"Ma, nasa Seoul na po ako."
Nilibot ko ang paningin ko pagkababang pakababa ko ng train. I took a deep breath at nilasap ang hangin ng Seoul.
Nakapunta naman na ako dito ng maraming beses pero iba kasi ngayon, kasi dito na ako titira.
"Hindi ba magkikita kayo ni Avery diyan?"
Tumango ako dahil nakalimutan kong hindi pala ako nakikita ni Mama.
"Anak?"
Doon lang ako nabalik sa katinuan na wala na pala sa tabi ko si Mama. Malayo na siya sa akin and iyon ang kinaayawan ko bakit ayokong pumunta sa Seoul.
"Ah! Oo Ma, susunduin niya daw ako kasi balak niya atang ilibot ako sa buong Seoul."
Narinig ko ang tawa ni Mama sa kabilang linya. Hindi yon ang tawa na kilala ko, ang lungkot eh.
"Ma, tahan ka na." My voice cracked dahil pinipigilan ko rin ang mga luha ko.
"Mamimiss kita anak." Doon ko na narinig ang mga hikbi ni Mama. Ayoko namang umiyak dahil nasa train station pa rin ako.
Hindi man sabihin ni Mama at madalas ay inaasar niya ako, alam ko namang ayaw niya ako umalis.
"Ikaw rin naman Ma eh, basta dadalaw ka ha?" Ngmumiti nalang ako at pinunasan ang luhang tumulo.
Hindi naman kami nag-iyakan nung hinatid nila ako sa train station pero umiiyak si Mama ngayon. Unfair, ayaw niya pakita sa akin na nalulungkot siya.
"Oo naman. O siya, wag kang umiyak at baka pumangit ka."
Narinig ko nanaman ang tawa ni Mama, this time ay alam kong totoo na.
"Oo nga Ma, ikaw rin." Tawa ko pa.
"Ikaw talagang bata ka, pagbumisita ka dito o pumunta ako diyan ay dapat may boyfriend ka na ha?"
Naikot ko ang mata ko. At least okay na si Mama diba?
"Ewan ko sayo Ma. Kung ibigay mo na lang kaya sa akin yung address ng pupuntahan ko?"
"Address ng future mo? Sige text ko nalang sayo."
"Ma naman!"
Tumawa pa siya kaya napailing nalang ako. Kakaiba rin tong Nanay ko eh, kanina lang ayaw akong umalis tapos ngayon pinapamigay na ako.
"Sige na, nandiyan na daw yung magsusundo sayo."
Magsasalita pa lang sana ako pero binaba na ni Mama yung tawag. Sinong magsusundo naman ang sinasabi niya? Sinabi kaya ni Avery sa kaniya na nandito na siya?
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Avery pero nagulat ako nang may biglang nagtakip ng mata ko gamit ang dalawang kamay niya.
Saglit ako natigilan. Oh my gosh! Sino to? Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Mamaya kasi mamamatay tao pala to tapos saksakin nalang ako pag gumalaw ako.
Pinakalma ko naman ang sarili ko at nang maalala na susunduin nga pala ako ni Avery. Dami talagang pakulo ng babaeng to.
"Avery?" Tanong ko. Wala namang sumagot kaya napairap ako kahit na nakatakip ang mata ko.
"Parang tanga naman Ave." Tinanggal ko ang dalawang kamay sa mata ko at tumalikod para tignan kung sino mang sira ulo ang nagtakip ng mata ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino yon. All smiles pa siya kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"JEONGIN!" malakas na sigaw ko pa na pati yung iba napatingin sa amin. Hindi na ako nagsayang ng oras at dinamba na siya ng yakap.
"Hala namiss kita!" I squealed at niyakap pa siya ng mas mahigpit.
Narinig ko ang tawa niya at niyakap na rin ako pabalik. It felt like home.
Siguro mga ilang segundo rin kaming ganon hanggang sa naisipan niyang humiwalay na. Napasimangot naman ako.
"Pinagtitinginan na nila tayo, nako Noona hindi ka pa rin nagbabago." Tawa niya pa ulit. Saya niya ngayong araw ha.
"Kasalanan ko bang namiss ko baby brother ko?" Kunyaring tampo ko pa.
"Luh di mo naman ako kapatid Noona. At saka mas lalong di ako baby. Iniwan ka lang namin, nakalimutan mo na." Umiling iling pa siya. Di man lang sinakyan yung trip ko amp.
"Iniwan niyo nga ako eh. Pinili niyo JYP kaysa sa akin!" Irap ko.
"Arte naman. Di ka naman maganda." Hinampas ko siya dahil sa sinabi niya. Bakit ko nga ulit kaibigan to?
"Kapal mo naman. Baka gusto mong ilabas ko childhood photos mo, mawawala yang fan girls mo." Banta ko pa.
"Kanino mo naman nalaman na may fan girls ako?" Kunot noong tanong niya.
"Si Avery! Sikat daw squad niyo kaya kinalimutan mo na siya!" I made tsked sounds para kunyari ay dismayado talaga ako.
"Asa naman siya. Halos nga kasama na namin yon eh." Sagot ni Jeongin kaya this time ako naman ang kumunot noo.
"Ha? Pero sabi ni Ave hindi mo na daw siya pinapansin." Magsasalita pa sana si Jeongin pero nakarinig kami ng squeal na nag-echo pa sa buong train station.
"RILEY JUNG, I MISSED YOU!" hindi ko pa man siya nalilingon, may mahigpit na yumakap sa akin.
"Avery Park, gagawa ka na nga lang ng eksena sisigaw mo pa buong pangalan ko?!" Diin ko. Kilala ko na tong mga yakap na to kaya mabilis ko siyang nakilala.
Humiwalay naman siya sa yakap at biglang hinampas si Jeongin. "Ilalaglag mo pa kay Riley crush ko? Uunahan mo ako ha?"
Napakamot naman ng batok si Jeongin. "Abay malay ko bang magsisinungaling ka kay Noona? Halos araw araw nga tayong magkasama eh."
Back and forth lang ako sa kanila dahil hindi ko naman maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Nakalimutan na ata nilang nandito ako.
"Pwede mamaya na crush mo? Saka niyo na siya pag-usapan pag kilala ko na." Pinaghiwalay ko sila at pumunta sa gitna nila.
Gulat naman akong tinignan ni Jeongin. "Hindi mo kilala crush ni Noona?" Tumango naman ako sa tanong niya. "Eh halos ipagkalat niya na kaya sa buong university. Ang landi nga nilang dalawa eh."
Kinurot naman ni Avery si Jeongin. "Ang daldal mo talaga! At saka kahit naman alam ng buong university, hindi niya pa rin malalaman!"
"Bakit sa akin mo sinasabi na wala kang pag-asa sa crush mo? Umamin ka na kasi!" Bulyaw naman ni Jeongin.
"Heh! Bakit ba andito ka? Ako kaya magsusundo kay Ry!"
"Kasalanan ko bang hindi ka pinagkakatiwalaan nila Tita at pinapunta rin ako ni Mama dito? Mas gusto ko pa ngang kasama sila hyung kaysa sayo." Sagot naman ni Jeongin
Bago pa ulit sila makapagsalita, Hinarangan ko na sila. "Alam kong childhood sweethearts kayo pero pwede ako muna ngayon? Mabigat kaya dala ko!" Asik ko. Nandiri naman sila sa childhood sweethearts at nag-irapan pa bago ako tulungan sa bitbit ko.
"At saka stop with Avery's crush talk, mas gusto kong makilala ang bestfriend niya." Dagdag ko pa.
"Mas gusto mo don? Eh may gi---" tinakpan ni Avery ang bibig ni Jeongin bago niya pa niya matapos ang sasabihin niya.
Kawawang bata, kanina pa hindi makapagsalita ng maayos.
"Wag ka nga! Wala pa ngang kilala at alam si Riley, bawas thrill ka naman! Epal ka talaga eh. Uwi ka na nga!" Bulyaw ni Avery sa kaniya.
"Nanay ba kita? Hindi naman ikaw mapapagalitan kaya bahala ka sa buhay mo." Bumelat pa si Jeongin. Napaface palm naman ako sa kanilang dalawa.
Ma! Bakit itong dalawa pa ang ipinagsama mo para sunduin ako? May galit ka ba talaga sa akin?

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...