"LADYYYYY, WON'T YOU SAVE MEEEE!!!"
Puro hiyawan nalang ang maririnig mo sa coaster. Feel na feel kasi ni Jisung ang pagkanta ng She's Gone ng Steelheart. Ayon, hype na hype silang lahat.
Para kaming may sariling party on wheels. Ang nakakahiya pa, binuksan nila ang ilang bintana para raw dama hanggang labas ang semi walwal, minus the drinks, namin.
Umalis kami ng rest stop, 10:30 am na. Nadama nila ang sandamakmak na pagkain doon, ubos pera sila mga mamser.
Tapos pag-andar ng coaster, wala nang tulog na naganap. Binuksan na nila ang karaoke na pinangungunahan ni bunso, aka Yang Jeongin. Siya unang kumanta hanggang sa nagpasa-pasa na.
Kulang na nga lang ay umalog itong sinasakyan namin kasi nagtatatalon na rin sila sa gitna. Muntik na ngang sumubsob si Kuya Changbin kanina kasi hindi kumakapit pag nakatayo. Akala namin may expedition na siya kanina.
Stuck up rin kasi kami sa traffic. May nagbungguan daw na sinakop ang ilang lane. So ngayon, dalawang lane lang ang nadaraanan. Eh sem break pa naman kaya marami-rami rin ang bumabiyahe.
Imbis na mainis kami, mas natuwa pa kami. Hindi na namin inisip yung ilang tao na napapatingin sa coaster pag nakakatabi nila ito sa lane. Kaniya-kaniyang trip nalang.
Ang kaso nga lang, hindi ata kami makakaabot ng lunch sa Busan kaya magsstop nanaman kami ng isang beses para maglunch.
Hindi namin namalayan na 1:30 pm na pala. Pagod na kaming lahat kakahype up at karaoke. Paano ba naman kasi, sa tatlong oras na nasa loob kami ng coaster, ayon lang ang ginawa nila. Sakto naman ang tigil namin sa rest stop para maglunch.
Nagfuel up muna kaming lahat ng pagkain. Mabilisan lang yon kasi merong arcade center sa rest stop na pinuntahan namin. Nawili sila kakalaro so nakaalis na kami roon ng 3:00 pm.
It was getting late, naglower down na rin kami. Kwentuhan at tawanan nalang. Kaniya-kaniyang kahihiyan ang lumabas. Nakakamiss rin kasing magfield trip, lalo na pag masaya at solid kayong magkakaklase. Ganon ang pakiramdam namin ngayon.
Buti nalang talaga at nakahanap ako ng mga kaibigan gaya nila. Kahit na ang daming gustong sumira sa amin, mas nagiging matatag lang kami. Sa halos anim na buwan na kasama ko sila, iyon ang pinakamasaya.
It was 5:30 when we arrived at the resthouse. Yung six hours na biyahe ay naging seven hours dahil sa traffic. Hindi pa kasama sa seven hours na yon ang dalawang beses naming tumigil sa rest stop.
Malapit na magsunset kaya binilisan namin magsibaba. Pagkaapak ko sa lapag, I felt at ease. I missed Busan and I am glad to be back.
"NASA HAEUNDAE BEACH TAYO!" Natauahan ako sa biglang sigaw ni Jeongin.
Nilibot ko ang tingin ko at tama nga si Jeongin, nasa private resthouse kami by the Haeundae beach.
"Yayamanin talaga ng Seo, shet paampon!" Siko naman ni Avery sa katabi niyang si Chaebin.
Haeundae beach is one of the famous beaches in Busan. Nakapunta na ako rito pero never nagstay, mga bisita lang to swim pero uuwi rin agad. So it's really nice at makakapagstay na rin ako rito.
"Gago, palit nalang tayo. Ayokong kapatid si Changbin no." Tawa naman ni Chae kaya nabatukan siya si Kuya Changbin.
"Sira ulo, mag-kuya ka! Magsipasok na nga kayo." Wala namang palag si Chae sa kuya niya kaya nagsipasok na kaming mga babae.
Yung boys, sila yung nagbaba ng mga gamit naming lahat habang kaming mga babae, nagkaniya kaniya ng libot sa resthouse.
Si Ara, naupo lang agad sa sofa at nagphone. Si Ate Helena at Ate Max, tumingin sa rooms. Si Chae, Omi at Avery dumeretsyo sa Kusina. Habang si Ate Cali, lumabas sa backyard kaya sumunod ako.
I was in awe paglabas. Abot na ng beach ang backyard kaya sand na ang aapakan mo. Kitang kita rin dito ang dagat and it was great to watch the sunset.
Nilingon ako ni Ate Cali. "Let's call them? We can nood the sunset muna before doing anything."
Tumango naman ako at pumasok na ulit sa loob. "Hoy! Labas daw tayo, let's watch the sunset!"
Nagsilabas naman sila Ate Max at halata ang gulat sa mga mata nila.
Even Ara went outside. "Wow, it's beautiful." She hummed kaya napangiti ako. At least napamangha natin ang isang Seol Ara.
"San sila?" Kuya Chan asked pagbaba nila ng mga gamit sa loob.
"Outside, pababa na yung araw. Nag-aya si Ate Cali na manood ng Sunset." Sagot ko.
"Oh, tara naaa! Mamaya na yan!" Aya agad ni Kuya Minho na binagsak lang yung isang bag na bitbit niya.
Nauna nang lumabas si Kuya Minho. Nagulat ako nang may umakbay sa akin. Napairap ako nang makita kung sino yon.
"Lah iniirapan mo nalang ako noona?" Tawa ni Jeongin kaya natawa na rin ako.
"Wala, naamazed na sila eh isang beach palang yan." Sabi ko naman kaya nag-apir kami. Marami-rami pa silang gulat moments sa Busan, kasi sobrang daming wonders nito.
Umupo kami sa sand lahat at walang nagsasalita. Tinignan lang namin bumaba ang araw, and it was breathtaking. Sobrang ganda talaga kaya nagpicture picture rin kami.
Pagkadilim, tumayo agad si Ate Max and Kuya Chan. "So anong plano?" Tanong nila sa isa't-isa isa.
"Naglibot kami ni Lena and dalawa lang yung kwarto. Meron itong tig-dalawang double sized beds. Kami na magsstay don?" Tanong ni Ate Max.
"Sa sala kami. Doon nalang kami maglalatag para matulog. Napag-usapan na namin yon bago pa bumiyahe kasi sabi nga ni Changbin na dalawa lang kwarto." Sang-ayon naman ni Kuya Chan pati ng mga lalaki.
"Ay wow gentlemen naman pala." Biro ni naman ni Ate Helena. "So paano naman hati natin sa room?"
"2000 line at saka non-2000 nalang para mabilis!" Sagot naman ni Avery at sumang-ayon kaming lahat. Ganon lang kadali.
"O sige na. Pasok na ulit yung mga babae, magluluto kayo diba? Pinapuno na raw nila Changbin yung ref bago tayo dumating." Kuya Woojin explained naman.
"Syempre malalas kayo sa akin." Bida naman ni Kuya Changbin kaya nabatukan siya ng kapatid niya.
"Ulol ka, malakas sila kila Mom." Belat pa nito.
"Oh bago pa matuloy away niyo," pigil agad ni Kuya Chan. "Kaming mga lalaki naman mag-aayos para sa bon fire mamaya. Aayusin na rin namin ni Hyunjin yung apoy para sa barbeque."
Nagsitayuan na kami at nagkaniya-kaniya na ng gawain. Puno ang pantry at ref kaya hindi na namin kailangan pumunta pa ng night market. Habang yung mga lalaki naman nag-aayos ng mga mauupuan namin sa bon fire at yung mismong apoy sa may backyard.
Getting ready para sa late night talks at laro mamaya. Shet, goodluck naman don.
![](https://img.wattpad.com/cover/184077881-288-k538919.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...