"Kwento ka."
Napatingin ako kay Hyunjin at halatang nagulat siya at nagsalita ako. I giggled, akala niya siguro tulog na ako kasi simula nung sinabihan niya akong matulog na ay hindi na ako nagsalita.
Mostly kasi, pinagdadasal kong walang epekto ang mga paru-paro na umaaligid tuwing nakikita ko si Han Jisung, feeling ko kasi mali.
Tahimik na rin kasi yung coaster, siguro ay natutulog sila. Halatang pagod pa kasi galing sa finals week tapos babiyahe agad the next day. Wala rin silang sapat na tulog non ng one week kakareview for sure. Except nalang sa amin nila Jisung at Seungmin kasi wala naman na kaming finals, pero tinutulungan naman namin sila.
"Kwento ka." I nudged Hyunjin pa nang hindi siya nagsalita. Hanggang sa napatigil ako. "Ay sorry, inaantok ka ba? Sige tulog na lang tayo."
Umiling siya at umayos ng upo. "Hindi okay lang, hindi rin naman ako makatulog." Humarap siya sa akin. "Ano bang kekwento ko?"
Tinaas ko ang cap ko para makita ang mukha ko. Tumingala ako habang hawak ang baba ko para mag-isip.
"Kahit ano, kunyari bakit ganito yung seating arrangement natin ganon."
Natawa siya sa naisip kong topic. Eh sa wala naman akong maisip na iba, ayon nalang.
"Wag mo akong tawanan, Hwang. Bilis na, late naman akong dumating eh." Pagpupumilit ko pa.
"Wow parang hindi rin ako late." Sagot niya naman kaya napasimangot ako.
"Ay pucha oo nga no." I exclaimed kaya natawa siya lalo. Wow, ako talaga laughing stock niya ngayon. I shushed him down naman kasi kami lang yung maingay.
"Ano ba yan, matutulog na nga lang ako, puro ka naman tawa eh." Reklamo ko at maghahanda na sanang pumikit kaso pinigil niya ako. I smiled in victory.
( Paalala ko lang yung seating arrangement nila para magets niyo yung kwentuhan nila Hyunjin at Riley. )
( Plus, sayang effort ko riyan kung di niyo makikita ulit HAHAHAHAHAHA )
Tumikhim muna siya bago nagsimulang magkwento. "Nung dumating ako, nagbubunutan na sila. Mga hayop talaga iiwan na raw dapat ako kasi late na. Nagtext na rin kasi si Jisung non na malelate kayo. Ay oo nga pala, bakit kayo late?"
"Eh kasi, patulog palang ako nung ginising ako ni Jisung, nahooked up kasi ako sa binabasa ko. Kaya ayon, natulog muna ako saglit tapos late na ako nagising. Nagpanic ako kasi anong oras na hanggang sa wala na akong nagawang tama." I explained. "Sobrang thankful ko lang kasi andoon si Jisung non, kasi kung wala siya baka hindi na ako nakakeep up at nagpaiwan nalang."
"Ahhhhh..." Sinamaan ko siya nang tingin kasi may halong pang-aasar yung reaction niya.
"Ang issue mo." Nguso ko pa.
"Hoy wala naman akong sinabi!" Kontra niya naman agad sa akin.
"Edi wow, sige na tuloy mo na yung kwento."
"Edi ayon na nga. Nalaman ko na yung WooChan pala kinuha na yung seat na katapat ng pintuan na hindi nagbubunutan. Ang daya kasi gusto lang nilang magkatabi dinahilan pa nila na sila raw taga-alaga at saka taga tingin kaya nasa harap sila."
Natawa ako. "Edi pati ChangLix hindi niyo rin napigilan?"
Umiling siya. "Hindi. Fate na talaga yung dalawang yon. Kulang na nga lang magpakasal sila eh."
I silent laugh, kung may ganon man, para hindi magising ang mga tao malapit sa amin. Feeling ko kasi ang ingay-ingay namin. Tapos nagkwento na ulit si Hyunjin.
"Tapos sinumbong agad nila sa akin na hindi naman daw nakipagparticipate si Ara sa bunutan. Hindi kasi kami sabay pumunta kasi alam niyang late ako at saka matagal ako mag-ayos. Umupo raw agad sa front seat kasi ang ingay daw natin pagmagkakasama at ayaw niyang maistorbo."
Hindi na ako nagulat don, pero ang nagulat ako ay sa bagay na tinanong ko. "Mahal mo naman talaga si Ara diba?" Pati si Hyunjin nagulat sa tanong ko. "Ay hala sorry, hindi mo naman kailangan sagutin."
Instead of keeping quiet, he beamed at me. "Sobra. Kahit na alam kong ayaw ng tropa sa kaniya, nandiyan pa rin naman siya sa tabi ko. Hindi ko naman siya pinakawalan at saka iniwan."
I could see the smiles ni his eyes. His whole face glowed up. "Kasi alam kong kahit ayaw nila sa kaniya, nirerespeto nila na siya pinili ko. Wala naman daw silang magagawa kung siya nagpapasaya sa akin. Hindi lang talaga nila, namin, tinotolerate pag tinotopak nanaman siya o nag-iinarte. Syempre mas gusto ko rin naman na magbago siya, kaya iniintindi namin siya nang paulit-ulit. Alam kasi nila na hindi ko naman magugustuhan si Ara kung hindi maganda ang ugali niya. Distant lang talaga siya sa ibang tao."
Tumango-tango nalang ako. I could sensed the love sa bawat salitang binitawan ni Hyunjin. Pero ramdam ko, hindi pa kompleto yung kwento, may iniwan siyang parte at hindi ko alam kung ano yon. Hindi naman na ako nagtanong pa.
Pero nagulat ako, walang kirot sa akin habang nagkekwento siya. Hindi kagaya dati na malakas ang epekto kahit pa magkasama lang sila parehas.
Alam ko kasing gusto ko siya. Hindi ko lang alam kung dapat ko bang dagdagan ng "dati" para magtapos ang sentence na yon. Naguguluhan pa ako.
"Ayon lang. Yung WooChan at si Ara lang naman ang hindi nagparticipate. Yung iba bunutan na talaga yan at swertihan. Tapos tayong dalawa yung malas na nasa likod katabi yung tambak na gamit." He finished up the story.
We laughed after. Kahit wala naman nakakatawa, we can't help laughing out loud. Ang hirap pa kasi nagpipigil kami ng tawa para hindi magising ang iba.
Hindi ko namalayan na I yawned, ganon din si Hyunjin. Napatingin kami sa isa't-isa at I think for the last time, we giggled at each other.
"Mukhang inaantok na tayo parehas. Sarado ko na mata ko." Hindi ko alam kung bakit nagpaalam pa akong matutulog na pero so did he.
Inayos ko na ang cap ko pababa para hindi masyadong makita ang mukha ko at inayos ang sarili kong maging komportable sa neck pillow.
"Pwede mong gamitin yung balikat ko pag gusto mo." Pahabol ni Hyunjin sa akin before completly closing my eyes.
"Hindi na, komportable naman yung neck pillow sa akin." I answered and yawned again.
Wala nang nagsalita sa amin, hinayaan naming kunin kami ng tulog. I am sure that I was asleep when someone held my head and guide me on the other side, imbis na sa bintana ako nakasandal.
"Delikado sa bintana, hiramin mo muna balikat ko ha." I know it was Hyunjin pero my body was asleep so I did not answer. Ang blur na rin kasi medyo ng utak ko.
Naramdaman ko nalang ang pagsandal ng ulo ko sa isang balikat kasabay ang paghiga ng ulo niya sa tuktok rin ng ulo ko.
Then I completely fell asleep.
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
أدب الهواة"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...