136

374 23 5
                                    

[ Message ]

Hanjiji <3

Dito na ako
8:00 pm

Ha? Ngayon palang labas mo from last class diba?
8:01 pm

Walang prof kaya maaga kami pinalabas
8:05 pm

Ah okay, okay
8:05 pm

Papaalam lang ako kila Ave
8:05 pm

Bilisan mo
8:07 pm

Hmph demanding ampucha
8:07 pm

Saan ka ba? Lalabas na ako ng entrance
8:07 pm

Nasa car park ako
8:08 pm

Wtf nagsasayang kang pera!
8:09 pm

Magsusundo ka lang hindi naman tayo magsstay ng YWTC bakit ka pa nagbayad ng parking?
8:10 pm

Nandito na ako, wag ka na magreklamo
8:11 pm

Tanga, sayang kasi yung parking space at pera mo diba
8:12 pm

Hindi ka talaga nakikinig minsan eh no
8:12 pm

Anong floor ka?
8:12 pm

4t floor parking
8:14 pm

Okay, nasa elevator na ko
8:14 pm

---

Inis kong nilagay sa bag ko ang phone ko. Nakakairita naman kasi talaga, sana nag-intay nalang si Jisung sa may entrance kasi pwede naman ako ang pumunta.

Sa pagkakaalam ko ay hindi naman magsasayang ng oras si Jisung magdrive paakyat at maghanap ng parking para lang bumaba at magbayad sa ilang minutes na stay doon.

Ang weird niya pa kasi parang wala siya sa sarili niya. Si Jisung na alam ko, laging may ingat ka at I love you sa dulo ng messages niya. Mukhang bad trip siya sa last class niya ah.

Pagtanaw ko sa 4th floor parking, walang ilaw sa bungad. Sira siguro ang ilaw kaya madilim sa parking floor na yon. Hays, ireklamo ko kaya to.

Nilakasan ko ang loob ko at lumabas ng parking. Napaawang ang bibig ko nang makitang wala naman ni isang kotse doon. Kahit madilim, mapapansin mo naman yon.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Shit, sabi na may mali!

Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis na tumakbo papasok ulit ng mall pero huli na ang lahat, may humawak sa braso ko at hinila ako papalapit sa kaniya.

Sumigaw agad ako para manghingi ng tulog pero natakpan na niya ng panyo ang bibig ko. I tried shouting kahit na muffled sounds lang naman ang naririnig.

Until everything became black.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon