"Saan ba tayo pupunta?"
Nagpapahila lang ako kay Naomi at Avery pagkabell. Break time naming tatlo so it's great. Kaya ito ako ngayon, kinakaladkad nila.
"Wait ka lang. Di ba sabi naman namin sayo na may ipapakilala pa kami?" Ngiti ni Naomi.
"Oy ayoko na ng---" di ko pa natatapos ang sinasabi ko, pinutol na ni Avery.
"Don't worry, sawa ka sa boys alam ko. Squad namin, I mean natin na ang ipapakilala ko." Saad pa ng bestfriend ko.
This is another chapter of Riley Jung being pulled by her friends at wala siyang magagawa. Sanay naman na ako, gusto ko rin naman magkaroon ng maraming kaibigan.
"Ate Max!" Sabay na sigaw ng dalawang kasama ko.
Napatingin ako kung saan sila kumakaway at nakita ko ang isang magandang babae na nasa tapat ng SC building.
"Wow, right in time." Tawa nung Ate Max, kung tama ang pagkakarinig ko, pagdating namin.
Napatingin naman siya sa akin at sabay kaming ngumiti. "Looks like you're Riley?"
Nagulat ako sa tanong niya pero tumango rin agad. Wala ring awat na hinila niya ako sa dalawa at niyakap.
"Yiiieee! I have heard so much about you!" She squealed pa. Bumitaw naman siya sa yakap at tumingin ako kay Avery at Naomi na nagshrug lang. Mukhang nakwento na nila ako ah?
"Anong ginagawa niyo dito? Break time niyo na ba?" Lumingon kami sa nagsalita.
Lumapit sa amin si Chan oppa at tumabi agad kay Ate Max. Humalik pa ito sa pisngi nito sa mismong harap namin. Mukhang ito ang nakwento nila sa akin na girlfriend niya. Wow, power couple naman pala.
"Homeroom lang naman for today diba? Wala naman nang gagawin." Sambit ni Avery.
Nanlaki ang mata ko. Ibig sabihin ba nagmeet up lang kami sa rooms namin for attendance at buong day ay wala na kaming gagawin?
"Hintayin niyo announcement." Sagot ni Ate Max sabay wink at nag-apir pa sila ni Chan oppa.
"Harot ha." Parinig naman ni Naomi kaya natawa kami.
"Oh, and forgot to introduce myself." Snap ni Ate Max sa akin sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.
"Since nakwento na sa akin ni Chan na magkakilala na kayo, I'll introduce myself. I am the vice president of SC, Maxine Song. Pleasure to meet you." Pormal na sabi nito at nakipaghand shake ako.
"Riley, Jung Riley." Sabi ko naman kahit na alam niya na ang pangalan ko.
"I know, so let's go!" Bigla niya kaming inakbayang tatlo. Bago pa kami makaalis, tinawag kami ni Chan oppa.
"Saan niyo dadalhin girlfriend ko?" Tanong nito sa amin.
"Sabay na muna kayo ng tropapips mo, Baby! Marami kaming chika for today eh." Nagflying kiss pa si Ate Max sabay talikod ulit.
"Baby girl naman!" Tawag ulit ni Chan oppa pero Ate Max just giggled. Cute nilang dalawa ha, kainggit.
"Bakit hindi niyo kasama si Chae?" Tanong ni Ate Max pagkalayo namin.
"At your service!" Napatalon ako sa gulat nang biglang may sumulpot na babae ang maikling buhok sa harap namin.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong agad ni Naomi.
"Sorry ha, ako lang nahiwalay na block sa inyo." Sabi pa nung babae sabay tingin sa akin.
Ngumiti siya sa akin at biglang kinuha ang kamay ko para maghand shake. "You must be Riley?" Tumango nalang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/184077881-288-k538919.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...