Sabay kaming bumuntong hininga ni Jisung. Nagsusulat akong questions sa isang papel pero nang tignan kung anong sinusulat niya, puro drawing lang naman.
"Gusto mo ba talagang pumasa o bibigyan nalang kita ng blankong papel para gawan ng katarantaduhan?" Inis na sambit ko.
Napatingin naman siya sa akin pagtapos ay sa papel niya. "Pano ba sagutan to?" Kunot noong tanong niya. "Hindi naman ata to tinuro."
Tinuktok ko ang ulo niya. "Wala lang pumapasok diyan. Nandaya ka lang ba sa entrance exam sa JYP?"
"Hoy grabe ka naman manlait!" Mabilis na sagot niya.
"Ano nanaman bang meron sa inyong dalawa?"
Di ko namalayan na inikutan ko na pala ng mata si tita sa tanong niya. Weekend naman so nasa flower shop kami, at nakalimutan ko yon.
"Ay sorry po Tita, we'll tone down na po." Sa sobrang stress ko kay Jisung napagbuntungan ko pa tuloy ng galit si tita hays.
"Hindi bat pumunta kayo dito para tulungan ako? Anong ginagawa niyo at nakaupo lang kayo sa counter at ako lang ang kumikilos?"
Nagkatinginan kami ni Jisung. Ako na sana ang sasagot pero inunahan ako ni Jisung. "Thesis to Ma! Tulong kami mamaya pagtapos."
Ayaw sana namin magsinungaling kay Tita pero sabi ni Jisung ay sasabihin niya ang totoo pag may naipagmalaki na siya. Sa ngayon, kailangan niya talaga ng tulong ko.
"Hay nako mga batang to hindi muna magpahinga sa school works. O siya, bibili nalang ako ng makakain niyong dalawa, bantayan niyo yung shop ha." And with that iniwan na kami ni Tita.
Saktong pag-alis niya ay may dumating na dalawang babae asking for assistance kaya nagturuan kami ni Jisung sa mata kung sino ang pupunta.
Natalo naman ako nang nagkunyari siyang sinagutan ang mga binigay kong reviewer sa kaniya kaya napaikot ko ang mata ko.
Binigay ko pa ang mga bagong gawang reviewer sa kaniya kaya napasimangot siya. "Tutal g na g kang mag-aral, ayan pa. Pagbalik ko dapat nasagutan na yung unang reviewer na ginawa ko ha." Bilin ko pa saka umalis na.
Sinalubong ko yug dalawang babae. They are finding the perfect flower for their client's wedding flowers.
Natuwa naman ako kasi ang cute lang na tulungan sila. Nilibot ko sila hanggang sa garden and I got good remarks. They said the'll come back tomorrow after I gave them sample flowers para sa final canvassing.
I was busy arranging the flower until someone called. "Riley." Sa boses palang I know who it is kaya nagfocus nalang ako sa customers.
"Bub tapos ko na." Naramdam ko nalang ang mainit na hininga ni Jisung sa tenga ko kaya napatalon ako sa gulat.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Check mo kung tama talaga mga sagot mo or matulog ka nalang sa counter para di mo ako ginagambala. Busy ako okay?"
Sinimangutan niya lang ako saka tumalikod na at naglakad papalayo sa akin. I heard him say "Sungit." Kaya napailing nalang ako.
Pagkaharap ko ulit sa mga ginagawa kong flowers, doon ko lang naalala na may customers nga pala kami.
I gave them an awkward smile at nagbow biglang sorry. Natawa tuloy sila sa akin.
"Ang cute niyo ng boyfriend niyo. Kayong dalawa ba nagtayo ng shop na to?" Sabi nung isang girl na mas maliit kaysa sa kasama niya.
Mabilis akong umiling. "Hindi po!"

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...