"Ah, nga pala. Okay ka na ba?"
Napatingin ako kay Hyunjin dahil sa tanong niya. "Okay naman talaga ako?"
He just gave me a smile. "Sabi mo eh."
Doon ko lang napagtanto na yung issue pala kahapon ang sinasabi niya. Alam kong nakarating to sa buong tropa nila pero nakakagaan sa puso na concern siya sa akin.
Wala nang nagsalita pero hindi na siya ganon kaawkward. Dinadama lang namin yung hangin kahit na tanghaling tapat na.
"Alam mo ba kung anong nangyari kay Jisung? Ikaw daw kasi yung huling kasama niya non kaya natanong ko."
Parang tumigil yung utak ko sa pagprocess. Bakit? May nangyari ba sa kaniya?
After nung umalis si Jisung sa tapat ng kwarto ko kahapon, wala na akong narinig na kahit na anong tunog sa bahay.
Wala naman akong pake if he go out pero nung lumabas ako ng midnight to get water, alam kong hindi pa rin siya umuuwi.
He left a note din saying na pinainit niya na yung mga food na pinrepare ni Tita which is hindi ko naman kinain dahil wala akong gana.
So I conclude na baka hindi siya natulog sa bahay dahil ayaw niya yung air namin don. Hindi ko naman siya masisisi, we both broke each other. Magtitiis at magtiis nalang talaga kami sa isa't-isa.
Kaya simula rin kaninang umaga, no signs of him kahit na anino kaya wala akong news sa kaniya.
Umiling ako. "Wala. Wala na akong balita sa kaniya pagkatapos niya akong ihatid sa amin."
Hindi ko naman gustong magsinungaling pero wala akong magagawa. Alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit hindi siya umuwi sa sarili niyang bahay ngayon.
Tumango tango naman siya at hindi na nagsalita. Nakakintriga tuloy dahil mukhang big deal yung nangyari kay Jisung.
"Ano bang meron?" Hindi ko alam pero kusa yang lumabas sa bibig ko kaya nataranta ako. "A-ah, you don't have to answer. My tongue slipped."
Natawa naman siya sa pagkataranta ko. "Okay lang, alam ko namang concern ka lang. Pero mukha kasing ang problematic ni Sung. Minsan lang ganon yon."
I bit my lips to prevent my mouth to say anything. Hindi naman big deal sa akin pero binibig deal ko.
"Paano pala kayo nagkakilala ni Avery?" Pagpapalit ko nalang ng topic.
Gusto ata akong saktan ng sarili ko pero dahil may sarili na siyang utak at iyan ang lumabas sa bibig ko, panindigan na natin.
Napatingin ako kay Hyunjin. Ang cute niya dahil hawak niya ang baba niya habang nakatingin sa malayo na parang nag-iisip.
He smiled at his thoughts naman. "Sobrang weird ng first meeting namin. Muntik niya na akong ipahiya sa buong campus."
Natawa pa siya na para bang ang enchanting ng pangyayaring yon. Yung kaninang wala sa sarili kong tanong ay siyang nagbigay ng interest sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko.
He looked at me and smiled. "Kilala mo naman siguro kung sinong crush ni Avery dahil bestfriend ka rin naman niya?" Tumango ako.
Tumingin na ulit kaming dalawa sa daan while he continued what he is saying. "Akala niya non binubully ko si Jisung dahil bumalik nanaman yung usap-usapan sa away namin nung middle school. Long story short, bati na kami ni Sung non nung pinagbintangan niya ako."
Natawa ako habang iniimagine yung scene. Maiingay talaga si Avery at ipaglalaban niya talaga yung mga bagay na gusto niya.
"Pinagbantaan niya pa ako non na ipagkakalat niya daw sa buong campus yon at sasabihin sa prefect of discipline. Buti nalang dumating si Jisung at niligtas ako sa pagbibintang niya. Sobrang nahiya siya non kaya napatakbo nalang siya palayo. Tapos ako unang nagchat sa kaniya. Sinabi ko na okay lang ako at saka hindi naman ako galit sa kaniya. Hanggang sa naging ganito na kami ngayon."
Sobrang naaliw ako sa story nilang dalawa. Hindi naman kasi nakwento ni Avery dahil puro ang crush niya lang halos ang bukang bibig niya.
Sana lahat may lakas ng loob gaya ni Avery no?
Nasira ang moment nang tumunog ang phone ni Hyunjin. Napangiti pa siya habang sinasagot ang text ata sa kaniya.
Hinawakan niya ulit ako sa wrist para mabilis kaming naglakad hindi kagaya kanina.
"Tara na, nagtatantrums din si Ara. Tapos si Babe naman nagtext gusto rin daw ng milktea."
Nakarating din kami sa malapit na milktea shop. Maraming tao kaya ang daming line sa claim area so umupo muna kami ni Hyunjin.
"Kayo ni Jisung? Mukhang close kayo ah. Alam mo agad yung flower shop nila tapos alam pa nila yung bahay niyo. Kwento ni Babe na hindi mo daw sinasabi sa kanila kung saan ka nakatira dahil private yon."
Napalunok ako sa sinabi ni Hyunjin. Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Hindi naman kami close ni Jisung at hindi ko naman pwedeng sabihin sa kaniya na nakatira kami sa iisang bahay.
"Uhhh, hindi kami close. Actually nagkakilala lang kami non sa flower shop. Tapos nakita niya ata akong lumabas sa bahay namin kaya ayon." I smiled pa na sana ay hindi mukhang pilit. Sobrang lintek naman kasing tanong yan.
"Huh? Edi sa District 9 ka rin pala nakatira?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Shit. Shit. Shit. Shit. Shit. Shit. Shit. Shit!
Sa District 9 nga pala silang lahat nakatira! Ano nang sasabihin ko nito?!
"Order 4419!" Saktong umilaw ang hawak namin para iclaim ang order.
Tumayo si Hyunjin para kunin ang order namin habang nakahinga naman ako ng maluwag. That was close!
Sumunod ako at nakita ko si Hyunjin na hindi pa rin nacclaim ang order namin dahil may kachat ito.
Ako na ang kumuha at kakalabitin na sana siya nang unahan niya na akong hawakan sa kamay para nanaman ako.
"Shit! Kailangan na natin bumalik. Papatayin na kami nila Chan hyung!"

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...