008

593 22 3
                                    

"Tawagan mo ako pag nakarating ka ha?"

Tinanguan ko si Avery saka niyakap pa siya ng isang beses bago sumakay sa taxi. Kumaway pa ako sa bintana at nag flying kiss, ganon din siya.

Huminga ako ng malalim nang umandar na ang taxi. Pinakita ko ang address na sinend sa akin ni Mama. Buti nalang at alam ng taxi driver dahil ang alam ko lang sa address na yon ay ang District 9.

Tumingin ako sa phone ko para tignan ang oras. 5 pm na pala at halos ilang oras rin ako pinaghihila ni Avery.

Si Jeongin naman, umuwi na pagkatapos namin kumain sa mall dahil may pupuntahan pa raw siya. Stuck tuloy ako kay Avery buong araw.

Yung surprise rin na sinasabi ni Avery sa chat ay si Jeongin. Siya pala ang nagsabi sa Mama nito na sunduin ako. Gusto niya kasi magkakasama kami dahil magkakaibigan naman na kami since middle school, kahit na hindi sila ganon magkasundo. Simula magbata hindi na talaga sila magkasundo tapos nagsama pa sila sa iisang university. Kahit nauna si Jeongin sa JYP dahil doon niya tinapos ang middle school hanggang ngayon, sumunod pa rin si Avery. Buti nga at magkasundo pala ang squad nilang dalawa.

Sa kasamaang palad din, out of place ako sa mga pinag-uusapan nila. Ayaw kasi sabihin ni Avery kung sino ang unknown crush at bestfriend niya. Akala niya naman aagawin ko amp.

Sabi niya kasi, sa first day ko nalang daw sila makikilala at for sure daw ay makakasundo ko sila agad. Sana nga dahil yung mga students don ay halos magkakakilala na, pano naman ako na galing Busan diba?

"Nandito na po tayo." Nagulat ako nang magsalita ang driver. Nagprocess pa nga ang sinabi niya bago ako nabalik sa katotohanan.

Nagsorry ako saka binigay ang bayad. Since wala pa yung mga gamit ko, isang malaking maleta lang ang dala ko kaya mabilis rin akong nakababa ng taxi.

Nakaalis na ang taxi pero nakatunganga pa rin ako sa bahay na nasa harap ko. Ang ganda! Para siyang modern contemporary house. Hindi ganon kalakihan pero ang sabi ni Mama ay dalawa lang daw sila ng kumare at anak niya so malaki na to kung para sa aming tatlo lang.

Naghehesitate pa ako kung papasok agad ako or magdodoor bell muna and after ng siguro 15 minutes sa labas ng bahay, walang halong biro, nagdoor bell muna ako.

May susi naman ako dahil binigay to ni Mama bago ako umalis sa Busan. Binigay daw ng kumare niya para sa akin.

Naghintay ako doon ng 3 minutes pero wala pa ring nagbubukas. Hindi na ako nagdoor bell ulit dahil nahihiya ako at baka naabala ko yung tao sa loob ng bahay, kung may tao nga.

Isang minuto pa ako sa labas pero nainip na ako at kinuha ang susi ko. Sarado kasi ang mga ilaw so inisip ko na baka wala nga talagang tao.

May front yard pagkapasok ko and hindi ako magtataka kung may backyard din. Namagha ako sa flowers na nakapalibot dito. Halatang alagang alaga ng may-ari.

Nakailang steps pa ako at narating ko rin ang front door. Kumatok muna ako pero binuksan ko rin ng susi ko. Mamaya kasi wala talagang tao tapos may magbukas sa akin diba? Creepy non.

Madilim sa loob at hindi ko naman alam kung nasaan ang light switch. Naningkit naman ang mata ko nang bukas ang ilaw sa may hagdan, meaning ay baka may tao sa taas.

Kinilabutan naman ako dahil baka magnanakaw pala yon. Pinilit kong mahanap ang kitchen at may nakita akong walis kaya kinuha ko yon. Nako malay mo naman magnanakaw talaga yon. Wala pa naman akong kilala dito.

Nakarinig na ako ng foot steps pa baba kaya mas kinabahan ako. Hinawakan ko ng mahigpit ang walis na hawak ko at dahan-dahang pumunta sa kung saan rinig ko ang foot steps.

Nakarating ako sa sala kung saan iniwan ko ang maleta ko. Nanlaki ang mata ko nang makakita ng katawan na tumitingin doon. Sa katawan palang, alam kong lalake to.

Napatakip pa ako sa bibig ko dahil may tumutulo pa sa kaniya na halatang galing shower lang. Ibig sabihin ba non...? OMG! Nakatowel nga lang siya!

Napatakip ako ng mata, pero kita ko pa rin naman sa mga butas ng daliri ko yung paligid, habang hawak ko ang walis sa isa.

Mama! May rapist ata sa bahay na to!

Tumunog naman ang sapatos ko dahil siguro sa basa kaya haharap dapat siya sa akin. Hindi na ako nagsayang ng oras at hinambalos siya ng walis na hawak ko.

"Tulong! Tulong!" Sigaw ko pa. Nakapikit na ako dahil baka mamaya mahulog pa towel nito, mahirap na.

Nagliwanag naman kaya binuksan ko ang mata ko. Nagulat ako nang makitang binuksan na pala ng lalake ang ilaw.

Hahambalusin ko naman dapat ulit siya kaso bigla siyang humarap. parehas nanlaki ang mga mata namin.

"Riley?!"

"Jisung?!"

Nalaglag ang panga ko pagkakita ko sa kaniya. Nagkasabay pa kami at parehas na tanong ang pumasok sa isip namin.

"BAKIT KA ANDITO?!"

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon