"Anong ganap?"
Nawala ang atensyon nilang nakatingin sa akin kanina nang biglang dumating si Ate Helena. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Hoy, anong mga tingin yan? Anong chika ang meron?" Kunot noong tanong pa ni Ate Helena dahil parang ang sama ng tingin nila sa kanila.
At least ako thankful kay Ate kasi niligtas niya ako sa issue nila.
"Late ka na nga lagi maninira ka pa ng moment." Irap ni Ate Max.
"Luh alis na ba ako?" Sarcastic na sabi ni Ate Helena.
"Don't worry sa dalawang magbestfriend. They are always like that kaya. Ang hurtful nila sa ears they are the ones I make sama pa naman everyday." Awat ni Ate Cali dun sa dalawa. Minsan na nga lang siya magsalita, since hirap pa din siyang magkipag communicate lalo na at conyo siya dahil last year lang siya umuwi ng Seoul, ay nagiging taga awat pa nung dalawa naming Ate.
Natigil naman sila at nasa akin nanaman ang atensyon. "So ano nga pala meron dito?" Mapang-asar na tanong ni Chae.
"CR lang ako." Tatayo na sana ako pero pinigilan na ako ng bestfriend ko.
"Oops, bawal mag-cr. Tiisin mo nalang kung totoong naiihi ka." Ngisi nito kaya sa mga oras na to, ang sarap niyang kaltukan. Bakit nga bestfriend ko ulit to?
"Ang daya naman kasi, bakit ako muna?" Maktol ko kaya natawa sila.
"Sige na nga, si Naomi muna." Ngisi naman ni Ate Max kaya nagulat si Omi.
"Ha? Bakit ako una? Pwede bang si Avery muna?" Turo pa nito.
"Sasagot ako pag nauna ka." Sagot na ni Ave kaya naman wala nang nagawa si Omi.
"Fine." Pagkasabi ni Naomi no, nagsalita agad si Avery.
"Ano na meromg sa inyo ng long time crush mo? Kakaiba kayo ha."
"Kaya pala ako gusto mong mauna!" Maktol naman ni Naomi.
"May ganap na sa inyo ni Seungmin? Kailan pa?" Taas kilay na tanong ni Ate Helena.
"Wala." Nag-abang lang kami ng idudugtong niya. "Wala akong sasabihin kaya next time nalang, masyado pang maaga para sabihin ko."
Na-boo tuloy si Omi dahil sa sagot niya. Lahat kami naintriga kaya ganon nalang reaksyon namin. Tinawanan lang tuloy kami ni Omi.
"Hoy si Avery na!" Biglang singit ni Chae kaya nasamaan siya ng tingin ni Ave.
"Papansin ka talaga eh no." Asar na sabi ng bestfriend ko.
"Ako na magtatanong." Bigla kong sabi kaya naalarma bestfriend ko. "Sabi mo sasabihin mo sa akin kung sino na yung crush mo!"
"Hindi niya alam?" Gulat na tanong ni Ate Max.
"Sabi ko kasi pagnakarating na siya dito saka ko lang sasabihin." Paliwanag ni Ave.
"Pero hindi ko pa rin alam." Sabat ko naman.
"Hindi mo ba nahahalata?" Tanong naman ni Omi.
Hindi ako makapaniwala. Ang sarap sana sabihin niyan pero umiling lang ako.
"Crush mo ba talaga si Jisung? Yung anak ni Tita Jean? O trip niyo lang yon?" Kunyari hindi ko kilala si Jisung para hindi halata. Nakwento ko naman na nagtrabaho ako sa flower shop nila.
"Para sa kaniya siguro trip lang yon pero dahil kasi don, mas nahuhulog ako." Avery confessed.
Nagulat ako pero alam ko sa sarili ko na halata naman. Muntik ko na rin kasi sabihin sa kaniya na nakatira ako kila Jisung. Alam kong bawal sabihin pero pinagkakatiwalaan ko si Ave. Kaso sa sitwasyon ngayon, mas mabuting wala siyang alam sa connection namin ni Jisung.
"Ayan na nga, marupok kasi." Iling ni Ate Helena.
"Dati happy crush lang daw. Nakita lang sa first week concert nung high school nainlove agad." Sabi naman ni Ate Max.
"Hoy grabe naman! Masaya kasi kayo, may mga boyfriend na." Katwiran naman ni Avery.
"Okay stop na kaya this. You two should respect us singles kaya!" Awat na ni Ate Cali.
"Hoy si Riley naman! Kanina ko pa hinihintay yung chika." Biglang turo ni Chae. Hay nako, akala ko magkakatakas na ako.
"Crush mo daw si Hyunjin?" Biglang tanong ni Ate Max kaya nagulat ako. Umiwas na nga sa akin si Avery at Naomi dahil baka mahampas ko daw sila.
"Hoy hindi ah! Shock lang ako na ayon pala ang bestfriend ni Avery. Pogi kasi, ayon lang yon at wala ng iba." Paliwanag ko. Ang bilis ko pa ngang sinabi yon. Baka akalain nilang defensive ako, di kaya!
"Ay first day palang nahulog na." Asar ni Chae kaya pati sila sumali. Napaface palm tuloy ako.
"Hoy hindi naman kasi talaga." Awat ko sa kanila.
"Kunyari naniniwala kami." Sabi ni Avery kaya nahampas ko siya.
"Hoy pero you should ingat don." Biglang sabi ni Ate Cali at tumango naman sila.
"May girlfriend na kasi. Wag masyadong mafall ha?" Bilin naman ni Ate Helena.
"Bitchsesa pa naman yung girlfriend, ang sarap hampasin." Inis na sabi pa ni Avery. Hay nako, bestfriend niya nga si Hyunjin.
"Pero alam niyo ba dati, gustong gusto na talagang mameet ni Riley si Hyunjin. Hindi niya alam yung name at face pero excited na siya non." Chika pa ng bestfriend ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Friendship over na kami nito.
Inasar nanaman nila ako pero natigil nang magsalita si Naomi. "Oops, speaking of."
Hindi namin naintindihan ang sinabi ni Omi hanggang sa may biglang sumigaw.
"Babe!"
Call 911, I am having a heart attack
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfic"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...