041

498 21 3
                                    

"Uy Riley!"

Napatigil ako sa paglalakad papasok ng university nang may tumawag sa akin. Nagulat nalang ako, nasa tabi ko sa si Seungmin.

"Good morning!" Sabi niya habang ngiting ngiti.

I smiled back. "Good morning!"

"Sabay na tayo pumasok, may sasabihin ako." Tumango lang ako kahit medyo naintriga ako sa sasabihin niya.

"Ano palang agenda natin mamaya?" Tanong ko nalang.

Nakapasok na kaming university. Medyo maaga pa naman kaya maraming students na naglilibot o nag-aantay sa grounds.

"Ahhh... ayun na nga." Kamot batok niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bawal ka mamaya?"

Dahan-dahan siyang tumango. "Oo eh. Bukas na kasi yung first week concert kaya kailangan talaga kami ngayon, wala akong takas."

"Uy okay lang. Magpapasama nalang ako kila Avery." Assure ko sa kaniya. Mamaya kasi maguilty siya na iwan ako mag-isa. Kaya ko naman na talaga sa simula palang.

"Hindi pwede. Ayoko na silang abalahin dahil sa akin naman talaga inutos na bantayan ka." Sagot niya naman.

"Okay lang talaga. Hindi naman sila naaabala." Tinap ko pa si Seungmin para naman gumaan loob niya.

"Hindi nga talaga pwede. May tao na kasi akong sinabing bantayan ka ngayong araw." Pagkasabi niya non, natigil ako sa paglalakad kaya tumigil din si Seungmin.

"Sino?" Taas kilay kong tanong.

Ngumiti siya sa akin. "Si Jisung muna magbabantay sayo."

"ANO?!" hindi ko namalayang napasigaw na pala ako. Parang hindi nagprocess sa utak ko at nabingi ako.

Inilingan naman agad ako ng kasama ko. "Ayaw mo ba? Mukhang close naman kasi kayo kaya akala ko okay lang sayo."

"Hindi kami close okay? Ayoko siyang kasama." Sawang-sawa na ako sa pagmumukha niya.

Sobrang nakakagulat nga at nagkaroon kami ng peaceful mind nung umalis kaming dalawa. First time yon ever kaya hindi na magyayari pa ulit. Baka pag pinagsama na ulit kami, may gulong magaganap. Tapos whole day pa? What a day!

"Eh pano ba yan? Nasabi ko na?" Sinagot ni Seungmin.

Bumuntong hininga ako. "Hindi kasi sa ganon. Hindi niyo ba ramdam na ayaw namin sa isa't-isa? Hindi kami magkakasundo sa isang tingin palang."

"Bakit hindi? Mas nauna naman kayong magkakilala dahil nauna mo siyang nakita sa flower shop. At saka doon ka sa kanila nagtatrabaho diba? Imposibleng hindi kayo close." Pilit pa rin niya.

"Hindi nga. Halos magpatayan na nga kami non diba? Nung tumutulong kayo sa amin, nakita niyo naman na yung irapan namin." Paliwanag ko pa.

"Kahit na, hindi na magbabago yon." Buong desisyong sabi niya. "At saka nasabi ko na kay Chan hyung. Papagalitan nanaman ako non pag pinalitan ko."

Sumimangot ako. "Bakit kasi sa lahat, si Jisung pa?"

"Gusto mo si Hyunjin?" Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.

"Hindi no!" Kontra ko agad.

Hindi naman siya naniwala at tinusok tusok pa ang tagiliran ko para mang-asar. "Weh? Halos tumalon ka nga sa tuwa nung malaman mong magpeperform si Hyunjin."

Umiwas ako ng tingin at naglakad nalang ulit. "Bahala ka na nga diyan."

Mabilis niya akong nasundan. "Hindi pwede si Hyunjin kahit na siya yung mas pinagkakatiwalaan ko. Baka masugod ka ng girlfriend nun ng wala sa oras. "

"Hindi naman kasi si Hyunjin. Kung hindi pwede yung mga babae, nandiyan din naman si Felix. Classmate din naman natin siya." Kontra ko agad.

"Sige ba. Kung handa ka namang mag yeet buong araw." Tawa pa ni Seungmin.

"Mas okay naman yon kaysa kay Jisung. Ang hangin pa naman non. Sobrang nakakaaaar pa." Sagot ko.

"Laki ng galit kay Jisung ha. Ano bang ginawa niya sayo?" Tanong niya pa.

"Marami." Maikling sabi ko.

"Edi mas magandang magsama kayo. Para naman masanay kayo sa isa't-isa. Ilang araw palang kayong magkakilala, may galit na agad kayo." Napairap nalang ako sa sinabi ni Seungmin.

Kahit ano pang gawin niyo, hindi na kami magkakasundo. Ang sarap sanang sabihin niyan kaso baka mahalata na ako masyado.

Tumigil naman si Seungmin kaya napatigil ako. Kunot noo ko siyang tinignan. "Bakit tumigil ka?"

Tinuro niya lang yung harap ko. "Paparating na bantay mo. Wag kayong pasaway ha?" Sagot niya at mabilis na umalis.

Nagkasalubong pa si Jisung at Seungmin sabay apir. Parang pinapasa niya na yung gawain niya dun sa kupal.

Mabilis nalang akong naglakad para hindi maabutan ni Jisung. Hindi ko naman talaga siya kailangan, kaya kong mag-isa.

"Ang pangit naman ng babantayan ko." Napapikit ako sa inis nang maramdmaan ang presensya ni Jisung sa tabi ko.

"Hindi mo naman ako kailangan bantayan. Kaya ko sarili ko." Pabalang kong sabi habang pasimpleng nauuna maglakad sa kaniya para magkalayo kami.

"Ayoko naman talagang samahan ka. Kung wala lang suhol si Seungmin hindi ako papayag." Sagot naman ni Jisung. Tumigil ako sa paglalakad kaya ganon din siya.

"Edi good, aalis na ako. At please lang wag kang sumunod. Baka hindi natin matiis isa't-isa ngayon. Ayoko ng gulo."

Tumalikod na ako para umalis sa harap niya pero nagulat ako kasi bigla niyang hinawakan ang wrist ko para hilain ako.

"Bitaw!" Inis kong sabi dahil lowkey kinakaladkad niya na ako.

"Hindi pwede. Kahit na ayokong samahan ka, magagalit si Seungmin pag hinayaan kita. Siya ang malalagot at hindi ako kaya sasamahan kita sa ayaw at sa gusto mo." Sagot niya naman kaya wala na akong magawa.

This will be a longgggg day!

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon