013

533 18 0
                                    

"Ugh!"

Inis kong binato ang isang unan sa kung saan dahil sa irita. Ayaw pa ring mag sink in sa utak ko na titira ako sa iisang bahay kasama ang isang Han Jisung. Kung mamalasin ka nga naman diba?

Bumangon ako sa pagkakahiga at nilibot ang tingin sa kwarto ko. Nakakalat pa ang mga damit ko mula sa bukas na maleta dahil kumuha ako ng damit kanina. Pero overall, sobrang ayos at minimalist tignan ng pinaghalong white and pink furnitures sa buong kwarto. Pinapersonalize pa daw ni Tita para sa akin.

Ang isa sa dalawang guest room kasi nila ay kwarto ko na kaya gusto ko sanang mag-adjust. Matagal kong magiging kwarto to so might as well na sanayin ko ang sarili ko. Hindi pa naman ako makatulog lalo na at hindi ako pamilyar sa lugar.

"Riley?" Nagulat ako nang may kumatok sa pinto. "Tulog ka na ba?"

Napatayo ako sa bed nang marinig na si Tita pala yon, ang Mama ni Jisung. Dali-dali akong pumunta sa pinto at sinalubong si Tita ng ngiti.

"Ayos ka ba diyan?" Bungad ni Tita sa akin.

Tumango naman ako. "Sobra pa po to Tita, thank you po."

Nagulat naman ako nang hawakan ni Tita ang kamay ko pero buti nalang ay hindi niya nahalata. "Gusto rin naman kitang ispoil lalo na at wala akong babaeng anak. At saka binilin ka sa akin ng Mama mo. Kaya habang wala siya, ako muna tatayong magulang sayo."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Tita. Kahit naman ayaw kong kasama anak niya, thankful ako na kasama ko si Tita.

"Opo Ma." Tawa ko pa at ganon din si Tita.

Nag-usap pa kami ng matagal kahit na nakatayo lang kami sa harap ng pinto ng kwarto ko. Di ko nga namalayan na nakatayo pala kaming nauusap.

"O siya, matutulog na ako dahil maaga pa akong mag-oopen ng shop ko. Ikaw rin ha? Sasamahan mo pa ako bukas." Paalam ni Tita.

Naexcite naman ako na pumunta sa flower shop ni Tita. Matagal ng pangarap ni Tita yon kaya gustong gusto kong makita ang kinalabasan. 3 years na rin naman daw yon kaya medyo malaki na. Kaya rin siguro ang gaganda ng mga bulaklak sa bahay nila dahil sa kaniya. Nagpresinta rin akong tumulong kahit bukas at pagnagustuhan ko, baka tumulong na ako don everyday.

"Ay, Riley!" Natigil ako sa pagsarado ng pinto nang tawagin ulit ako.

"Bakit po Tita?" Tanong ko agad.

"Patanong din kay Jisung kung dito siya kakain ng breakfast bukas. Kasi kung hindi, ililibot kita sa mga shops na malapit sa atin at doon na rin tayo kakain."

Natigilan ako sa sinabi ni Tita. "Ano... Tita kasi, wala akong number niya."

Awkward akong ngumiti. Totoo namang wala akong number niya at wala akong balak na kuhanin.

Alam ko namang kaya na itanong ni Tita sa kaniya yon pero ako pinapatanong niya para makapag-usap kami.

"Pero seryoso, namiss kita."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Nawala naman ang so called serious face niya at napalitan ng tawa.

"Namiss kitang asarin. Ang pangit mo pa rin!"

Napairap nalang ako nang maalala ang usap namin kanina. Kung alam lang ni Tita na sumagip siya sa usap namin ni Jisung kanina. Parang tanga naman kasi yung lalakeng yon.

Pero pano na ngayon? Pinapakausap na siya sa akin.

"Riley?" Nabalik ako sa katotohanan. Napatingin ako kay Tita dahil kanina pa pala niya ako kinakausap.

"Friend mo naman siya sa Facebook diba? Pa chat nalang siya." Tatanggi palang sana ako pero nakaalis na si Tita.

Paano ko siya makakausap kung blinock ko siya?!

Ang sarap sanang isigaw niyan kaso mabait pa ako. Guess like iuunblock ko siya ng wala sa oras.

Bumuntong hininga ako pagkasarado ko ng pinto. Nagdadalawang isip pa ng ako pero kinuha ko pa rin ang phone ko para iunblock si Jisung.

Then sinearch ko siya after.

---
Searching for...
🔎 Han Jisung
9+ results
---

Ugh Han Jisung! Pwede bang mawala ka nalang sa buhay ko?

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon