054

494 25 5
                                    

- Now Playing: Kung 'Di Rin Lang Ikaw by December Avenue ft. Moira Dela Torre

"Class dismissed."

Tumingin ako wall clock at 8:35 pm palang. Introduction palang naman kaya early dismissal kami.

I packed up my things and sigh nang makitang umuulan pa sa labas. Buti nalang talaga at may payong na dala si Jisung dahil kung hindi, baka parang basang sisiw ako kung umuwi.

Kinuha ko ang earphones ko at tuluyang lumabas ng building. Hindi na ako nagpasundo dahil baka maabala ko lang si Jisung kahit na sinabi niyang itext ko siya.

Awkward pa rin sa part ko kaya might as well keep safe. Napagpasyahan kong maghapunan na rin sa convenience store malapit lang sa JYP. Gusto ko nalang kasi talagang humilata sa bed pagkauwi ko. 

Pagpasok ko, wala masyadong tao. Siguro mga nasa apat na table lang ang occupied. Bumili ang ako ng ramen and boiled eggs. Kumuha na rin ako nang coffee dahil may gagawin pa ako mamaya na baka matulugan ko lang.

Umupo ako sa mga matataas na mesa katapat ng bintana. Wala lang, ang sarap lang sa pakiramdam makita ng mga tubig na tumutulo mula sa salamin, ang peaceful tignan.

I was about to eat the remaining noodles na nasa cup nang biglang may bumagsak sa harap ng convenience store. May mga nakaharang pa kasing shelves bago ang counter kung saan rin ang mga customers kaya baka hindi nila nakita. Since ako lang naman ang nasa may harap ng bintana, ako lang rin nakapansin.

Hindi ko makita kong sino yon dahil blurred ang salamin galing sa basa ng ulan. Pero sure akong tao yon. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na kunin ang payong ko at tumakbo palabas.

Pagkalapit ko sa taong bumagsak, napatakip agad ako sa bibig to not make any sound sa gulat. 

It's Hwang Hyunjin, covered in blood while socked in the rain. 

Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang shock ko na hindi nga ako naalis sa pinagtatayuan ko. Ni hindi ko nga alam ang gagawin sa nakikita ko.

"Don't call them." Natauhan ako nang bigla siyang nagsalita. It's soft and hurting. Halatang hirap na hirap siya. 

Dumapa ako sa lapag para mas malapitan siya. Ngayon ko lang nakita ang pasa niya sa mukha. Para siyang binugbog. 

"Wag mong sasabihin sa kanila na nakita mo ako." Pag-uulit niya. 

Pero kahit na ganon, para akong walang naririnig. Hinawakan ko ang kamay niya habang yung akin ay nanginginig sa takot. Wala ito sa Hyunjin na kilala kong all smiles lagi.

"Riley, umoo ka sa sinasabi ko." Diin niya pa pero umiling ako. 

Hindi na nga pumasok sa isip ko kung paano niya ako agad nakilala kahit na hirap na hirap na siyang dumilat.

"I'll call them." Diin ko naman. Nagready na ako papasok sana ulit sa store para kunin ang phone ko at humingi ng tulong.

Ibibigay ko palang sa kaniya yung payong ko pero pinigilan niya ako. "Don't leave me, please." 

Nanlambot ako. Nasasaktan din akong nakikita siyang ganito. Hindi niya deserve na maging ganito. 

"Hyunjin magkakasakit ka niyan. Please, let's just call them. Hihingi lang tayong tulong." Pagpupumilit ko pa.

"Hindi nga pwede. Hindi nila ako pwedeng makitang ganito." Hirap na sabi niya naman.

"Baliw ka na ba?! Sana imbis na nag-uusap tayo dito, you should be healing yourself!" Inis na sambit ko na.

Hindi ko alam pero naiiyak na ako. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Natatakot ako baka kung anong mangyari sa kaniya. Natatakot ako na baka mangyari pa ito ulit pag hindi naagapan agad.

"Ayoko na silang idamay. Sa atin nalang tong dalawa. Please Riley, kahit ito lang." 

Huminga ako ng malalim. I am really torn. 

"Hyunjin... pero kasi..." 

He smiled. Tumulo na talaga ang luha ko. Nasasaktan na siya tapos ngingiti pa siya?!

"Okay lang ako. Tulungan mo lang ako makapunta sa waiting shed malapit sa university tapos okay na ako. May susundo na sa akin."

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumango nalang. Mas okay naman yon kaysa magpaulan siya dito tapos walang tumulong sa kaniya.

Tinulungan ko siyang tumayo. Kahit na sobrang hirap dahil basa siya tapos mas matangkad siya sa akin, kinaya ko. Nakailang attempt din kami bago kami tuluyang nakatayo. 

Hirap na hirap na kaming maglakad. Malapit lang naman ang university pero hindi ko alam kung makakaabot ba kami.

Kasi si Hyunjin, hindi niya na kaya.

Tanaw ko na ang waiting shed pero nagulat ako nang bigla kaming bumagsak.

Hirap na hirap na si Hyunjin na nagcollapse siya sa sidewalk. Kahit huminga ng maayos ay hindi niya na kaya. Nataranta na talaga ako at biglang tumayo.

Binigay ko sa kaniya ang payong ko to shield himself. Kahit naman na basa na kaming parehas. 

"I'm calling them. Wag mo na akong pigilan Hyunjin. Maawa ka sa sarili mo." 

Hindi ko na siya hinintay sumagot at maglalakad na dapat nang magsalita siya. 

"Sabi ko wag mo akong iiwan." halos bulong na sambit niya.

Hinarap ko siya ulit. Lumakas lalo ang ulan kaya hirap na rin akong dumilat. 

"Babalik din ako. Promise ko yan." Assure ko pa at tumalikod na ulit.

"Kung tatawagin mo man sila, pasabi na wag sabihin kay Ara. Ayokong mag-aala siya sa akin."

Natigil nanaman ako. Parang bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

Oo nga pala, may mas karapat dapat na mag-alala kaysa sa akin. Assumera nanaman ako.

Ngumiti ako pero hindi na humrap muli. "Hindi pwede, kailangan mo siya."

---

Wag niyo muna ako awayin! HAHAHAHAHAHAHA

Alam kong Jisung fanfic to pero we need Hyunjin dahil second lead pa rin siya ng story.

Ang masasabi ko lang, pakihanda ng puso sa susunod na kabanata. Charot kayo na bahala na maniwala o hindi HEHEHEHEHEEHEHEHHEHE

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon