076

428 21 1
                                    

Nag-unat ako pagkasarado ko ng libro ko. Minasahe ko pa ang batok ko habang iniikot ang ulo para marelax ito.

Napatingin ako sa relo ko, 10 pm na pala. Inikot ko ang tingin ko sa library, kung nasaan ako ngayon, at marami pa namang tao. Wala nga lang sa may part ko dahil nasa dulo ako at corner na. Medyo madilim na rin kasi dito kaya nagsipuntahan na yung iba sa gitna.

Nag-aya kasi sila Avery, Chaebin at Naomi na mag-group study since libre na ni Chae ang snacks namin. Mag-isa nalang ako ngayon dahil kanina pa naman sila umalis at nagpaiwan lang ako. Ang hassle kasi pag naglipat ulit ako ng gamit, nakakawala ng focus.

Nakaramdam ako ng taong papalapit sa akin kaya napatingin ako sa likod ko. Wala namang tao pagkatalikod ko. Weird, nakaramdam talaga ako ng footsteps papalapit sa akin.

Nagshrug nalang ako at nagmadaling ayusin ang mga gamit ko. Parang may nakatingin kasi sa akin, alam mo yung ganoong feeling. Hindi ko alam kung dahil lang sa sakit ng ulo ko kakareview kaya naghahallucinate lang ako o ano.

Minabuti ko nang umalis agad. Habang pababa ako ng hagdan papunta sa pag-tap ng in and out sa library, nakakaramdam ako ng taong sumusunod sa akin. Hindi na ako lumingon at nagmadali nalang sa paglalakad.

Bago ko pa matap yung ID ko ay may kumalabit sa akin. Instinct na ata, hinamapas ko yon pagharap ko sa kaniya.

"Shit." Hawak niya sa ulo niya. Mabigat yung librong pinaghampas ko kasi hardbound iyon.

Lalaki siya at medyo maliit. Ayon lang ang napansin ko sa kaniya dahil habang hindi pa siya nakakrecover, itatap ko na sana ulit ang ID ko para makaalis na.

Sure akong di ko siya kilala, sa boses palang. At saka gabi na, mas mabuti yung keeping safe ako at umalis na dahil walang taong dumadaan.

Bago pa dumikit ang ID ko sa tap, nahawakan niya na ang wrist ko. Handa na sana ulit akong hampasin siya nang magsalita ito.

"Wait, wait, masakit yung hampas mo magtatanong lang ako." Pigil niya sa braso kong nakataas.

Nakita ko namang sincere ang mata niya kaya binababa ko na ang kamay ko. "Sorry, paranoid lang. May sumusunod kasi sa akin kanina pagbaba ko ng hagdan kaya akala ko kung ano na."

Siningkitan niya ako ng mata. "Sumusunod? Galing akong ground floor ng library kaya sigurado akong di ako yon." Taas niya pa ng dalawang kamay niya.

"Sorry ulit, baka naghahallucinate lang ako." Bow ko pa.

"Okay lang, kasalanan ko rin naman kasi bigla nalang kitang kinalabit. Yoo Kihyun nga pala, para di na ko stranger kung sakali." Tawa niya pa at nag-abot ng kamay.

Di ko naman tinanong. Ang dapat isasagot ko kaso pinigilan ko nalang ang sarili ko.

Tinignan ko lang yon at hindi kinuha para makipag-shake hands. Napukaw kasi ng atensyon ko yung ID Lace niya.

"Hindi ka sa JYP nag-aaral?" Tanong ko. Nakacivillian kasi siya kaya sa ID Lace ako napatingin. Monday, Wednesday at Friday ay dapat nakauniform ang college sa JYP kaya nagtaka agad ako sa suot niya.

Napansin niya ring wala akong balak kunin ang kamay niya kaya binaba niya ito at tumingin sa damit niya. "Ah, sa Starship University ako nag-aaral." Sagot niya naman.

"Out of way ang library na to don ah? Umabot ka pa dito kahit na may mas malapit na library sa university niyo?" Curious na tanong ko. Alam ko kasi may malalapit na library talaga kada university tapos dadayo pa siya dito?

Napakamot siya sa batok. "Ah... wala kasi yung libro na kailangan ko don. Sakto nag-aya yung kaibigan ko meron daw dito. Iniwan naman ako."

Napatingin pa siya sa lapag sa hiya at hesitant na magsabi kung ano ang isusunod. "Alam mo ba kung saan pabalik sa Starship University? Di ko kasi talaga alam daan dito." Dugtong niya.

"Magpapaturo ka ba ng daan? Sorry di ko alam. Alis na ako, baka di ko na maabutan yung last bus." Lie. Ayoko lang sumama dito since di ko siya kilala at gabi na.

Kahit pa mukha siyang decent, better careful nalang diba? At saka kasi kakaiba feeling ko sa lalaking to, kahit na cute siya nako di ako madadaan sa kacutan.

Ehem, exempted si Hwang Hyunjin syempre. Char, ang harot.

"Ganon ba? Sama nalang ako sayo sa bus stop, siguro naman may mapagtatanungan ako don." Pagpumilit niya pa.

Nafefeel ko namang hindi talaga siya makauwi pero kasi, alam mo yon. Turo ko nalang kaya sa kaniya yung bus stop?

"Ay naalala ko pala, may bibilhin pa ako on the way baka maabala ka. Turo ko nalang sayo yung bus sto---"

"Samahan na kita. Libre na rin kita on the way kasi naabala pa kita." Putol niya pa.

Ang kulit ng dugo nito eh no, di niya ba nararamdaman na ayoko nga siyang kasama kasi gabi na. Punyemas, I am trying to act so nice pero grabe nakakaubos ng pasensya to.

"Riley!"

Di na ako nakasagot nang may tumawag sa akin. Napalingon ako and to my shock, nakita ko si Hwang Hyunjin na tumatakbo papalapit sa akin.

Bumilis tibok ng puso ko kada hakbang niya papunta sa pwesto ko. Ayon nanaman yung slow mo kada nakikita ko siya, di na healthy!

Di ko namalayan na nandito na pala siya sa tabi ko. Tumingin muna siya sa lalaking kasama ko saka binalik ang tingin sa akin.

Nginitian niya ako kaya literal na parang matutunaw na ako. "Babe, kanina pa kita inaantay sa labas. Ang tagal mo akala ko tinakbuhan mo na ako."

I was taken aback. Ghorl, tinawag niya akong babe. BABE! Punyeta balak ata akong patayin ng lalaking to, lord give me strength.

"May boyfriend ka na pala sana sinabi mo sa akin." Napatingin ako kay, Kihyun? Ayon ata ang sinabing pangalan niya.

Tatanggi palang ako nang itago ako ni Hyunjin sa likod niya. "Layuan mo girlfriend ko." Asik pa nito.

Hindi na ako nag-abalang kilingin nang tawagin akong girlfriend ni Hyunjin. That explains yung Babe niya kanina. Ang lamig kasi nung aura nilang dalawa, katakot.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngisi nitong Kihyun sabay akto na parang surrender. "Chill, di ko aagawin girlfriend mo. Nagpapaturo lang ako kung saan daan pabalik ng Starship."

Nakitang kong umirap si Hyunjin. "Magtanong ka sa iba, hindi namin alam kung saan."

Hihilain na sana ako ni Hyunjin paalis nang magsalita ulit itong isa. "Ingat kayo... Hyunjin."

Napatigil kami. Tinignan ko silang dalawa. Ngumiti si Kihyun habang masama ang tingin ni Hyunjin.

"M-magkakilala kayo?" Kusang lumabas sa bibig ko iyan.

Mas lumawak naman ang ngiti ni Kihyun habang mas tumalim ang cold stare ni Hyunjin. Nakakakilabot, ito ang unang beses na nakita ko siyang ganiyan.

Shet ka Riley, anong kdrama tong pinasok mo.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon