118

425 26 8
                                    

Now Playing: Nararamdaman
By Better Days

[ I highkey recommend na pakinggan niyo talaga siya habang nagbabasa. It would add up the feels sa chapter na ito. ]

"Anong tipo mo sa babae?"

Napatingin si Jisung sa akin pero hindi ko inalis ang mga tingin ko sa dagat. Bigla nalang rin kasi lumabas sa bibig ko 'yon kaya hindi ko mapanindigan.

"Bakit mo natanong?" Tanong niya.

I shrugged, not leaving my sight from the sea. "Wala lang, dati rin naman tinanong mo sa akin yan ah. Para fair lang ganon."

Mukha namang hindi siya satisfied sa sagot ko but still answered. "Wala. Wala naman akong tipo."

This time, napatingin na ako sa kaniya. My forehead being crinkled. "Pwede ba 'yon! Pang showbiz naman sagot mo eh!"

Tinawanan niya lang ako. "Eh sa wala nga, anong gagawin ko."

Umiling ako at binalik na ang tingin sa dagat. "Impossible. Kunyari ka pa."

"Maganda no?" I added a choice na. Inilingan niya lang naman.

"Matalino?" I asked another one pero same answer ang naibigay sa akin.

"How about sexy?" I squinted my eyes sa kaniya pagkatanong ko.

Natawa nanaman siya. "No, Riley wala nga."

"Pwede ba yon? Paano ka mawawalan ng tipo? Isn't that normal na? Na may tinitignan ka sa tao for first impression?" Pagpupumilit ko pa.

"Sira, hindi naman lahat ng tao ganon. Gago ang pagmamahal, tatamaan ka nalang bigla kahit hindi mo type o hindi mo ginusto."

I pouted in defeat. "I still want an answer though."

"Pagsinabi ko bang ikaw, titigil ka na?"

There. Natigilan nga ako. Ang bobo, sarili kong kagagahan nabalik sa akin. Pinilit-pilit ko pa kasi! Napakatanga.

"Oh diba tumigil ka rin." Natawa nanaman siya.

Umirap na ako, knowing na baka nagbibiro lang siya. "Ako talaga source of happiness mo eh no?" I sarcastically said.

"Oo." Sagot niya kaya nagulat ako. "Sarap mo kayang asarin."

Ayon, yun lang yon. Asaran pala gusto nito kaya hinampas ko siya ng malakas. Gago ka, badtrip na ako sayo.

"Pero madaya 'yon, hindi naman totoo yung sinagot mo sa tipo mo." Pagbabalik ko nalang sa topic

"Sinong nagsabing hindi totoo?" He whispered, murmurs nga lang narinig ko.

Hindi ko na tinanong kung ano man ang sinabi niya. Nanahimik nalang ako kasi baka mamaya mabaliktad niya ulit yung sitwasyon at asarin nanaman ako.

Diyan, diyan lang siya magaling bwisit siya.

"What would you do if I told you I love you?"

"What?" I asked paglingon sa kaniya. Nakatingin lang siya sa dagat but I know he was talking to me dahil ako lang naman ang kasama niya.

"Ako naman nagtanong at kailangan mo rin sumagot." He answered still not looking at me.

"Ano muna yung tinanong mo?"

Hindi niya ako sinagot kahit na nag-intay pa ako ng ilang segundo. Nangmapansin na wala naman siyang balak ulitin ang sinabi niya, I shrugged. Narinig ko naman talaga yun, gusto ko lang paulit para masigurado kung tama ang nadinig ko.

"Bahala ka hindi ko sasagutin yan." I declared.

Tahimik na ulit. Hindi niya na ako sinagot talaga. Medyo lumiliwanag na rin pero hindi pa nakikita masyado ang araw, kaya nakafocus lang ako sa scenery hanggang sa nagsalita siya.

"Riley," he paused while I look at him waiting for him to speak again.

"I love you."

I was taken aback. I blinked. One time. Two times. Three. Hanggang sa hindi ko na mabilang. He looked so serious at hindi nagbago ang expression niya.

Hindi ko alam ang gagawin. Sobrang nagulat ako sa biglaang sinabi niya. Hindi ko naman inaasahan na tototohanin niya ang tinanong niya sa akin kahit na hindi ako sumagot.

And, I was asking myself to feel if those three words were really true or not.

Nabalik lang ako sa katotohanan when he suddenly laugh. Sobrang lakas non, na para bang halos mahimatay na siya sa kakatawa niya.

"Ah sabi ko nga magugulat ka." He said in between those laughs. Tawang-tawa kasi naasar at nabigla niya ako roon.

My cheeks became hot. Putangina talaga ni Han Jisung, mapang-asar. Sa sobrang inis ko, pinaghahampas ko siya bonggang bongga. Parang wala lang naman sa kaniya iyon at nanatili pa ring tumatawa.

Tinignan ko lang siya habang tumatawa. The sun in our background slowly rising, but I was staring at the sun next to me, laughing like there is no tomorrow.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya, he was mesmerizing to watch, more than the sun rising. How his giggles are so pure and genuine, kahit na galing iyon sa pag-aasar sa akin ay okay lang. Makita ko lang siya tumawa ng ganito.

It's also rare to see him laugh like this. Kasi siya naman talaga ang pinaka funny sa barkada at ang source ng happiness kaya kami ang laging napapatawa niya. He is the happy pill of the squad, which means he is also my happy pill.

I held my chest. My heart beating faster than usual. Gustong kumawala sa sobrang lakas ng kabog. Beat after beat at palakas iyon ng palakas everytime

Kanina pa tong puso ko, I just acted na wala lang ito. But seriously, nararamdaman ko siyang tumitibok ng ganito each time I'm with Jisung.

Nararamdmaan ko but hindi ko alam kung tama ba iyon. Na may dahilan ba para tumibok siya ng ganon. Na normal lang ba to pag kasama ko siya.

Kasi nararamdaman ko na ito noong bata palang kami. Nararamdaman ko na siya the moment Tita Jean told me that Jisung saved me from those bullies I called friends nung nilagay nila ang answer key the bag ko.

Alam ko na iyon noong pinatawag palang siya ng office. Pero sinabi ni tita na itago ko sa kaniyang alam ko. Alam ko lahat ng pagtatangggol niya sa akin since I was a child.

I knew it since then, na wala naman talaga siyang kasalanan sa akin. Since day one to be exact.

I was young, a child even, pero may isip na ako. Naiintindihan ko lahat ng nangyayari sa paligid ko. Ayoko lang tanggapin iyon.

Kaya nagalit ako sa sarili ko and said na hindi ko siya deserve maging kaibigan. Kaya inaaway ko siya, kaya lumalayo ako. Kaya mas kinakampihan ko pa rin ang mga kaibigan kong binubully lang naman ako sa likod ko. Kasi hindi ko deserve na gusto niya pa rin na nandito siya sa tabi ko kahit na pilit ko siyang pinagtatabuyan sa buhay ko.

I hate the fact na lagi niya akong nililigtas kahit na masama ako sa kaniyang tao. I hate the fact that he would still take the blame kahit na wala naman siyang kasalanan. I hate the fact na alam ko ang totoo pero ginawa ko pa rin iyon sa kaniya. I hate the fact na I isolated myself from him kaysa iparamdam sa kaniya na sobrang thankful ko sa kaniya. I hate the fact na I put him all the blame kahit na ako naman talaga ang may mali at may kasalanan.

Pero what I hate the most is that my heart would still beat for him everytime since I was young. Nararamdaman ko...

I always do.

I just hate the fact that I do.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon