032

477 24 1
                                    

"Babe!"

Lahat kami napatingin sa sumigaw. Pag sinabi kong lahat, lahat ng tao dito sa Soul cup.

Napatingin kami sa lalakeng papalapit sa table namin. Legit na nagslow mo ang paningin ko. Ngumiti pa siya at sabay kaway. Ang cute niya, kainis.

Hinihingal pa siya nang dumating sa amin. Hindi pa man siya na nakakarecover, hinampas na siya ni Avery.

"Alam mo Babe, bibo ka. Sabing wag kang gagawa ng eksena eh!" Inis na sabi nito kaya napakamot nalang sa batok ang kausap niya.

"Ayaw mo non, sikat ka na?" Asar pa nito kaya nahampas ulit siya ni Ave. Kung si Avery na lang kaya hampasin ko? Ay charot.

"Hoy Hyunjin, Hi namin?" Sabat ni Ate Helena.

"Parang kailan lang naman nagkita tayo." Sagot pa ni Hyunjin kaya pabirong inirapan siya ni Ate Helena. Ngiting ngiti naman siya at may nainis nanaman siya. Pogi niya pa rin mang-asar, kainis talaga. Walang hustisya.

"Si Riley nakilala mo na? Hi daw." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ate Max. Nagpipigil naman ng tawa tong mga kasama ko dahil naramdaman kong uminit ang pisngi ko.

Sa sobrang taranta ko, napatayo ako sa inuupuan ko. "H-hi!" Awkward na sabi ko. Gusto kong hampasin ang sarili ko sa hiya dahil inaasar na talaga ako ng mga ito.

"Hi!" Bati ni Hyunjin sa akin. Hala Mama, pwede na akong mamatay.

Di ko na alam ang isasagot ko kaya ngumiti ako. Ngumiti rin siya dahil ramdam niya ata yung awkward silence namin. Alam niya naman sigurong nakita ko na ang tropa niya at siya nalang ang hindi.

"Kablock ka namin diba? Nakwento ka na rin nila hyung sa akin! Sana maging close tayo!" Masayang bati pa nito.

Para akong nanlambot at napaupo na. Nagulat sila pero tumawa rin. Binalingan na tuloy ni Hyunjin si Avery ng atensyon. Siya naman pinunta nito.

"Hoy Babe! Akala ko ba lilibre mo akong ice cream?" Napatingin muna si Avery sa akin at hindi muna sinagot ang tanong ni Hyunjin.

Pati tong mga kasama ko inaasar ako sa tingin kaya pinanlakihan ko sila ng mata para tigilan nila ako. Masyado silang halata, baka mamaya isipin talaga ni Hyunjin na crush ko siya.

"Wala ka bang girlfriend? Bakit hindi mo kasama? Sa kaniya ka magpabili." Taboy ni Ave.

Nagpout naman si Hyunjin at kumapit kay Avery na parang bata. "Bakittt?!!!" Tantrums nito. Nahampas tuloy ulit siya.

"Gago ka makita tayo ng maldita mong girlfriend. Sa first week concert nalang, libre kita ng kahit anong gusto mo." Sagot na ni Avery kaya ngimiti ulit tong kausap niya. Ang pogi talaga nito baka matunaw na ako sa ngiti niya.

"Darling?" Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Ano ba yan, lagi na lang bang may susulpot dito? Hindi ba nila alam na nasa public place pa rin kami?

"Ara!" Tawag ni Hyunjin at saka ngumiti. Sinalubong niya ito saka niyakap.

Tumingin ulit sa akin ang mga kasama ko. Tinaasan ko sila ng kilay at binigyan ng anong meron look pero inilingan lang nila ako.

"Kanina pa kita hinahanap, darling." Maktol nung sa tingin ko ay girlfriend ni Hyunjin. Nasa harap pa talaga ng table namin sila naglandian. Patapon ko sila sa labas eh. Daming bakanteng table bakit hindi sila don.

"Nahiya ka pang lagyan ng tracking device si Babe no?" Biglang sabat ni Avery kaya pasimple siyang tinignan ni Hyunjin. Irap naman sinagot ng bestfriend ko.

Bago pa magkagulo, tumikhim si Ate Helena. "Nandito kami. Hello!" Sabat din ni Ate Max.

Ngumiti yung Ara kahit na halata namang pilit. "Hi! Kunin ko na si Hyunjin ha? May pupuntahan pa kami eh!"

Hindi naman siya nagdalawang isip na hilain na papalayo si Hyunjin. Ngumisi naman si Avery at mukhang may binabalak.

"Bye Babe!" Sigaw nito kaya napatingin ulit sa amin si Hyunjin at Ara. More like Hyunjin lang kasi pilit pa rin siyang hinihila palabas ng girlfriend niya.

Ngumiti si Hyunjin kay Avery. "Bye din Babe! Chat nalang kita mamaya!" Pahabol pa nito.

Nakita naman naming umirap si Ara at hinala na ulit si Hyunjin. "Tara na darling."

Natawa nalang kaming lahat hanggang sa mawala sila sa paningin namin. Binalingan ulit nila ako ng tingin.

"Wow, my meet and greet ka na rin pala sa girlfriend ng crush mo. How was it?" Asar ni Chae at inasar rin ako ng iba.

"Di ko nga kasi crush." Katwiran ko pa rin.

"Really?" Asar pa rin ni Ate Cali.

"Okay, siguro happy crush." Sagot ko kaya nang-asar nanaman sila. Hay nako, natuwa naman sila masyado sa akin.

Nagkwentuhan pa kami saglit hanggang sa biglang nagsnap si Ate Cali.

"Hey! We should do the welcoming na! Diba we will go to Riley's house later?" Saad pa nito.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ate Cali. Hindi nila pwedeng malaman kung saan ako nakatira!

"Para saan? May pupuntahan pa kasi ako mamaya eh." Palusot ko pa.

"Ganito na talaga nakasanayan namin. Pag may bagong dagdag sa squad, pupunta kami sa bahay niya para magsaya. Para na ring first bonding natin as complete." Paliwanag ni Ate Max.

"So saan ka pala nakatira?" Tanong na ni Ate Helena.

Lagot ka ngayon Riley! Anong sasabihin mo?!

"Hoy kanina pa kita hinahanap." Nagulat kaming lahat nang biglang may sumulpot sa tabi namin.

Hinihingal si Seungmin habang nakahawak sa edge ng table namin. Tinuro ko ang sarili ko na parang tinatanong kung ako ba ang hihanap niya. Tumango nalang siya. Omg! Savior!

"Ikaw binilin ni Chan?" Tanong ni Ate Max. Tango lang ulit sinagot ni Seungmin.

"Hanapan ba tayo ngayong araw?" Asar naman ni Avery kaya patagong kinurot siya ni Naomi para tumahimik.

"Kaya kukunin ko na si Riley!" Hindi pa ako nakakapagsalita ay hinila na ako ni Seungmin patayo at kinaladkad paalis. Oo, kaladkad talaga.

Hindi na nga ako nakapagpaalam sa kanila at kumaway nalang patalikod.

Binitawan lang ako ni Seungmin nang nasa University circle na kami. Which is nasa gitna ng JYP.

"Hoy wala akong balak magpakidnap ngayon, pero thank you." Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko pero ngumiti.

"Welcome?" Tanong niya kaya natawa kami.

"So anong balak mo? May klase pa tayo after ng break diba? 10 minutes nalang." Ngumiti lang siya sa akin at tinuro ang speakers.

Ano naman gagawin ko diyan? Aakyatin ko? Magrereklamo palang sana ako, tumunog na ang University speakers, meaning ay may announcement.

"Bang Chan speaking, your Student Council President. A warm welcome to our old and new students. Congratulations on becoming a student in JYP International University!" Nagsitigil ang mga students sa lahat ng ginagawa nila at nakinig nalang sa speakers.

"As so you know, JYP's first day classes are different from others. You have met your classmates and blockmates so after break, you may now enjoy your free time exploring and taking your time in the University. Again thank you and welcome."

Nahiyawan ang mga students dahil dito. Napatingin ako kay Seungmin at malamang ay alam niya na to.

Hinawakan niya naman ulit ako sa wrist at handa na akong hilain ulit. "Mukhang magkasama tayo buong araw. Tara, tour kita!"

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon