100

519 26 3
                                    

a/n: omggg 100 chapters na pala tayoooo ang haba na pala nito, di ko napansinnnn HAHAHAHAHA

---

"Eh paano nakuha to?"

Bumuntong hininga si Seungmin at tinignan ulit ang papel ni Chae. Kahit na ilang beses niya na kasi ituro ito, hindi niya magets.

"Oy, eto naman Ry! Tama ba?" Tinignan ko naman ang pinakita ni Ave sa akin saka ako tumango.

"Oo tapos ituloy mo lang para makuha final answer."

Ang ingay sa bahay. Paano ba kasi, next week ay finals week na. Since wala naman na akong finals pati si Jisung, pumunta sila sa bahay para manggulo at magreview. Parang group study na rin.

Nagkatinginan kami ni Seungmin pag-angat ng tingin sabay natawa. Paano ba kasi, kahit wala na kaming finals dalawa ay parang narereview na kami dahil kami ang nagtuturo sa kanila.

Kompleto rin ang tropa. Kaming magkakabatch, nasa lapag nakaupo kaharap yung coffee table. Kami kasi nauna tapos sumunod lang yung iba. Nakakalat naman sa ibang parte ng living room yung iba.

Kahit nga si Ara ay nandito kasi sinabay lang ni Hyunjin pagpunta at ayaw siyang iwan. Buti nalang hindi nag-iinarte at tahimik lang na nagbabasa pero paminsan minsan di niya maiwasang umiirap at bumubulong kasi ang boring daw.

Ang nakakatuwa lang ay kahit na maingay sila, puro may sense na yung lumalabas sa bibig nila. Nakakaproud, get a tropa like this talaga. Sabay sabay umaangat at walang naiiwan.

"Hindi pa ba gising si Jisung?" Tanong ni Kuya Minho habang nag-iinat dahil kanina pa siya nakadapa sa lapag para magreview.

Tanghaling tapat na kasi tapos hindi pa bumababa. Hindi niya nga ata alam na nandito sila kasi biglaan lang naman yung group study namin.

Napatayo ako nang makarinig ng bukas ng pinto sa taas. Si Jisung to malamang kasi wala naman na si tita at maaga laging pumupunta ng flower shop.

"Bubbbbb!" Malakas na sigaw niya kaya napatingin silang lahat sa akin nang may pang-aasar.

Tinaasan ko sila ng kamay bilang surrender. Ampota Han Jisung! Bakit ka gumagawa ng eksena?!!!

Tatakbo palang sana ako paakyat para pigilan siya sa eksena niya ay nakita ko na ang mga paa niyang pababa ng hagdan.

"Bub, pupunta lang ako kay Mama---"

Inis kong tinignan si Jisung na mukhang gulat na gulat dahil nakita niyang ang daming tao sa sala.

Hindi niya ba talaga naririnig yung ingay nila? Kainis ha!

"Sira ulo ka ba" I mouthed pa sa kaniya

Napakamot nalang siya ng batok sa hiya. "Kaya pala maingay, akala ko tv." Sabi niya pa at dumeretsyo sa kusina.

Nagpigil ng tawa tong mga to. At seryoso palala nang palala ang tingin nilang nakakaasar. Ayaw lang nilang magsalita kasi baka tawa lang ang lumabas sa mga bibig nila.

Awkward kong tinignan ang mga to at hindi naalis ang mga nakakalokong ngiti nila.

"Bub pala ha." In chorus na asar nila. Napaface palm ako at inis na tinignan si Jisung na sumilip sa sala.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon