120

479 30 4
                                    

"PUTANGINA UWI NA NGA TAYO! AYOKO NA! AYOKO NA!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao rito. Paano ba naman kasi itong si Kuya Minho gumagawa ng eksena at ayaw sumakay sa cable car.

Nasa Songdo Beach kami ngayon to see the Songdo Cloud Trails. It's one of Busan's famous seaside walkways. Doon palang ay halos mangiyak-ngiyak na si Kuya Minho dahil nga sobrang takot niya sa heights. Tapos ngayong nalaman niyang sasakay rin kami ng Songdo Cable Car, na dapat ay hindi mo malagpasan if you're in Songdo, ayan, nagwawala na.

Worst part is, kami na ang nasa pang-unahan ng pila kaya lahat ng tao ay hinihintay kaming makapasok.

"Hyung, nakaabot ka na rito, sakay na. May mga tao pa tayong kasunod." Pagmumulit na hilain ni Kuya Changbin. Pati si Kuya Woojin at Kuya Chan ay hinihila na siya papasok pero wala pa ring epekto.

Nakakarinig na nga kami ng ilang reklamo mula sa mga tao sa likod. Pati tuloy ang tropa namin natataranta na.

"Iiwan ka namin rito Minho, isa." Pagbabanta naman ni Kuya Chan.

"Iwan niyo na ko, sa coaster nalang ako maghihintay." Umupo pa sa lapag si Kuya Minho. Para talaga siyang batang nagtatantrums.

"Sino ba kasing nag-isip na pumunta rito, gago papatayin niyo ba ako?" Iyak pa niya.

"Hyung sakay na, kanina pa tayo iniintay dito." Sabi naman ni Jeongin at kasama na sa nagtatayo kay Kuya Minho na nakaupo sa lapag.

Nakasakay na ang ilang kaibigan namin sa loob at ilan nalang kaming naiwan sa labas. Hindi kasi ako makasingit at makapasok dahil ako ang nasa dulo ng pila naming magkakaibigan. Habang nagkakagulo sila doon, napansin ko itong katabi ko.

Hindi nagsasalita at namumutla na. I nudge him. "Jisung."

Doon lang ata siya natauhan at napatingin sa akin. "Hindi na ba tayo sasakay? Tara na." Iikot na dapat siya at aalis sa pila pero mabilis ko siyang hinawakan sa wrist at hinila pabalik sa pila.

"Okay ka lang ba? Papasok na tayo." Aya ko sa kaniya. Mas namutla siya and nataranta ako pagkakita sa kaniya. "Okay ka lang ba talaga?"

He laughed a little pero nanginginig iyon at halatang pilit. He was shaking a bit at mukhang alam ko na kung bakit.

"Are you scared?" Nag-aalalang sabi ko.

"H-hindi a-ah, bat ako matatakot." Napailing ako when I could clearly hear how his words trembled in fear.

Bobo nito ni Jisung, ako pa pagsisinungalingan niya. Eh alam ko kayang takot rin siya sa heights no. Akala ko lang ay nawala na since nakikisabay naman siya sa amin nung nasa Cloud Trails kami. Siguro ay hindi na kaya ng loob niyang masikmura ang mas mataas na heights.

I held my hand in front of him kaya nagtatakang tinignan niya ako. "Hold my hand." I said, more like I commanded.

Hindi siya sumagot or gumalaw. Ni wala nga ata siyang balak kunin ang mga kamay ko sa harap niya. Naikot ko naman ang mga mata ko dahil doon.

Dahil wala naman ata siyang balak kumilos at nakatanga lang sa harap ng kamay ko, ako na ang gumawa ng move.

Kinuha ko ang kamay niya and held it around his. I adjusted our fingers together, interlocking them with one another. Nagulat siya sa ginawa ko.

I smiled at him. "I know you're scared, I'll let you hold my hand hanggang makababa na tayo ng cable car. I'll be with you throughout the ride."

Nanginginig pa rin ang mga kamay niya kaya I squeezed it gently to help him calm down. Ilang segundo ay kumalma na siya and we also stepped inside the cable car.

Hindi ko alam how they managed na papasukin si Kuya Minho sa loob pero grabe na yung respect ko sa kanila.

"Kuya, why did you gave Minho to me!" Narinig ko pang reklamo ni Ate Cali.

"Ikaw lang hindi mapalagan niyan, ikaw muna mag-alaga." Sagot naman ni Kuya Chan.

"I am too maganda to be taga-alaga!" Sagot naman ni Ate Cali tapos humarap siya kay Kuya Minho at sinamaan ito ng tingin. "You make ayos nga. I am not afraid to throw you outside." Wala namang nagawa si Kuya Minho at kumapit nalang kay Ate Cali.

I laughed. Nagkaniya-kaniya na rin naman ng pwesto ang mga tao sa cable car. Since nakatayo ay mas pinili nilang magkumpol sa may dulo kung saan makikita mo ang view.

The cable car started to move. Napahawak ng mas mahigpit si Jisung sa akin. Pinisil ko nanaman ang kamay niya para sabihin na nandito lang ako.

I could have let him face his fears at hayaan siya doon. Pero I couldn't, hindi ko kakayanang makita siyang namumutla at nagkukunyaring okay.

I have done enough damage to him, this time, it's time to return the favour. Kahit na alam kong sobrang late na.

"Ano," He looked at me nang magsalita ako. "Gusto mo bang pumunta sa may bintana o dito lang tayo sa gitna?"

Nag-isip muna siya saglit until his lips tugged upward to form a soft, small smile. He's the one who guided me sa malapit na bintana ng cable car, not letting go of our hands from each other.

Sumiksik kami sa dami ng tao roon, and the view was breathtaking. Kitang-kita mo ang dagat ng Songdo.

"Ang ganda no?" I said, hindi inaalis yung tingin ko sa view. Dito ko talaga ramdam na ramdam na miss ko na talaga ang Busan.

"Oo nga, ang ganda." Jisung answered back.

Napatingin tuloy ako sa kaniya. Nagulat ako nang nakatingin pala siya sa akin. Na para bang kanina niya pa ako pinagmamasdan, na para bang he said those words for me.

Pero aasa ba ako? Malay ko ba kung kakaharap niya lang sa akin. Wala naman akong pinanghahawakan para maramdaman iyon.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtititigan. Hindi naman siya nakakasawang titigan, I was enthralled by him. His hair strands parted apart, his sharp nose bridge and how sweet his smile is. As cliche as it is, para siyang painting that comes to life.

Nawala na sa isip ko ang view, I have one in front of me so why would I bother look at others?

"Huy tara na."

Naputol ang titigan namin nang kalabitin kami parehas ni Felix. Napatingin ako sa paligid at bumababa na ang mga taong sakay ng cable car.

"A-ah, oo tara na." Sagot ko at hinila na si Jisung palabas.

"Wala na rin tayo sa cable car, pwede na magbitaw aba." Sitsit naman ni Chae na napadaan sa amin.

Napatingin kami pareho sa kamay namin, still intertwined with one another. Agad kaming bumitaw. Nawala sa isip ko na holding hands pa pala kami, hindi ko na nga rin naisip na makikita nila iyon in the first place. Basta ang nasa isip ko lang kanina ay ang kalagayan ni Jisung.

"Ang issue niyo." Iling ko at inunahan nang maglakad si Jisung para mapantayan si Avery.

I unknowingly looked at my hands. I already missed the warm of his hands with mine. And if I were to asked, I would not let go.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon