- Now Playing: Tayo Na Lang Dalawa by Mayonnaise
"Please wake up, Babe."
Sobrang tahimik sa loob ng kwarto. Walang may gustong magsalita at tanging si Avery lang ang naririnig namin.
Nakatingin lang kami sa kaniya habang umiiyak siya at hawak ang kamay ni Hyunjin na nakahiga sa hospital bed.
Pagkabalik ko kasi kay Hyunjin pagkatapos humingi ng tulong, tuluyan na siyang nakacollapse at mahina ang pulse. Buti nalang nakatawag agad kami ambulansya saka ko sila tinawagan.
Kanina pa umiiyak si Avery pagkadating niya palang. At kanina pa namin siya pinagpapahinga pero ayaw niya.
Si Seungmin, Kuya Minho at Jeongin bumili ng pagkain habang si Kuya Chan, Ate Max at Ate Helena naman ay pinuntahan ang mga magulang ni Hyunjin dahil hindi sila macontact. Pupuntahan rin nila yung mga bantay ng cctv sa malapit na streets miski ang mga nasa university. While si Kuya Woojin ay inexcuse na yung may mga may klase sa amin dahil alas dos na rin.
Wala naman dito ang Seo siblings dahil nagpapahanap sila sa private investigator nila kung sino ang gumawa non kay Hyunjin. Si Ate Cali rin wala dahil ayaw siyang isama ni Kuya Chan at delikado daw para sa kaniya.
"Uwi ka na rin Riley. Nabasa ka rin kanina, kita mo tuyo ka na. Magkakasakit ka niyan." Umiling lang ako kay Felix na katabi ko sa may sofa. Kanina niya pa ako pinipilit umuwi pero ayoko rin.
Gusto ko rin kasing makita yung girlfriend ni Hyunjin kung anong gagawin niya. Kanina pa namin siya tinawagan pero hindi namin alam kung dadating pa ba siya o hindi na.
"Oh, coffee. Pinadala nila Kuya Changbin." Napatingin kaming dalawa kay Omi na pumasok. Bumaba kasi siya saglit para sana hintayin yung mga bumili ng pagkain.
"Ang kulit ng kaibigan mo. Pauwiin mo na yan. Ikaw rin, umuwi na kayo. Kami na bahala dito." Sumbong pa ni Felix.
"Hindi mo ako kakampi. Hindi kami uuwi hanggang hindi pa nagigising si Hyunjin." Sagot naman ni Omi kaya napaface palm nalang si Felix.
Umupo na rin si Omi sa tabi namin. Bali nasa gitna siya. Tapos tumahimik na ulit. Kahit si Avery napagod na kakaiyak na hindi namin namalayan na nakatulog na pala habang hawak ang kamay ni Hyunjin.
"Omi, kilala mo naman diba?" Bulong ni Felix kay Omi. Napatingin lang ako sa kanila kasi narinig ko sila.
Tumango naman si Omi. "Akala ko ba umalis na sila? Bakit bumabalik nanaman?" Nag-aalalang tanong pa niya.
Wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Dahil siguro bago palang nila akong kaibigan o bawal talaga nila sabihin.
"Ewan ko. Pero delikado nanaman kayo sa amin." Sagot naman ni Felix.
"At least ngayon kaya na talaga nating ipaglaban. Ipagdasal nalang natin na wala nang madadamay pa." Singhap ni Naomi na parang sobrang lala ng mga nangyayari.
Gusto kong magtanong kaso pinigilan ko ang sarili ko. Sapat naman na nagbubulungan sila kasi hindi ko dapat malaman. Parang ang great danger kung malaman ko.
"Ry..." natauhan ako nang tawagin ako ni Felix.
"Wala ka namang ibang nakita bukod kay Hyunjin diba?" Nag-aalalang tanong nito.
Wala akong maalala. Tanging kay Hyunjin lang ako nakatuon non kaya hindi ko napansin ang paligid.
Pero umiling lang ako. "Wala. Umuulan kasi ng sobrang lakas kaya sigurado akong si Hyunjin lang ang nandoon."
Napabuntong hininga ni Omi. "Mukhang malayo naman sila sa JYP." wala sa sariling sabi pa nito.
"Sinong sila?" Hindi ko napigilang natanong.
Nanlaki naman ang mata nila sa tanong ko. Para silang naalarma.
"Hindi niyo naman kailangan sagutin." Ngiti ko kaya kumalma na sila.
Tumayo na si Naomi. "Malapit na daw yung mga bumili. Hihintayin ko lang sa baba." Paalam nito kaya tumango kami.
Pagsara ng pinto, tumayo rin ako. "Papahangin lang ako sa labas. Pabantay sila." Paalam ko naman.
"Hatid nalang kita sa inyo. Kailangan mo na talagang magpalit." Pagpipilit ni Felix pero umiling ako.
"Magpapahangin lang." Pag-uulit ko kaya wala na siyang magawa.
Lumabas na ako ng kwarto at napatigil. May alam kaya sila sa nangyari kay Hyunjin? Kaya ba sobrang involve ng lahat?
Pero bakit ayaw nilang sabihin sa akin?
I was lost in thoughts nang biglang may sumigaw. "Riley!"
Hindi pa ako nakakareact pero may humila na sa akin and pulled me into a tight hug.
"Thank God you're safe."
~ Oooh! Tayo nalang dalawa
Tayo nalang magsama
Tayo nalang dalawa
Tayo naman talaga ~Kahit hindi ko tignan kung sino yon, kilalang kilala ko na ang boses.
"Jisung... baka makita nila tayo." Tinulak ko siya ng mahina para humiwalay siya sa yakap at sumunod naman siya.
Tinignan niya ang mga braso ko at mukha ko saka siya nagsigh in relief. "Okay ka lang?" Tanong niya pa rin.
Tumango ako at doon, niyakap niya nanaman ako. Gulat na gulat ako sa nangyayari. Anong nakain nito?
"Bakit hindi mo ako tinawagan? Susunduin naman kita eh." Sobrang pag-aalalang tanong niya.
Hindi ako nakasagot at iba ang lumabas sa bibig ko. "Si Hyunjin, nasa loob."
"Bakit hindi ako agad tinawagan mo?" Hindi pinansin ni Jisung ang sinabi ko.
"Nag-aalala si Mama, anong oras na." Tumigil siya saglit.
"Riley, pinag-alala mo ako."
~ Tayo nalang dalawa
Tayo nalang magsama
Tayo nalang dalawa
Tayo naman talagaTayo na lang dalawa
Tayo nalang mag sama ~Nagulat ako. Naramdaman ko, my heart skipped a beat.
Humiwalay na ulit siya sa yakap pero I am still stunned. "Tara na Riley."
Nabalik ako sa katotohanan. "Huh?"
"Uwi na tayo."
"Anong ibig niyong sabihin?" Parehas kaming natigilan ni Jisung.
Uh oh.

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...