Malakas na binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. Naikot ko ang mata ko nang makitang sobrang kalat ng room niya.
Kwarto ba talaga to o dump site?
Inis niya naman akong tinignan mula sa computer niya. Naglalaro ata kasi siya. "Ano nanaman ba?"
"Ano nanaman bang sinabi mo sa mga kaibigan mo?" Kunot noong tanong ko.
Tuluyan na akong pumasok ng kwarto binagsak ko yung kumot niya kasama ang ilang damit na nasa taas ng bed niya. Saka ako humiga doon.
In fairness kahit madumi kwarto niya mabango bed niya. Si Tita siguro nagpapalit ng mga punda nito. Tsk.
Inikot niya ang swivel chair niya paharap sa akin. Kunot noo niya rin akong tinignan. "Anong sinabi ko sa kanila?"
Pinakita ko ang phone ko kung nasaan may friend request ang mga kaibigan niya. Naningkit ang mga mata niya para lang makita. Duh, malayo ang inuupuan niya mula sa computer hanggang sa bed niya na hinihigaan ko. Hindi naman ako magsasayang ng pagod para lumapit sa kaniya at pakita lang yon.
"Buong kaibigan mo pa talaga kailangan akong iadd?" Sabi ko pa.
"Ang kapal mo naman. Akala mo sinabing kong iadd ka nila? At saka hindi kaya buong kaibigan ko yan!" Sagot niya naman.
"Duh! Friend ko na si Jeongin so bakit niya pa ako iaadd?" Katwiran ko naman.
"Hindi lang si Jeongin, may isa pa." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
I have enough of them na nga tapos may isa pa. Sana naman hindi ko na siya mameet diba?
"Accept mo na! Ikaw na nga yung swerte kasi inadd ka nila! Once in a lifetime lang yan, di mo na maeexperience." Sabi niya naman at humarap na ulit sa computer para ituloy ang nilalaro niya.
Napaisip naman ako doon. Well, si Jisung lang naman talaga ang walang kwenta sa barkada nila kaya wala namang mawawala kung inaccept ko sila.
At isa pa, baka mamaya may mga kailangan na pala sa school. Halos lahat pa naman sa kanila ay member ng student council habang si Woojin hyung naman ay Guidance Counselor at nagtatake nalang ng masteral.
See? Si Jisung nga lang ang walang kwenta sa kanila.
Then might as well accept them na. Mukha naman silang masaya kasama.
---
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.