059

510 26 10
                                    

August 11, 2019

"Hey! Tara na!" Mabilis kaming lumabas ni Ate Cali sa kwarto niya.

Sa bahay kasi nila kami nag-ayos kasama ang mga lalake, kaso kanina pa sila nakaalis at kaming mga babae nalang ang natira.

Pagkarating namin sa baba, dalawang kotse nalang ang natira sa kaninang 6 na kotse. Nakita pa nga namin ang kotse ni Hyunjin na kakaalis lang.

"Oh? Akala ko ba sinasabay ka ni Hyunjin?" Tanong ko kay Avery na halatang irita.

Inikot niya muna ang mga mata niya bago sumagot. "Kasama pala yung chakang girlfriend. Ayoko naman maging third wheel no, sa ganda kong to?"

Hinampas ko siya dahil sa sagot niya pero tinawanan niya lang ako. "At saka ayoko namang maging kasabay ng crush mo. You got dibs na dapat." Dagdag pa nito na inilingan ko lang.

"Tara na, tara na! Nakaalis na sila Lena!" Tawag na ni Ate Max sa amin.

Sumakay na kami ng kotse. Ako, si Avery at si Ate Cali ang sakay ni Ate Max habang si Naomi at Chae naman kay Ate Lena.

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay ng Seo, I mean mansion pala. Si Chae di talaga umuwi sa kanila kahapon para sabay sabay kaming pupunta sa bahay nila.

Tahimik, kami lang kasi yung bisita. Ayaw nila yung maraming tao kahit na ganito kalaki bahay nila.

Sa pool side kami napadpad at nakita namin ang mga lalake na nasa gitna ng pool kung nasaan ang lounge area na puno ng unan.

"Happy birthday to you!" Kanta namin habang eto namang si Kuya Changbin ngiting ngiti.

Naglabas na sila ng mga alak at parang umayaw agad ang sikmura ko. Hindi ako umiinom.

"Wag kang uminom kung ayaw mo." Bulong ni Jisung na kunyari ay dumaan lang sa akin.

Umirap ako. Sinong may sabing di ako iinom? Nandito na eh, at saka matatanda naman na kami. For sure mapapadalas na rin to kaya sasanayin ko na sarili ko.

"Tara never have I ever!" Sigaw ni Chae at naglabas pa ng ibang klaseng alak saka nilagay sa shot glass.

Pipili nalang daw kami sa gitna, kung nasaan ang shot glasses, pag nagawa na namin.

Si Ara naman nasa may isang tabi lang at umirap sa amin. "Lame." Mahinang banggit niya pa pero narinig namin. Halata namang napilitan lang siyang sumama. Oh bat sumama pa diba?

Napatingin tuloy kami kay Ave na nagpatunog ng buto sa kamay. "Pigilan niyo ako, susugod talaga ako."

Mabilis naman siyang napigilan ni Hyunjin. "Babe, kalma. Di ka naman minaldita."

"Babe babe ka diyan, pauwiin mo na nga girlfriend mo!" Irap pa ng bestfriend ko.

Bumuntong hininga nalang si Hyunjin at hinila ang girlfriend palayo sa amin. Tumahimik kami saka napatingin sa isa't-isa.

"Yung never have I ever ko kailan magsisimula?" Inip na sabi ni Chae kaya natauhan kami.

"Ako una! Ako una!" Sigaw naman ni Ate Max.

"Never have I ever, nakipag away na sa gang!" Masayang sigaw niya pa. Mukhang may tama na rin dahil kanina pa sila umiinom, habang ako paunti unti lang.

Mabilis na nagreact ang mga lalake kaya napataas ang kilay ko. They have?

Saktong dumating si Hyunjin at hindi na kasama ang girlfriend. Pinasok na siguro sa loob ng bahay ng Seo para di na manggulo.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon