025

521 23 7
                                    

"RILEY GISING NA!"

Nagising ako sa katok ng pinto sa kwarto ko. Nagbingibingihan nalang ako pero tuloy pa rin ang katok nito.

"Uy, Bub! Feeling sleeping beauty ka?!"

Gumulong ako sa bed ko, sa side kung nasaan nakatalikod ako sa pinto, at tinakpan ang ulo ko ng unan. Punyemas Han Jisung! Ang aga-aga!

Hindi ko nalang siya pinsansin. Tulog ka pa Riley, wag mong pansinin yung papansin sa labas ng kwarto mo.

Narinig ko ang mga kalampag ng susi mula sa labas kaya hindi na ako nagtaka at baka susiin nanaman ni Jisung ang pinto para makapasok.

Yung feeling na wala na akong pake kasi pangatlong beses niya na ginawa yan.

Di ko daw kasi siya pinapansin at nag-aalala daw siya dahil baka namatay na ako dito sa loob. Kunyari pa siya! Pepestehin niya lang naman yung tulog ko at sasabing matulog na ulit ako! Punyeta diba?!

Nagbukas na ang pinto pero nagkunyari pa rin akong natutulog. Bahala siya sa buhay niya.

"Riley!!!" Binato niya pa ako ng unan. Mas diniinan ko ang pikit ko, yung tipong magdudugo na, sa inis.

Tumahimik bigla. Umalis na siguro ang gago kaya makakatulog na ulit.

Or I thought...

Naramdaman kong may hangin na bumuga sa mukha ko kaya napadilat ako para tignan kung ano yon.

Nanlaki ang mata ko nang mukha agad ni Jisung ang bumungad sa akin. Ngiting ngiti pa siya habang nilalapit pa ang mukha niya papunta sa akin para mas asarin ako.

Mabilis kong kinuha ang unan ko at binato sa kaniya. Napatayo siya sa pagkakaluhod habang ako naman ay napatayo sa pagkakahiga.

"Punyeta ka! Ang baho ng hininga mo!" Sigaw ko pero tinawanan niya lang ako.

"Himbing ng tulog mo! May tulo laway ka pa!" Bulyaw niya naman.

Hinanap ko ang phone ko para tignan kung meron nga talaga akong laway sa pisngi pero hindi ko makita.

"Asan yung phone ko?!" Sinamaan ko pa siya ng tingin.

Nagtaas naman siya ng dalawang kamay bilang surrender. "Hoy kakapasok ko lang! At saka mamaya mo na hanapin! Late ka na!"

Nagprocess muna sa utak ko kung ano yung sinabi niya. Oh shit!

"Anong date ngayon?!" Tarantang sigaw ko at tumakbo para kunin ang towel ko.

"First day ngayon tanga!" Pagkasabi ni Jisung non, nasarado ko na ang pinto ng banyo sa kwarto ko.

Ang tanga mo talaga Riley! Nag-alarm ka na nga di ka pa magising! Punyeta nawawala pa phone ko!

One week na rin pala ang lumipas after ng last chat namin ni Jeongin. Nagbobonding naman kami at naiiwasan ko ang mga tanong niya. Mukha ramdam niya naman na ayokong sabihin at private kung saan ako nakatira kaya hindi na siya nangkulit.

Ganon din si Avery, kahit minsan lang kami magchat ngayon dahil busy siya sa bonding time nilang pamilya. While si Naomi naman, hindi ko pa namemeet at nakakausap dahil hindi ko naman siya friend sa fb. Kahiya kasi! Isang beses palang naman kami nagkikita kaya hindi ko siya inaadd.

Medyo nakaka-usap ko na rin ang tropa nila since madalas sila sa flower shop. Tumutulong rin kasi sila sa pagbubukas ng garden ng flower shop sa public. So wala ring sense ang pagtrabaho don para hindi makita si Jisung dahil nakikita ko siya araw-araw!

At least na enjoy kong tumulong! So imbis na hanggang summer lang ako, gusto kong miski free days ko ay magtatrabaho ako doon. Okay lang naman daw kay Tita.

Natapos na ako maligo at mabilis na nagbihis. Buti nga at lumabas na si Jisung ng kwarto. Siguro para magready na rin.

Napag-usapan na rin naming dalawa na walang pansinan dahil magkablock pa naman kami. Buti nalang at kakaiba ang schedules namin kahit na magkablock kami.

Kaya lang naman may mga block sa JYP para may permanent room kayo at may pupuntahan pag umaga. Then iba schedules niyong lahat at pwede kang magkaroon ng classmate sa ibang subject na galing sa ibang block.

Ang kasamaang palad, limang subjects ang magkaklase kami ni Jisung.

Lumabas ako ng kwarto at tumakbo papuntang kusina. Nakita ko si Jisung doon na prenteng nakaupo sa dining table.

"Hindi ka pa ba magbibihis! Late na tayo tanga!" Tarantang sigaw ko sa kaniya.

Kung gusto niyang magpalate, wag niya akong idadamay!

Hindi siya umimik kaya napairap ako. "Aalis na ako."

Kumunot ang noo ko nang tumawa siya ng malakas. Natigil ako sa paglakad at kusa akong napatingin sa orasan na malapit sa akin.

Punyeta 4:00 am palang! 9 am pa pasok namin

Ini-slide pa ni Jisung ang phone ko sa lamesa. Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwala sa nakita ko.

"Excited ka pumasok no? 4 palang ready ka na." Tawa niya pa lalo.

Nag-init ang ulo. Nakakairita ka Han Jisung! Bwisit ka!

"Mamatay ka na!" Inis na sigaw ko.

"Ikaw muna." Ngisi niya.

"Argh!" I shouted ni frustration.

"Ano nanaman bang nangyayari sa inyo?" Napaharap ako kay Tita na bumababa ng hagdan. Kinunutan niya pa nga ako ng noo.

"Akala ko ba 9 am pa pasok niyo?" Tanong pa ni Tita sa akin.

Sinamaan ko ng tingin si Jisung.

"May araw ka rin sa akin punyeta ka!" I mouthed at him.

"Oohhh I am scared." He mouthed back naman.

"Ano bang trip niyong dalawa?" Gulong tanong sa amin ni Tita.

"I hate you, Han Jisung!" I shouted at marched papuntang hagdan para umakyat ulit sa taas.

"I love you too, Bub!" Asar niya at I heard him laughed.

Pwede bang lumayas nalang dito? Ilayo niyo ako kay Han Jisung please!

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon