111

465 26 12
                                    

"Ang baboy mo!"

Nagtawanan kaming lahat sa sinigaw ni Seungmin kay Kuya Minho. My phone clock ticked 1:00 am at hindi pa rin kami tapos sa nilalaro namin.

Paano ba naman kasi, bawat may ibababang daliri ay may kwentong kasama kahit na hindi naman hinihingi. At least, may kaakibat na kwento ang bawat kalokohan nila.

Parang hindi na nga kailangan ng truth or dare dahil nakekwento na rin naman nila lahat ng kalokohan sa buhay.

Napatingin ako sa mga daliri naming lahat. Ako, si Jisung, si Felix, si Avery ay isa nalang ang daliring natitira. Habang lahat ng magjojowa sa tropa, namely, Kuya Chan and Ate Max, Kuya Woojin and Ate Helena tapos Hyunjin at Ara, ay tig dadalawa naman.

Kami-kami nalang ang may kaunting daliri slash lives dahil ang dami naming kalokohan sa buhay. Ang pinakamarami pa ay si Ate Cali, anim pa yung kaniya. Minsan lang rin kasi magligalig kaya wala masyadong maibaba.

"Ako na!" Sigaw ni Kuya Changbin. "Targetin natin tong mga magjojowa, para hashtag, Singles still winning."

"Madaya!" Ang sabay-sabay na sigaw nung anim, ay lima lang pala kaai inirapan lang siya ni Ara.

At kung ako pala tatanungin niyo, behave lang si Ara habang naglalaro. Syempre may mga reaksyon pero mostly ay hindi naman ramdam ang presensya niya. Ay joke ang sama pala pakinggan non, basta hindi naman siya umeeksena masyado.

"Yung mga isa nalang daliri itarget mo!" Huling pagmamakaawa pa ni Ate Max pero parang walang naririnig itong si Kuya Changbin.

Lahat kami natatawa sa buong pagmamakaawa ng mgajojowa. Sobrang ingay namin na baka nga hindi nila alam kung anong oras na.

"Eto na!" Pasuspense pa ni Kuya. "Never have I ever..."

Wala pa nga ay nagkontra na agad sila. Sobrang chaotic at puro tawa ang ambag namin. Syempre tamang pakikinig lang.

"NEVER HAVE I EVER KISSED SOMEONE ON THIS CIRCLE!"

Tumigil ang paligid. Ay mali, ako lang pala ang natigilan. Nabingi ako at hindi ko na naririnig kung ano man ang nangyayari sa paligid ko.

Unti-unting tumigil ang pagtawa ko kasabay ng paghawi ng ngiti sa mukha ko. Parang wala akong naintindihan bigla.

Sinisigawan nila Kuya Chan si Kuya Changbin habang hinahabol at sa bibig ay parang nagsasabing madaya ito. Nagbaba ang anim ng isang daliri at sila lang iyon.

Pero wala na akong ibang binigyan ng pansin. Parang bumagal ang takbo ng oras habang hinahanap ng mata ko ang isang tao.

At tumigil iyon sa taong katapat ng inuupuan ko. He's also looking at me. His eyes full of worry, na para bang nagsasalita ito at nagsasabing ano ang gagawin namin parehas.

Alam naming patama lang iyon sa magjojowa. Ang hindi nila alam, natamaan rin kami ni Jisung doon, kahit na hindi naman kami.

Dahil hindi kami KJ, we slowly put down our finger together. That's the last life we had, and clearly, we are the losers of the game.

The circle became quiet. Natigil sa habulan si Kuya Chan at Kuya Changbin. Napadulas pa nga sila parehas sa gulat. Legit na tumahimik sila at hindi makapaniwalang tumingin sa aming dalawa ni Jisung.

I could sense they want to call us pero walang nagsasalita. One thing is loud and clear, the beating of my heart. Beat after beat with butterflies na kasama. Nababaliw na ata ako.

"Uh oh..." Naomi reacted on what's going on.

"Mukhang iba ang natarget mo Kuya." Chaebin shocked reply din.

Nagtitigan lang kaming lahat doon until I closed my eyes and hid my face with my hands. Gosh this is frustrating! I vowed to myself na that, no mali it should be those, those scenarios should not be told by anyone.

Pero what the fuck, ano tong araw na to? Nananadya po ba talaga kayo universe?

Nabalik kaming lahat sa katotohanan nang pumalakpak si Kuya Minho. "Mukhang may talo na tayo!" Sigaw pa nito.

They all cheered and those cheers are the doom of me. Mukhang mahabang explanations ang mangyayari.

"Truth or dare!" Simulang cheer ni Chaebin at sinabayan nilang lahat.

Napatingin ulit ako kay Jisung and his face is flushed red, mukhang nagulat rin siya sa mga nangyayari.

Yung feeling na dapat siya yung nag-iingay ngayon, nangunguna sa pang-aasar at nanggugulo, napunta siya sa hot seat bigla. Naging tahimik ang isang Han Jisung!

Please wake me up, sana panaginip nalang yung nangyayari ngayon, oh god.

"Oh game na!" Hyunjin stopped them from cheers. "Tanungin niyo na yan kung truth or dare!"

The circle became small. Inusog nila ang logs para magkadikit-dikit kami. Felix left the seat beside me, kahit na nagmakaawa akong wag siya umalis, para magpalit sila ni Jisung. Now is the moment of truth.

"Truth or dare?" Kuya Woojin asked us.

"Si Riley noona muna!" Jeongin squealed like a child na excited makinig ng fairytale para makatulog.

"Bat ako?" I defended.

"Hindi ka paniki, anong pinagsasasabi mo diyan?" Asar ni Avery. Na para bang wala lang sa kaniya itong nangyayari eh sa kaniya niya ako hiyang-hiya. I am the worst friend ever! I swear I can be crowned by that title.

"Ayan basag, ikaw na mauna. Ladies first kasi." Pagpupumilit naman ni Ate Max.

"Oh Riley, truth or dare raw!" Pagpupumilit naman ni Ate Helena.

I heaved a sighed. "Dare." I answered.

Feeling ko kasi mas safe ako roon. Pag sinabi ko kasing truth ay baka tanungin nila kung sino kahit naman na obvious na, need pa rin nila ng confirmation.

"I dare you na sabihin kung sino sa circle na ito ang hinalikan mo." Seungmin demanded.

Sinamaan ko siya ng tingin, putek bat ba ang taba ng utak nito? Walang tigil katalinuhan, sana mabawasan siya ng brain cells.

"Bilis, I am curious." Asar pa ni Kuya Minho.

"Si Jisung." I declared kaya naghiyawan sila. Sobrang lakas non, parang alarm. Pinagtutulak pa nila kami sa isa't-isa na parang mga batang naghaharutan.

"Hep hep hep!" Chae stopped them from the party. "Di pa tapos!"

"Si Jisung naman!" Felix pointed at the guys who's beside me. Sobrang tahimik niya talaga at pulang-pula, ewan ko kung sa hiya ba or frustrations din.

"Kailan yon?" Tanong agad ni Seungmin at parang mga tangang nagsitanguan naman ang mga kaibigan namin.

"Peer pressure kayo papapulis ko kayo!" Jisung jokingly said. "Wala man lang tanong kung truth or dare."

"Ayon rin naman yung tanong, either way kaya pakisagot nalang." Seungmin added kaya walang takas itong isa.

I hid myself with my hands from embarrassment bago pa sumagot si Jisung.

"Nung birthday ni Changbin hyung." Panimula nito. "Umalis kami ni Hyunjin non tapos sinundan kami ni Riley. I kissed her don at saka non. Ayon lang yon!"

"Uh? It's not kaya." Napatingin kami kay Ate Cali nang magsalita ito. She's looking at us nonchalantly pero halata namang she's just containing the excitement.

She smiled and the next words na lumabas sa bibig niya clearly shocked me, big time!

"It's not one time lang naman diba?"

---
Oopppsss cut ko muna riyan hehehehe, mamaya ulit ;))))

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon