051

468 29 8
                                    

"Saan ka galing?"

Bungad ko kay Avery na patakbong pumupunta sa amin. Kanina pa nakapasok si Ate Max sa Arena since may gagawin pa daw ang SC habang si Ate Cali naman ay nasa waiting room ng Arena, tapos si Ate Helena ay kasama si Kuya Woojin na pumasok na rin dahil papakainin pa daw nila yung mga anak nila. Si Chae naman, hinahanap yung Kuya niya kaya si Naomi lang kasama ko.

"Kasama ko si Jeongin." She explained habang hinihingal.

"Huh? Parang iba naman yung rinig kong balita?" Painosenteng asar ni Omi.

"Oy nagsasabi akong totoo! Tanong mo pa siya!" Sabi agad ni Ave.

Napatingin naman ako sa juice na iniinom niya. "Hindi ba nagpabili ka ng milktea kay Hyunjin?"

Napatingin naman siya sa juice. "Sabi ko nga kasi, kasama ko si Jeongin."

"Ang tanong yung juice. Bakit ba puro Jeongin ka?" Asar naman ni Omi. Ewan ko dito sa babaeng to, hindi mapirmi yung ship niya sa buhay.

"Wait kang ha, di pa kasi ako tapos mag-explain." Irap naman ni Ave.

"Katakot naman kasi yon, kasama mo si Jeongin? That's so unlikely to happen everyday kaya nakakaamaze." Sabat ko naman.

"Then the so unlikely to happen mo ay nangyayari naman talaga. Nakasalubong namin siya kanina and may dala siyang juice kaya kinuha ko. Ang tagal ng milktea na pinapabili ko eh." Explanation na ni Avery kaya napatango kami.

"Namin?" Taas kilay kong tanong.

"Nagkaamnesia ka ba? Diba nga silang dalawa ni Jisung yung magkasama kaya hindi siya mahanap kanina? Ikaw pa nga nagsabi non na sinabi ni Hyunjin." Snap ni Omi sa akin.

"Ay oo nga pala, nawala sa isip ko yon ah?" Wala sa sarili kong sabi.

"Syempre si Hyunjin lang naalala mo eh. Balita ko kasama mo daw siya kanina?" Avery's turn to tease naman.

Tumalikod na ako sa kanila and started walking to avoid the question. Nasundan naman agad nila ako with a smug look on their faces.

"Oo na, kasama ko siya kanina. Nagpasama siya bumili ng milktea para sa girlfriend niya. Tapos while walking we had a talk pero ikaw lang naman pinag-usapan namin halos kasi nga bestfriend ka namin parehas." Sagot ko nalang para naman matigil na sila.

"Ay sikat naman pala." Tawa ni Omi kaya nairapan siya ni Avery.

"Buti nga kayo naalala pa ako. Si Jisung iba yung bukambibig." Walang ganang sabi ni Avery.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Omi to sense something. At parehas nga kami ng iniisip, nagseselos siya.

Ako rin naman nagseselos sa kanila ni Hyunjin pero alam mo yon, may girlfriend yung tao kaya tanggap ko naman na wala silang gusto sa isa't-isa. Pero si Ave, hulog na hulog na sa crush niya.

"Ano naman sabi?" Curious na tanong ni Naomi. Hindi sana ako magtatanong pero dahil natanong naman na, makikisakay nalang ako.

"Well, uminom pala sila kahapon without their hyungs. Si Kuya Minho naman nakisama pa. Si Jisung pala nag-aya." Nataas ko ang kilay ko sa sinabi ni Ave.

Kaya ba hindi umuwi si Jisung kasi uminom sila? How come na nag-aya siya bigla uminom? It's not like naconcern siya sa mga kinwento ko at nagalit siya sa sarili niya. Wala namang pake sa akin yon.

"Alam kong hindi ko dapat ikekwento sa inyo to dahil it's his personal life pero I am really concern. Nakita ko siya sa garden kanina. He looks so sad, parang hindi niya pa rin nabubuhos lahat ng lungkot niya." Avery continued at tumango naman kami bilang ituloy niya.

"Then nilapitan ko siya. I asked him what's wrong pero nagkwento lang siya about this girl. Puro yung babae lang topic namin. I can see how happy and sad he is habang nagkekwento. And yung nakakagulat, umiyak siya. He freaking cried!"

Napataas ako ng kilay. Buti nalang at nakatingin kami sa daan habang naglalakad kaya hindi nila ako napansin.

Alam kong may gusto si Jisung sa kaaway ko dati simula nung bata kami. He didn't really confirmed kung sino pero he gave a hint. Hindi ko naman alam na he seriously liked that girl na iiyakan niya pa.

And nakakagulat rin na he became so serious about it. Parang ang importante nung babae sa kaniya.

"He said that he really like that girl pero hindi niya masabi kasi sobrang impossible daw na tanggapin siya. He also said na may ibang gusto yung babae kaya puro sakit lang maibibigay niya sa girl." Pagtapos ni Avery ng kwento niya she stopped kaya napatigil din kami.

"Wow, hindi ko aakalain na may sobrang soft side si Jisung for a girl. Parang nawala yung jolly and happy Jisung na kilala natin dahil lang sa babaeng yon." Gulat na sabi ni Omi.

Avery sighed. "I didn't either."

Napatingin naman sila sa akin na para bang may hinihintay na sagot ko. I shrugged. "What? Hindi kami close."

"Still! Kilala mo naman na si Jisung. You looked close kaya. Have some concern kahit konti kasi it's really concerning." Worried na sabi pa ng bestfriend ko.

I can see how much worry she has. Parang kaya niyang gawin lahat for Jisung at ganon siya kalalim nahulog. He became her priority.

"Ewan ko, nagulat din ako eh." I answered.

Huminga ulit ng malalim si Avery. "Ang sakit lang na ako kasama niya kanina pero nalaman ko pa kung gaano siya nahulog sa ibang babae. Funny na magkaparehas lang kami ng state ng pagkagusto pero siya sa ibang tao."

I patted her back to cheer her up. Nasaksihan ko kung paano magkagusto si Avery at sa lagay na to, ito ang pinakamalala. Pati siya nasasaktan na.

Umayos na siya at naglalad na ulit. Sumunod nalang kami ni Omi.

"What are you planning to do?" Tanong pa ni Naomi.

"Then cheer my crush up. Ayon lang naman ang kaya kong gawin dahil hindi ko naman kayang iuncrush niya yung girl." Sagot ni Ave.

She stopped then continued. "Pero kung kilala ko lang yung babae, I will tell her na ang tanga niya para saktan ang taong pinakainiingatan ko."

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon