084

419 29 0
                                    

"Gusto mong magkwento ako?"

I blinked. One time. Two times. Three times. Baka nagkamali lang ako ng dinig.

Baka kasi mamaya confidential pala tapos napilitan lang siyang sabihin sa akin. "Sure ka? Baka kasi sa inyong magkakaibigan lang yon."

"Kaibigan ka naman namin ah?" Dun na ako natigilan. Oo nga no?

Nang mapansin na di na ako nagsalita, humarap na ulit kaming dalawa sa may damuhan at bumuntong hininga.

Ngayon ko lang naramdaman yung lamig kaya di ko rin namalayan na nanginginig na pala ako. I flinched when someone put a coat over me. Napalingon ako, since wala namang may suot na jacket or coat si Kuya Chan.

"Felix..." ngumiti ako.

He didn't waste the chance na guluhin ang buhok ko at ngumiti rin. "Sayo na yan, wag kang mag-alala kung nilalamig din si Chan hyung, may panakip na abs yan."

"Sira ulo!" Binatukan siya ni Kuya Chan. "San punta mo?"

Binulsa ni Felix ang kamay niya bago sumagot. "Kukunin ko lang yung cctv drive ng buong District 9. Di namin maconnect."

"Ingat ka." Wala sa sariling sagot ko.

Nginitian niya ulit ako. "Sabi mo eh. Hyung, si Riley ha."

"Lah jowa ka ba?" Tawa naman ni Kuya Chan pero tumango rin. "Ingat ka!"

Tumango nalang si Felix at nagsimula nang maglakad paalis. Nabalot nanaman kami ng katahimikan hanggang sa nagsalita na si Kuya Chan.

"Papaniwalaan mo ba pag sinabi ko sayong magkaaway yung tropa namin noon?"

Napaisip ako saka umiling. "Impossible."

Natawa naman si Kuya. "Grabe, kung alam mo lang kung paano hindi masikmura ni Jisung at Hyunjin ang isa't-isa. Kulang na nga lang non magpatayan sila gamit lang mga titig."

Napaawang ang bibig ko. Weh? Parang di naman. Joke time lang ata tong si Kuya Chan eh. Pero syempre di ko sinabi, makikinig nalang ako sa kwento niya.

"Ako, Si Changbin at si Jisung lang ang magkakaibigan. Tapos si Minho, Hyunjin, Felix at Seungmin naman. Magkaaway yung grupo namin non dahil kay Jisung at saka Hyunjin. Halos tumira kaming lahat sa detention at saka Principal's office."

Kuya Chan laugh at the thought. Simula palang ay parang ang dami na nga nilang pinagdaanan.

"Si Woojin, ayaw kaming kaibiganin kasi basagulero daw kami tapos si Jeongin di pa namin kilala non. Middle school lang kaming lahat pero kahit na ganon, para kaming mga isip bata."

"Pano kayo nagkabati bati? Sa kwento mo parang wala naman kayong balak magsama-sama." Curious na tanong ko.

Himinga muna ng malalim si Kuya Chan bago magkwento ulit. "Hanggang sa may nangyari na hinding-hindi namin makakalimutang magtotropa. Kahit pa magkaaway yung grupo namin nila Hyunjin, nagkasundo kami dahil sa isang pangyayari."

"Sila Wonho? Matagal na namin silang kilala dahil palagi silang tambay sa JYP non para mambully. Ilang beses na namin silang nakaaway at sila Hyunjin din pala naaway na yon. Hindi dapat namin sila papatulan kaso nambabastos kasi sila ng mga babae tapos nagnanakaw at pinagtitripan yung mga lalaki. Nung una, hinahayaan lang ng grupo namin parehas yung nangyayari. Syempre ayaw naming madamay pa, malakas kasi pamilya ng buong MX at saka alam namin ang kaya nilang gawin."

"Tapos isang araw, napansin namin nila Jisung na may inaatake nanaman yung MX. Napakagago nila pero nag-iwas lang kami ng tingin. Nalaman din namin na nakita din pala nila Hyunjin yon pero ilang oras na pagkatapos namin makita. Bali ilang oras na pala nila sinasabotahe yung lalaki. Pero parang kami, wala silang ginawa."

Napaharap ako kay Kuya Chan. Nanlaki ang mata ko when I saw him crying. KUYA CHAN IS CRYING!

Nataranta ako. "Kuya kung hindi komportable, okay lang kahit wag mo na itulo---"

Nagpunas siya ng luha. "Hindi, okay lang. Kailangan mo rin naman malaman to kasi nadamay ka na."

"Yung araw na sumunod, nalaman namin na patay na yung lalaking binubugbog nila na nakita namin. Tangina, sinisi namin mga sarili namin non. Ang daming paano kung ganito ganiyan. Paano kung niligtas namin yung lalaki o kaya nagtawag kami ng professor o kaya kahit guard man lang. Pero ang gago namin kasi nagbulag bulagan kami."

I patted Kuya Chan's back. Humahagulol na siya. Na parang hanggang ngayon, bitbit pa niya yung guilt simula nung araw na yon.

"Hindi mawala sa isipan namin yun kasi parang kasama na kami sa pumatay. Kasi wala kaming ginawa. Ligtas nga ang nanahimik pero paano naman yung napatay nila. Punyemas hindi na sila nakonsensya."

"Isang linggo din naming pinag-isipan. Nagkasundo yung grupo namin. Bigla naming nakalimutan na magkaaway kami. Hindi kami matahimik kaya napagdesisyunan naming imbestigahan yung nangyari kasi pinagtakpan lang sila nung tatay ni Wonho na police kaya nasarado agad yung kaso."

"Sinamahan na rin kami ni Woojin. Hindi na rin daw kasi niya kayang manahimik. Walang ngang gustong kumaibigan sa amin non kasi parang nagrerebelde daw kami. Yung ibang professor takot din kasing magsalita kaya wala kaming kakampi."

"Ang dami naming pinagdaanan para lang mag-imbestiga. Yung iba pa nga muntik na namin ikapahamak, pero di kami tumigil. Nalaman namin na marami na rin pala silang nabiktima. Yung ibang pinatay nila, sa mismong kamay nila o dahil sa suicide. Nanunuhol din sila at saka nagbablackmail, gamit ang mga magulang nila. Kaya ayon, malalakas maging hayup kasi alam nilang nasa kanila ang batas."

"Natapos din kami. Nakakuha kami ng mga sapat na ebidensya kahit na walang abogado kasi wala ngang gustong tumulong sa amin. Pero nung nagsabi na kami sa mga police, wala silang ginawa. Ginawa pa nilang dahilan kasi puro menor de edad lang daw kami at hindi sapat yung ebidensya namin."

Napatalon ako sa gulat nang biglang binato ni Kuya Chan ang walang laman na coffee in can. Buti nalang sakto sa basurahan yon. Pero hindi ako natakot, sinamahan ko lang siya don kasi alam kong kailangan niya ako ngayon.

"Nakarating din sa pamilya ng MX yon at binaliktad nila ang mga pangyayari. Putanginang buhay yon! Nakakainis kasi binili lang nila yung batas, tangina binibili ba yon?! Kung hindi pa umeksena mga magulang namin, sana kami yung nakulong. Kami yung pa makukulong?" Tumawa pa siya ng mahina, yung pekeng tawa.

I saw him clenched his fist, namumula iyon kasi may mga sugat pa siya. "Punyemas, gusto ko silang patayin nung araw na yon kung makukulong din naman ako."

Nanghina si Kuya Chan at napayuko nalang. Hindi niya na kinaya. Kahit ako, pinagkekwentuhan lang ako pero nasasaktan din ako. Hindi ko alam na ganon pala ang pinagdaanan nila.

Gusto kong yakapin silang lahat. Oo tapos na, nangyari na yon pero bitbit pa rin nila yung mga pangyayari na alam kong hindi nila malilimutan.

Pero sa ngayon, si Kuya Chan lang ang mayayakap ko. Siya bilang buong Strays, at ipaparamdam kong nandito lang ako.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon