121

405 24 8
                                    

Naglibot lang kami sa Amnam Park which is across the bay. Medyo matagal din kami roon kasi nagpictorial pa sila at sinulit ang view.

After non ay bumalik kami sa coaster para magtravel naman from Songdo to Oryukdo Skywalk naman.

It is horseshoe-shaped skywalk at 35 meters ito above the sea. Sobrang taas niya and nakakatakot pa since glass yung mismong walkway pero believe me, the view is so worth it.

Hindi na namin pinilit pa na bumaba ng coaster si Kuya Minho. Baka kasi atakihin na 'yon sa puso pag dinrag pa namin para tumawid ng skywalk. Hindi namin afford na maospital siya ng wala sa oras dahil lang nahimatay siya sa takot.

I was about to ask Jisung kung bababa pa ba siya pero paglingon ko sa pwesto niya, wala na siya so baka bumaba na.

I shrugged and nag-ayos muna bago bumaba. Medyo windy rin kasi nasa mataas na lugar kami tapos dagat pa ang nakapalibot sa amin.

And to be honest, ito ang spot na pinaka-hinihintay ko sa itinerary namin sa Busan. Kasi nung unang beses kong nakapunta rito noon, I already fell inlove with the view. Malas nga lang non ay saglit lang kami, hindi kagaya ngayon na wala naman kaming oras na hinahabol.

I was the last one na bumaba ng coaster, leaving Kuya Minho na tulog sa coaster. Naghiwa-hiwalay na agad ang mga kaibigan namin at yung iba nga ay nasa mismong skywalk na.

Pero ako, isang tao lang ang hinahanap ko. Si Jisung. I promised him kasi na hahawakan ko ulit ang mga kamay niya to be his guide pagdating namin dito kasi he felt save whenever he's with me pagkinakalaban ang fear of heights niya.

Naglakad na ako papalapit ng mismong skywalk dahil baka nandoon na siya sa at hinihintay nalang rin ako.

As soon as I set my foot sa edge ng glass paapak sa skywalk, nakita ko nga siya.

But he's already with someone else.

Si Avery ang may hawak ng kamay niya at nasa medyo gitna na sila taking pictures. I could see the smiles on both of their faces. Masaya naman sila, halatang nag-eenjoy talaga.

Looks like hindi lang pala sa akin siya nakakaaramdam na ligtas siya. Komportable naman kasi siya sa lahat kaya he can feel safe sa kahit sino sa amin. Naiinis ako because I thought I'm special, akala ko lang pala 'yon.

I sighed. Parang ayoko nang tumuloy. Biglang nawala ang ganda sa view at nakita ko naman na ito. Mas maganda atang samahan nalang si Kuya Minho sa coaster at magpahinga. Tutal ay pagod na rin naman ako.

Just when I was about to move, may naglahad ng kamay sa harap ko. Natigil ako and tinignan kung kaninong kamay iyon.

"Seungmin..." I gasped.

"Tatanggapin mo ba o iiwan mo ang kamay kong mangalay?" He said kahit na hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"What do you mean?" I asked, confused.

Hinarap niya ako. "Kawawa ka kasi, lonely ka."

Napairap ako kasabay ng pagtawa niya. Sabi na nga ba at pumunta lang ito sa tabi ko para mang-asar.

"Seriously Seungmin? Bahala ka na nga sa buhay mo." Iiwan ko na sana siya doon nang hilain niya ako pabalik palapit sa kaniya.

Nagulat ako roon. Pero mas nagulat ako nang dahan-dahang pumunta ang mga kamay niyang nasa wrist ko pababa sa mga kamay ko. And then he intertwined it with each other.

"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko. "Hoy bitawan mo ako."

Pilit kong hinihila pabalik ang mga kamay ko pero mas hinigpitan niya lang hawak saka nagsimulang naglakad, dragging me with him.

"Seungmin." I whispered nang makasunod ako sa lakad niya. Baka pag lumakas boses ko ay gumawa kami ng eksena.

Tumigil siya kaya napatigil rin ako, finally. Sa kasamaang palad, nasa gitna kami ng skywalk ngayon kasi bida bida itong kasama ko.

"Pwede ba, bitawan mo na ako. Hindi naman ako takot sa hei---"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang hilain niya ako papalapit sa kaniya at niyakap. Nasubsob ako sa dibdib niya at walang makita kasi hinigpitan niya talaga ang hawak sa akin.

"Wag ka na tumingin. Dadaan sila." He whispered sa tenga ko. I could even feel his breath, ganon siya kalapit.

"Ha? Sino?" He was caught off guard and nakawala ako. Sakto, dumaan sa likod ni Seungmin, bali sa harap ko, si Jisung and Avery running like children na naghahabulan pero hindi mapaghiwalay ang kamay sa isa't-isa. Para sa mga movies lang, ang gandang tignan.

Naramdaman kong tumigil ang puso ko. Hindi ako makahinga and bumagsak ang mga balikat ko. Hanggang sa may nagtakip ng mata ko kahit na nakita ko naman na sila at nakalayo na sila sa amin.

"Sabi ko wag mo nang tignan." Seungmin sighed.

Nabalik ako sa katotohanan at tinanggal ang kamay niyang nasa mga mata ko. "Bakit ano bang meron kung makita ko, Seung? Parang may pake naman ako?" Irap ko.

Tinatanggal ko na rin ang mga kamay ko sa kaniya nang unti-unti itong lumuwag dahil sa mga sinabi ko.

"At hindi mo naman kailangan hawakan kamay ko. Wala namang magseselos kung may pinagseselos ka." Dagdag ko pa.

Bumuntong hininga nanaman siya. "Hanggang kailan mo ba itatanggi sa sarili mo 'yang nararamdaman mo?"

Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. "What do you mean? Wala naman akong tinatanggi sa sarili ko?"

Umiling siya at biglang may hinanap. Tumigil ito sa dalawang tao na nasa may gilid ng skywalk.

Nakatingin lang sila sa may view, not minding other people. Magkadikit silang dalawa kasi siksikan at maraming tao. Pero you can notice how tightly they held their hands together, not wanting to let go.

Bumalik ang tingin niya sa akin. "Nagseselos ka sakanila, hindi ba?"

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon