Binaba ko na ang phone ko pagka-offline. Puta kasi, napakabobo ko.
Inayos ko na ang unan ko para humiga, mas mabuti nang itulog ko nalang 'to. Papatayin ko na sana ang ilaw ng lamp sa tabi ko nang biglang may dumaan sa harap ko. Natigilan ako at dahan-dahang humarap sa pader.
"Ahhhhhhhh!!!" PUCHA MAY LUMILIPAD NA IPIS!!!
Shit, no choice! Wala pa si tita sa bahay. Hinablot ko ang kumot ko sabay takbo.
"Jisunggggg!!!" Sigaw ko habang nakatalukbong ang kumot ko sa akin palabas ng kwarto.
Bahala na, kakalimutan ko munang iniiwasan ko siya kasi naman may ipis na feeling butterfly sa kwarto ko.
Nakasalubong ko ang tumatakbong si Jisung papunta sa akin. "Punyeta napano ka?" Nag-aalalang tanong niya.
"May ipis." Mahinang sabi ko.
Narinig ko naman ang pigil na tawa ni Jisung at sinarado ang pinto ng kwarto ko. Tinaggal niya ang kumot na nakatalukbong sa akin sabay pitik sa noo ko.
"Aray! Inaano ka ba?!" I shouted at tinignan siya ng masama.
"Parang nung bata tayo di ka ganiyan ah?" Asar niya.
"Kasi lampa ka tapos takot ka sa lahat ng bagay."
"Iba na ngayon. Anong nangyari sayo? Natakot bigla sa ipis?" He chuckled na para bang tuwang tuwa siyang inaasar ako.
"Eh lumilipad nga tapos nakaface to face ko pa, pake mo ba? Pero dapat pala hindi na ako lumabas ng kwarto, mas pangit pala makikita ko." I teased naman.
"Sige, sa sala ka matulog." Aalis na dapat si Jisung pero mabilis na nahawakan ko siya sa wrist.
"Joke lang Ji. Tulungan mo na ako." Nagpout pa ako para may paawa effect.
Bumuntong hininga siya, "Sagutin mo muna tanong ko."
I gulped, mukhang alam ko na ang itatanong niya. "Patayin mo muna yung ipis."
Umiling siya agad. "Bakit mo muna ako iniiwasan? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawa sayo?"
Dahan-dahan kong nabitawan ang braso niya sa hawak ko. Napakurap ako, hindi alam ang sasabihin.
"Riley, ano?" He demanded for an answer kaya napressure ako.
"Ang pangit mo kasi! Nakakasawa na talaga mukha mo!" Mabilis na sagot ko sabay tawa, yung halatang pilit talaga. Aish bobo!
Napa-poker face tuloy siya. "Sige, sa sala ka talaga matutulog. Bye."
Tumalikod na siya at aalis na pero nahawakan ko agad ang laylayan ng damit niya para pigilan siyang umalis.
"Okay fine, sasabihin ko. But after mo na mapatay yung ipis. Sige na please." Pigil hininga kong inaantay ang sagot niya.
Humarap na siya sa akin at nagulat ako nang makitang nagpipigil siya ng ngiti. Nahampas ko tuloy siya.
"Inaasar mo naman ako eh!" I growled kaya natawa na siya.
Wow parang hindi ko siya iniwasan ng isang linggo dahil parang walang nangyari ngayon, o wala naman talaga siyang pake kung iwasan ko siya.
"Hay nako Bub, hindi mo lang ako matiis." Proud na sabi niya pa.
"Ang kapal ng mukha mo, pinapapatay ko lang sayo yung ipis eh." Irap ko naman sa kaniya.
"Alam mo, hindi ka marunong makisakay sa trip." Iling niya.
Oh tignan mo, sa pantitrip lang siya magaling. "Eh puro ka nalang trip. Kailangan ka kaya amgseseryoso?"
"Eh seryoso naman ako sayo." Bulong niya kaya hindi ko narinig.
"Ano?" Kunot noong tanong ko pero nginitian niya lang ako.
"Oo na papatayin ko na yung ipis para makatulog ka na okay?"
Nagready na siyang buksan ang pinto kaya nagtago ako sa likod niya. Hinawakan niya ang doorknob saka binuksan ng konti ang pinto. Nakarinig naman ako ng papakpak ng ipis kaya sinarado ko rin agad yon.
"HAN JISUNG NAMAN EH!"
"Ang sakit mo sa tenga pucha." Sigaw niya habang may patakip pa sa tenga. "Ikaw pa sumigaw, ikaw naman nagsara ng pinto. Paano ko mapapatay yung ipis kung hindi bubuksan yan?"
"Kaya mo ba talagang patayin?" Takang tanong ko, questioning his ipis killing skills.
"Hindi, try ko lang. Pagnatakot din ako, sabay tayong tumili."
Hinampas ko siya dahil sa sinabi niya. Nagawa niya pa talagang magjoke, "Wala kang kwenta Mr. Han."
Tinaasan niya naman ako ng kilay sabay ngisi. "Wala kang bilib sa akin Mrs. Han."
"W-what? Sira ulo ka na ba?" I stuttered kasabay ng lakas ng tibok ng puso ko.
"Weh kilig ka naman. Mrs. Han pala gusto mo." Tinaas baba niya pa ang kilay niya.
Umatras ako palayo sa kaniya. "Ulol ka, mandiri ka nga. Patayin mo nalang yung ipis ang dami mong sinasabi."
Sinimangutan niya tuloy ako. "Oo na, magpapapatay lang naman ng ipis role ko rito."
Bubuksan niya naman na ulit ang pinto kaya tinalukbong ko ang kumot sa akin. Narinig ko na ang pagbukas ng pinto.
Nakarinig din ako ng ilang hakbang pero tumigil iyon at bilang tumahimik. Wala man lang ako narinig na hampas sa pader or sa lapag. Dahil nacurious ako, inalis ko na ang talukbong ng kumot sa akin.
"Cute ng Han Riley no?"
Napatalon ako sa gulat nang mukha ni Jisung na napakalapit sa akin ang nadatnan ko. Tinulak ko siya papalayo kaya tumawa siya ng malakas. Bwisit, mapang-asar talaga.
Sa inis ko, kinuha ko ang tsinelas ko saka binato sa kaniya. Bilang isang Han Jisung naman, nakaiwas siya at tumama ang tsinelas ko sakto sa ipis. Head shot!
"Tsk. Kailangan lang pala matawag na Han para kumilos eh." Patuloy na pang-aasar ni Jisung.
Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya kaya bago pa ako makapagsalita ay inunahan niya na ako.
"Goodnight Bub. I love you." Ang lakas pa ng loob niya para i-pat ang ulo ko.
Nagprocess yon ng ilang sandali bago ako makarecover. Kaso, too late dahil nakapasok na siya sa kwarto niya at nalock na ang pinto.
"Putangina ka Han Jisung wag ka na magpapakita sa akin!" I yelled at malakas na sinarado ang pinto ng kwarto ko.
Nagstay lang ako doon at sumandal sa pinto ng kwarto. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kaya napahawak ako roon.
After I confess to myself na si Han Jisung ang gusto ko, hindi ko na nacocontrol ang nararamdaman ko. My heart would always flutter and jump in joy whenever I'm with him. Nakakapanibago.
Nabalik ako sa wisyo nang magvibrate ang phone ko. Kinuha ko yon at nagtaka nang makitang nagtext si Jisung. Pinindot ko naman agad iyon.
---
From: Kupal na anak ni Tita
Hindi ko na ipipilit itanong kung bakit ka umiwas sa akin, pero itigil mo na Riley. Parang awa.
---
Natigilan ako at nakatitig lang sa tinext niya. He's begging me to stop avoiding him and my heart just exploded.
Punyemas ka Han Jisung. Ano ba talagang balak mo sa nararamdaman ko ha?

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...