaka ako.

"Eh anong gusto mong gawin ko?" Kunot noong tanong ko naman.

His mouth opened and closed. Parang may gusto siyang sabihin pero ayaw niyang ilabas o hindi niya maform into words ang nasa isip niya.

Hanggang sa he said, "Wala." As his final conclusion.

I massage the bridge of my nose kasi nastress ako sa sagot niya. Nababaliw ako kasi siya tong nagsabing mag-usap kami para magkaayos pero parang mas naguguluhan lang ako.

"Alam mo, kung wala kang magandang isasagot sa akin, aalis na ako." I was about to turn my back pero hinarangan niya ang dapat na dadaanan ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Jisung nakakagago na. Ano bang mahirap kung kakalimutan natin yon? Halik lang yon okay? Wala naman talagang may gusto sa atin non so wag na natin ibig deal. Please lang."

"Baka para sayo madali lang yon." Sagot niya habang nakatingin diretsyo sa mata ko. Nagulat ako kasi hindi ko talaga inakala yung sagot niya.

"Edi anong gusto mong gawin ko?!" Napalakas boses ko so I crossed my fingers na hindi nila narinig.

"Kakalimutan tanga. Jinojoke lang kita sobrang seryoso mo." Nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

I was lost, hindi ko alam kung anong nangyari. He tried to ease the mood ata or hindi niya lang ata nakayanan magseryoso kaya hinampas ko siya.

Ugh! Wala talaga kaming matinong usapan! Akala ko pa naman magseseryoso kaming dalawa!

Mas nagulat pa ako nang pinat niya ang ulo ko. "Wag mo na akong iwasan. Di bagay magdrama sa ating dalawa. Nakagraduate ka na sa iwasan natin diba?"

Inis kong inalis yung kamay niya sa ulo ko at sinamaan siya ng tingin. "Alam mo, hindi mo alam kung anong hirap kong iwasan ka lalo na't nasa iisang bahay lang tayo tapos tatawanan mo lang sitwasyon? Bahala ka na talaga diyan!"

Aalis na talaga ako, ready na akong tumakbo papasok sa loob pero storya ko ata to, kaya pinigilan agad ako ni Jisung.

"Saglit lang, magseseryoso na ako promise. Sorry lang talaga dahil dun sa ano, basta alam mo na yon!" Kamot batok na sabi niya sa akin.

Napailing nalang ako. "Alam mo, hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa inaasta mo! Parang di big deal na kinuha mo first kiss ko ha!"

"Oh saglit, babalik ko." Napahakbang ako patalikod at tinakpan ang labi ko nang lumapit siya sa akin.

Natawa tuloy siya sa reaksyon ko kaya sinipa ko siya sa paa para matigil siya. Argh! Naiinis na talaga ako!

"Bwisit ka talaga! Basta kalimutan mo nalang yon para naman hindi na awkward! Baka malaman pa ni Tita yun, malalagot ka talaga sa akin!" Bulyaw ko na sa kaniya.

"Oo na, oo na. Parang napakadali naman kasi ng pinapagawa mo. Pano ba yan, pag ngumunguso ako ikaw nalang naalala ko." Asar niya pa kaya pinaghahampas ko na siya ng malakas. Alam niya talaga kung anong makakaasar sa akin!

"Kung hindi mo kasi ako hinalikan, edi punyeta hindi tayo ganito." Sumbat ko naman.

"Ibabalik ko na nga aarte pa--- AHHHHH!!!" piningot ko siya sa tenga para naman matigil na siya sa kahibangan niya.

"Sorry na sorry na, di na nga. Joke lang naman eh, joke lang. Punyeta Riley masakit na!!!" Mangiyak-ngiyak na sigaw niya bago ko siya bitawan. Edi ngiting tagumpay ako.

"Bawi ko na yan. Basta wag na wag mo lang papaalala at ipang-aasar yung nangyari! Kakalimutan nga diba?" Bilin ko pa para matapos na kami. Feeling ko kasi nakakahalata na sila sa loob.

Hinimas niya yung tenga niyang namumula na ata saka ako sinamaan ng tingin. "Oo na amputa, kinilig ka naman masyado sa kiss damang dama ko feedback mo ha."

"Han Jisung!" Inis kong sigaw kaya tinawanan niya ako.

Tinaas niya ang pinky finger niya and parang batang sinabing, "Kakalimutan natin yon kaya hindi ka na iiwas."

Inikot ko muna ang mata ko sa kaniya pero sinukbit din ang pinky finger ko sa pinky finger niya.

"Oo na, oo na." I answered kaya napangiti siya.

"And!" Pahabol ko pa kaya kumunot noo niya. "Wag na wag na wag malalaman to ng mga kaibigan natin kahit kailan, lalong lalo na si Avery."

Una hindi niya nagets kung bakit naspecial mention ko si Avery pero biglang nagbago ang expression niya sabay tango.

"Hindi ka manhid, alam kong alam mo kung anong nararamdaman niya." I seriously said without breaking the pinky swear.

"Sa ating dalawa lang yon, di ko naman ipagkakalat na ako first kiss m--- joke lang hehehehe." Bago pa niya matapos yung sasabihin niya, sinamaan ko na siya ng tingin kaya binawi niya agad.

"Hoy! Anong ginawa niyo diyan!" Napahiwalay agad kaming dalawa ni Jisung nang may gumulat sa amin.

May eyes went wide nang makita kung sino yon. Nagkatinginan pa kami ni Jisung at parang nagtuturuan kung sinong magsasalita.

"Uy Avery!" Awkward na sabi ko sabay kaway pa. Putek Riley, napakatanga mo talaga!

"Kanina ka pa diyan? May narinig ka ba?" Mabilis na tanong ni Jisung?

Kunot noong umiling si Ave sa amin. "Kakarating ko lang, magpapahangin sana kasi nagsuka si Jeongin sa loob ang baho."

"Ahhh..." We sighed in Relief.

"May kailangan ba akong malaman?" Naguguluhang dugtong ni Avery kaya bigla akong nataranta.

And being the tanga, I said the words na unang pumasok sa isip ko. "I SET YOU UP NG DATE WITH JISUNG!"

"ANO?" Chorus na sagot nilang dalawa.

Patay ka Riley Jung! Ano nanaman bang pinasok mo?!

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon